ATTENTION: RAW AND UNEDITED. EXPECT ERRORS AND TYPOS.
**The dress in the media is what she wears in the club.
HINABLOT niya iyon at saka binasa, permit iyon na nagsasaad ng pagbibigay permiso para gibain ang building ng kaniyang shop at tinitirhan. Umakyat lahat ng dugo sa kaniyang ulo. Hindi!
"Sige, ilabas ang dapat ilabas at saka gibain at magigiba ninyo," sigaw nang lalaki.
"Mards!" sigaw ni Lucy.
Hindi ito magkamayaw sa pagpipigil sa mga lalaking binubuhat ang estante ng kanilang mga displays.
"Huwag iyan! Ginto ang mga iyan akin ang mga iyan! Huwag ninyong ilalabas iyan, ano ba! Sinabi ng huwag iyan!" hablot nito sa isa sa mga estanteng kinalalagyan ng kanilang mga gintong alahas. Nakikipag-agawan ito sa dalawang lalaking bumubuhat sa estante.
Nananakit ang kaniyang sentido. Para siyang mawawalan ng malay. Hindi niya alam ang gagawin, makikipag-agawan ba siya sa mga ito tulad ni Lucy? Everything is crumbling down, lahat-lahat ng kaniyang pianghirapan.
Nananakit ang kaniyang dibdib. Hindi niya mapigilang umiyak. Nagpapasalamt na lang siya na nasa school na nito si Junjun at hindi nasasaksihan ang mga ito. Si Junjun...paano pa niya matutustusan ang mga pangangailangan ng anak? Ang special school at activities nito? Ang treatment nito sa espesyalista?
Napatayo siya. Hindi puwede. Ginawa niya ang lahat ng ginawa niya noong nakaraan para sa anak. Naghirap siya, nagsakripisyo para lahat sa anak at hindi siya papayag na mapunta lang sa wala ang mga iyon.
Hndi na uli siya babalik sa putikang pinanggalingan. Hindi na uli siya tatapak pa roon para magbigay aliw sa mga lalaking ang nais ay mahawakan ang kaniyang alindog. Hindi na. Gagawin niya ang lahat para maisalba ang lahat ng ito.
Nilapitan niya ang lalaking sa tingin n'ya ay siyang in charge sa demolisyon. Hindi siya nito pinansin kaya malakas na sampal ang ibinigay niya rito at doon ito natigilan.
"Ang sabi ko, ipatigil mo ang demolisyon at ituro sa akin ang nag-utos sa inyo nito," madiin at matigas niyang ulit.
Hind ito kumilos at binigyan siya ng nakangising tingin mula ulo hanggang paa.
Muli niya itong sinampal, mas malakas. "Ipatigil mo sabi!" sigaw na niya.
At doon lang ito kumilos at sinabihan ang lahat na tumigil sa ginagawa. Pagkuwa'y kinuha ang cell phone sa bulsa ng pantalon at pumindot doon at saka may kinausap. Nang matapos makipag-usap ay may itinuro itong itim na sasakyan na naka-park sa di kalayuan sa kaniyang shop.
"Mards, babalik ako. Huwag kang mag-alala...aayusin ko ito." Lingon niya sa kaibigan bago lumabas ng shop.
Pinuntahan niya ang itim na kotseng nakaparada. Tinted maging ang mga salamin nito kaya hindi niya makita ang nasa loob. Kumatok siya sa bintana ng kotse at narinig niyang nag-unlock iyon. Nanginginig ang mga kamay na binuksan niya ang pinto sa harap.
"Here at the back seat." Sabi ng matigas na tinig.
Muli niyang isinara ang pinto at sa likod ang binuksan niya. And he's there, the man who's making all the commotion inside her shop, sitting without any emotions on his face.
"Andoy, iwan mo muna kami and lock the door on your way out," utos nito sa lalaking nakaupo sa driver's seat.
Sumunod naman ito pagkapasok niya sa loob at naupo sa tabi nang lalaki.
BINABASA MO ANG
Betrayal 2: A Devil's Wrath
RomanceHe is DEVON SKYKE, a filthy rich bachelor who just came back in town with a mission--to find Trina, the seductress who lured his father and drove him to his death; who made his mother crazy and left him in agony and misery; who made his once happy f...