Chapter Sixteen

16.5K 371 14
                                    

"WELCOME back, Mr. Skyke!" sigaw ng assistant niya habang pababa siya ng helicopter sa roof top ng Skyke Corporation building.

Two weeks siyang namalagi sa Amerika at nawala sa Pilipinas at ngayon ay bumalik na nga. Mahigit isang buwan na mula nang lisanin niya ang baryo Manansala, kating-kati na siyang bumalik para makita si Katrina. God, he misses her so much!

Tatlong oras siyang nagbilin kay Ross sa mga gagawin sa kumpanya at ito na muna ang bahala. Bumalik siya sa helicopter para magpahatid sa baryo Manansala. Hindi niya kakayaning mag-drive dahil nanginginig siya sa sobrang pananabik na makita ito.

A ten hour drive by land is only couple of hours by air. Madali siyang nakarating. Hindi na siya magtataka sa mga ilang nakapaligid sa binabaan ng helicopter dahil sa ingay na dulot niyon. Kinawayan siya ng mga iyon lalo na ang mga bata sa isiping turista siya. Nagmadali siyang makapunta rito kaya hindi niya natawagan si Kritofer na sunduin siya.

Walang dala na bumaba siya at sinabi sa piloto na maghintay. Agad siyang pumara ng tricycle para puntahan ang bakery dahil siguradong naroroon ang mga ito sa ganitong oras bago magtanghalian.

Malakas ang kabog nang dibdib na tinunton ng mga paa ang bukas na bakery. May ilang parokyanong namimili kaya hindi siya agad makapagtanong kay Kira na nakatao kahit sabik na sabik na siya.

Nang siya na ang nasa harap ng kahera ay matamis siyang ngumiti kay Kira na ikinagulat nito. "Mr. Skyke! I mean, Devon!"

"Hi, Kira. A-ang ate mo?" agad niyang tanong.

"Ha? Hindi ba kayo nagkita sa Laguna? Mahigit dalawang linggo na siyang bumalik doon, hindi ba niya nasabi sa iyo?" pagtataka nito.

"Gano'n ba? Sige, Kira, salamat. Aalis na ako!" mabilis niyang paalam.

"Sandali, kuya Dev—este, Devon," ngumiti ito, "Huwag mo siyang tatawagan, puntahan mo siya sa building nila sa jewelry shop. Sorpresahin mo at...magtapat ka uli,"

Napamaang siya...at saka ngumiti. "Salamat, Kira."

"Goodluck! Huwag mo na uling paiiyakin ang ate ko, ha?" kunwa'y pinatigas nito ang mukha para ipakita ang galit.

"I promise in my dad's name I won't. Thanks, Kira. See you soon," kumaway siya.

"Bye!" kaway din nito.



Nagmamadaling bumalik siya sa helicopter. Buti at hindi niya ito pinabalik agad sa Laguna kung hindi'y aabutin siya ng ilang oras sa biyahe. Hindi siya mapakali habang nasa ere sila. Nangangatog ang ang kaniyang mga tuhod. Kung hindi lang manaka-nakang tumitingin ang piloto sa gawi niya ay baka kinakagat na rin niya ang mga kuko sa sobrang kaba.

Mula sa kumpanya, nagpasundo siya kay Andoy at nagpahatid sa jewelry shop. May pakpak ang mga paang halos liparin niya ang pagpasok doon. Si Lucy agad ang nabungaran niya na bumabati sa ilang mga customers na naroroon. Waring nagulat pa ito na makita siya.

"Where is she?" mabilis niyang tanong.

"Ah...eh...ano kasi--"

"Where, Lucy, where?" impatient niyang ulit.

"Nasa kuwarto niya, medyo masama ang pakiramdam e," mabilis nitong sabi.

"Which floor? Which room?"

"Sa ano, sa second floor, sa kanan."

"Thanks," at saka siya mabilis na pumunta sa kusina dahil naroon ang hagdanan paakyat. Hindi niya pinansin si Lucy na tinatawag siya para pigilan.

Dalawang kuwarto ang nasa ikalawang palapag at kinatok niya ang pintong nasa kanan. Walang sumagot kaya kinabahan siya lalo't sinabi ni Lucy na hindi nga maganda ang pakiramdam nito kaya minabuti niyang buksan na lang nang kusa iyon.

Betrayal 2: A Devil's WrathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon