Chapter Five

15.4K 326 11
                                    

Attention: Raw and unedited. Don't have the plan to edit yet so bear with the errors and typos. 


 

"MARDS! Mards!" malalakas at mabibilis na katok sa pinto ng silid ni Katrina.

Halata sa boses nang kumakatok na si Lucy ang panic sa tinig nito. Mabilis siyang bumaba ng kama at binuksan ang pinto. Pagkabahala ang reaksiyon na nakita niya rito.

"B-bakit?" Pati siya ay nabahala na tuloy.

"Basahin mo ito, bilis!" At saka ipinakita ang nakabukang diyaryo sa kaniyang mukha.

Kahit nalilito pa rin sa ipinagkakaganoon ng kaibigan, sumunod na lang siya sa tinutukoy nito at binasa nga ang pahina niyon.


Your Finest Collections owner and founder Ms. Katrina Mandayo, has said to have assaulted Mr. Devon Skyke, CEO of The Skyke Industry and Corporation.

The police found witnesses who testified to the said crime and pointed at the woman who is in the picture, to have assaulted Mr. Skyke with an ill intention that was happened yesterday night.

Mr. Skyke is still lying in the hospital, though conscious, has suffered a serious head injury. Mr. Skyke's attorney, Mr. Howell is now taking legal actions against Ms. Mandayo... nabitiwan niya ang diyaryo.


Sumirit ang sari-saring takot na maaari niyang maramdaman. Nanginginig na napaupo siya sa sahig. Tila mawawalan siya ng malay sa sobrang nerbiyos.

"Mards, ano bang nangyari? Totoo ba ito? Bakit nasa club ka? Bakit kasama mo siya? Mards?" tanong nang kaibigan subalit maging ang kaniyang bibig ay namanhid at hindi siya makapagsalita.

"Paano nilang nakuha ang picture mo sa club sa katauhan ni Trina? Hindi ba policy ng club ang confidentiality sa identity ninyo, eh bakit mayroon sila nito? Mards, mukhang nahalungkat na nila ang nakaraan mo," patuloy nito.

"Diyos ko, paano na ito? Paano na tayo...ikaw? Ano na ang gagawin natin?"

Mariin niyang ipinikit ang mga mata. Nahihilo siya. Nangangasim ang kaniyang sikmura at gusto niyang maduwal kahit wala pang laman ang kaniyang sikmura sa umagang iyon. Pinagpapawisan siya ng malapot. Nangangatal ang kaniyang buong pagkatao. Hindi siya makahinga.

"Mards?" tawag ng kaibigan.

"L-Lucy..." at saka siya napaluha.

Hindi na niya kayang pigilan pa, umiyak siya sa harapan nito, tumangis at hindi na itinago ang takot. Ang hirap magpakatatag kung alam mong talo ka na sa isang laban.

Wala naman itong nagawa kung hindi ang yakapin siya, aluin at hayaang umiyak. Wala rin naman kasi itong magagawa.



Dawalang araw siyang naghintay sa mga pulis na hahakot sa kaniya. To think na lumipas ang dalawang araw na walang pumasok sa pintuan niya para damputin siya. Bawat segundo ng orasan ay halos himatayin siya sa tuwing may papasok sa shop.

She becomes jumpy and anxiety eats her every minute. Fear has become her companion; surging up everytime she hears the chime bell whenever the door opens. She panics, and foods have become tasteless and unswallowable eversince. She couldn't focus.


"Mards, phone galing sa branch 2, importante raw." Tawag ni Lucy.

Kailangan pa nitong haplusin siya sa balikat para kunin ang kaniyang atensiyon. Kinuha niya iyon at nakinig sa sinasabi sa kabilang linya. Ni hindi siya makapagsalita, nakinig lang siya. Nang matapos ay walang lakas na ibinaba niya ang phone.

Betrayal 2: A Devil's WrathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon