ANDREA'S POV
BESTFRIEND
Isa lang ang pumapasok sa isipan ko sa tuwing maririnig ko ang salitang yan... Si Denise, bestfriend ko. Yes kami lang ang may forever! Simula ng iminulat ko ang mga mata ko at natutong maglakad siya na ang kasama ko. Hindi kami kambal o magkapatid pero para sa amin magkarugtong na ang mga buhay naming dalawa.
Anak siya ng kumare ni Mama at araw-araw mula pa nung mga baby pa kami madalas na silang bumibisita sa bahay namin at kami sa bahay nila. Di rin naman kasi kalayuan ang bahay namin sa bahay nila kaya naman siya na ang kinagisnan kasama mula pagkabata.
Never kaming nagsawa sa isa't isa. By choice din naman namin yun. Dahil nga sa sabay kaming lumaki kaya naman mas komportable kami sa isa't isa.. pero hindi naman ibigsabihin nun na wala na kaming naging kaibigang iba. Meron din naman, pero siyempre mas espesyal ang bond namin. Since birth kaya ang friendship namin! Wala ng makakahigit pa duon. Hindi ko nga maimagine ang buhay ko na wala ang bestfriend ko. Hindi ko kakayanin mabuhay ng wala siya! At sigurado akong ganun din siya sa akin.
She's my sister, my bestfriend, my soulmate...
And slowly as time goes by...
She became my first love...
Oo, first love ko siya.. Tanda ko pa nun ng una ko maramdaman na hindi lang siya basta bestfriend para sa akin.. 1st year highschool ako during that time or should I say grade 7- k to 12 na kasi ang curriculum namin.. at siya naman ay grade 6, ahead kasi ako sa kanya ng isang taon sa pag aaral pero 2 weeks lang talaga ang tanda ko sa kanya... school fair namin nuon at nahuli ako ng dare booth. Bilang pag subok saken ay kailangan kong may mapapayag na may humalik at yumakap sa akin na kahit sinong estudyante ng school!
Ninerbyos ako ng matindi nun! Hindi ko alam kung ano ang gagawin dahil wala naman ako alam tungkol duon kasi nga wala pa akong first kiss! Nung malaman ni Denise na naipit ako sa ganung sitwasyon, kahit pa abala siya sa booth ng klase nila ay agad niya akong pinuntahan sa dare booth at nag presinta ng sarili niya.
Walang ka-abog abog na hinalikan niya ako saka niyakap sa harap ng maraming tao! Hinalikan niya ako sa lips! Nanghina ang tuhod ko na para bang gusto kong himatayin at yung puso ko walang tigil sa pag tibok ng mabilis! Saglit lang yung smack lang yun pero para saken pakiramdam ko tumagal ng isang buong eternity.. Echoz lang! Pero pramis! Huminto talaga yung mundo ko nun.
Kahit nga pa hanggang ngayon kapag naaalala ko yung moment na yun ay bumibilis pa rin ang tibok ng puso ko..
First kiss namin ang isa't isa. Sigurado ako dun dahil inamin niya saken yun at sinabing okay daw na ako ang first kiss niya at least sigurado daw siyang hindi ko siya sasaktan. Naguluhan ako sa naging reaksyon ng buong katawan ko sa kiss na yun at sa sinabi niya.... dahil kinilig ako! Hindi ko maikaila sa sarili ko na sobrang na-proud ako sa bagay na yun nuon... Kahit naman sino pangarap ang maging first kiss ang crush nila.. at yung samin? Dream come true yun! Marami kayang nangangarap sa kanya. Oo marami siyang manliligaw.. Mahigit kumulang, di na mabilang... Wala eh.. Maganda kasi tong bestfriend ko. Maganda rin naman ako pero mas maapeal at makarisma kasi ang dating niya. Kaya nga hindi na rin ako nagtaka nuon kung bakit naging crush ko siya. Kaso habang tumatagal.... Nagiging mas malalim pa duon ang nararamdaman ko...
* * *
"BEST..."
"Hmm?"
"Beeesst.."
"Ooohh.."
"BEEEEEST!"
BINABASA MO ANG
'Best'
RomanceMagbestfriends sina Denise at Andrea mula pa ng pagkabata nila. They've known each other so much for a very long time but what if one day biglang magiba ang lahat. What if magbago ang isa sa kanila? What if love tries to mess up with their friendshi...