Lloyd's POV
Pag labas namin ng classroom ni Raven daw siya, hindi ko namalayan na ang rami pa lang studyante na nag aabang sa labas, parang mga press lang sila, andaming flash ng camera, cguro mga photography students din to sila. Bakit ba sila ganito eh normal na tao lang naman ako, hindi ako sanay sa mga ganito eh.
"Oy san tayo papunta?" tanong ko ky Raven, kasama din namin yung friend niya na si Cristine daw.
"Sa parking lot po." sagot naman ni Raven na kung maka po.
"Ay okay, sasakyan ko na lang gamitin natin." alok ko sa kanya, hiningi ko kasi kay manong driver yung susi kanina sa sasakyan para ako na lang uuwi mamaya.
"Wag na, akin na lang." sabi naman niya. at ako naman tong madaling ka usap.
"Okay." yun na lang yung sinagot ko, tsaka mas alam nila yung lugar.
Sumakay na kami sa isang Pink na Hummer, ang gara din naman pala nitong babaeng to. Mayaman din pala to.
Hahang bumabyahe kami si Cristine, yung friend niya tanong ng tanong.
"Kamusta ka?" sabi ni Cristine
"Okay lang naman." sagot ko
"Ahh, maganda ba sa France?" tanong niya ulit.
"Oo naman, maganda talaga dun." sagot ko
"Yaman niyo naman." sabi niya, grabe naman tong babaeng to, para namang na hot seat ako nito.
"Yung parents ko lang naman, hindi naman ako mayaman.:))" sagot ko naman, totoo naman talaga, sila lang yung mayaman kasi sila yung naghirap para sa mga bussiness namin.
"Hoy Cristine, baka na iingayan na yung tao sayo, tumahamik ka na nga lang jan." sabat naman ni Raven, maganda din tong si Raven eh, astigin lang, pero parang may pag ka play girl din, pero mas gusto ko kasi yung mga babaeng mysterious at pa sweet eh, kaya hindi ko siya type.:))
At sa wakas dumating na daw kami, infairness malinis tong restaurant na to, it is actually mediterannean style na establishment. At pag pasok ko, wow!!! I am really amaze, ang ganda dito ha? Hindi ko pa kasi masyado kabisado tong Pilipinas eh, kaya parang may pag ka ignorante pa ako dito. haha
"Tara order na tayo, 1 hour lang kaya vacant natin." sabi ni Raven, may point din naman siya.
Kaya ayun nag order na kami ng pag kain, habang hinihintay namin na dumating yung food tinanong ako ni Raven.
"Bakit ka pala bumalik sa Pilipinas?" tanong niya.
"Kasi, .... na tapos ko nang abutin yung gusto kung maabot sa France" sagot ko naman.
"Such as?" tanong niya
"Maging isang renowned photographer." sagot ko
"Ahh, for 5 years?" tanong ni Cristine
"Oo, for 5 years, kasi may mga bagay na kailangan kung patunayan." sabi ko
"Patunayan?" sabay nilang sabi.
"Oo, patunayan and it is so complicated...."
tama naman at dumating ang pagkain.
"Tara, kain na lang tayo." Sabi ko, to change the topic lang, ayaw ko kasing pag usapan yung personal life ko.
Kaya ayun mabilis lang din naman kaming kumain at bumalik na agad sa school, at tsaka mabilis din namang na tapos ang klase, and umuwi na din ako sa bahay pagka hapon. Masyadong nakaka culture shock ang nangyari sa first day of school ko.