WARNING: SOME USED WORDS HERE ARE VULGAR AND INAPPROPRIATE. NOT SUITABLE FOR MINORS.
ATTENTION: RAW AND UNEDITED. EXPECT ERRORS AND TYPOS.
"MARDS?" tawag ni Lucy.
"I'm fine, Mards...naayos ko na ang gusot, nagkausap na kami ni Mr. Skyke." Salubong niya rito."
"Ano bang kailangangan niya?" ipinagpatuloy nito ang pag-aayos sa mga kagamitang basta na lang iniwan nang mga lalaki na nakahandusay sa kung saan-saan.
"A-ako..." mahina niyang sagot.
Tumigil ito sa pag-aayos at lumingon sa kaniya, saka lumapit at tiningnan siyang maigi sa mukha. "Anong ibig mong sabihin?"
"Hindi ko alam, Lucy...basta ito na lang muna ang alam kong paraan para hindi niya tayo mapaalis dito. Makikipagmabutihan na muna ako sa kaniya habang nag-iisip kung paano aayusin ang lahat ng ito."
"Mards, tutal naman may ibang branch tayo hindi ba? Bakit hindi na muna natin ibenta iyong isa at gamitin iyong pera para maghanap ng malilipatan? Maghanap na lang tayo ng ibang lugar na puwede nating malilipatan."
Malungkot siyang tumitig dito, "Nagamit natin ang huling savings para sa huling branch, at sa ngayon sa bills natin napupunta lahat ng profit natin kaya wala tayong extra savings to move, Mards. Masyadong malaking pera ang inilaan ko rito sa building and losing this would mean losing the other branches as well. Ito ang ating main source of income and profits. We can't afford to lose this one."
"Paano na ngayon iyan?"
"Ako na ang bahala, Mards. Please keep this from Junjun. Ayaw kong malaman niya ang tungkol dito."
"Oo, sige."
Tumunog ang kaniyang phone. Sinuri niya iyon, may text message siya mula kay...Devon.
Be ready at eight tonight. I need your service, aniya ng text message.
Nahapit niya ang dibdib, nasasaktan. Akala niya ay nalampasan na niya ang nakaraan pero...heto at sa isang iglap ay mulI siyang tatapak sa putikang ipinangakong hindi na babalikan.
It's already six at night, sarado na ang shop at nakauwi na si Lucy. Wala si Junjun kaya mag-isa lang siya sa kanila. Mabigat ang dibdib na pumasok siya sa banyo para maligo.
Hindi niya mabilang ang buntung-hiningang pinakawalan habang nag-aayos. Matapos makapaglagay ng kolorete sa mukha, kinalkal niya ang isang closet na hindi na niya ginagamit. Binuksan iyon at tumambad sa kaniya ang mga damit na hindi niya kailanman ginamit.
Though the beautiful dresses in the closet are decent, they were gifts from her customers. Ito ang mga bagay na nagpapa-alala na ang lahat ng mayro'n siya ngayon ay nanggaling sa maruming pangangalakal.
Naluluhang napaupo siya sa kama at matamang pinagmasdan ang mga damit, sapatos, accessories, alahas at kung anu-ano pang regalo na naroroon sa closet. And to think na may paggagamitan na siya ngayon ng mga ito.
Bakit hindi niya ito itinapon noon? Dahil ba sa mangyayaring ganito na hindi niya inaasahan? Pinisil niya ng mahigpit ang mga kamay at halos mamuti ang mga iyon.
Napatingin siya sa cell phone niyang tumunog. Another text message came. Binuksan niya iyon at binasa, galing uli kay Devon.
My driver will come to pick you up. Be sharp. I don't like waiting.Wear black dress, a revealing one.
BINABASA MO ANG
Betrayal 2: A Devil's Wrath
RomanceHe is DEVON SKYKE, a filthy rich bachelor who just came back in town with a mission--to find Trina, the seductress who lured his father and drove him to his death; who made his mother crazy and left him in agony and misery; who made his once happy f...