Chapter 2 - Peace offering

336 12 1
                                    


TULALA lang ako sa notes ko buong first and second period ng klase namin. Wala ako sa mood makinig ng lectures dahil magka galit kami ng inspirasyon ko, si Denise. Well, ako lang pala yung galit. Inis pa rin kasi ako sa ginawa niya saken kahapon dun sa plaza. Di ko talaga siya kinikibo magmula kahapon hanggang sa paguwi namin, at hanggang ngayon na nasa school na kami. Alam kong immature tong ginagawa ko kaso hindi ko din talaga mapigilan yung inis ko!

"Andrea ang baba ng score mo sa quiz!" puna ni Maam Brozoto ng ibinigay niya saken yung papel ko. Tinignan ko... 14 over 25.. kung tutuusin okay lang naman yun dahil mataas pa akong 1point sa passing score pero dahil running for valedictorian ako.. hindi yun katanggap tanggap. Kailangan ko kasi mag maintain ng matatas na grades. Tss.. Isa din tong pampe-pressure nila saken na nakakadagdag sa inis ko!

"Bumawi ka sa next quiz!"

NAGPATULOY lang ako sa pagtunganga hanggang dumating ang 1hour vacant namin. Usually, pag vacant namin lumalabas ako at umiikot ng campus pero ngayon naka pako ako sa pagkakaupo.

"Hi best!"

Napalingon ako sa gawi ng pintuan ng classroom namin at nakita ko si Denise kasama ng mga kaklase niya. Marahil ay pupunta sila sa audio-visual room na nasa kabilang dulo ng floor naming mga grade 10.

Tinignan ko lang siya sabay irap.

"Mukang hindi yata kayo okay ng maganda mong bestfriend ah?" si Harlan yun, yung keen observer kong seatmate. Sa sobrang keen observer niya lahat nalang ng bagay napapansin niya! Take note on the sarcasticness!

"Duh! Obvious ba?" pagsusungit ko. Ayoko ng epal pag badmood ako.

"Care to share? Makikinig ako"

"Share? Tapos ano? Ichichismis mo kami? No thanks!" ayoko din basta magkwento ng kung ano-ano sa iba. Kung magkukwento man ako kay best lang.

"Chismis agad? Di ba pwdeng magbibigay ng advice muna?"

"Tss.. Yaan mo na kami.. Issue namin yun.. Eto nalang.. may kanta ako dito sa cellphone ko pakinggan mo tas turuan mo akong tugtugin to sa gitara" pagiiba ako ng topic.

Genius kasi tong si Harlan sa pag kapa-kapa ng mga keys at chords ng mga kanta kaya sakanya ako nagpapaturo. Minsan kailangan ko nga lang pagtiyagaan yung pagiging etchusero niya.

"May quiz ulit tayo mamaya ah? Di ka magre-review?" pagtataka niya. Pala review kasi talaga ako. But not today.

"Wala akong pake sa quiz na yun.. Ano bluetooth ko na sayo?"

"Okay okay sige.. trip mo yan eh"

* * *

HINDI na ako kumaen at nag gitara nalang buong lunch break kasama ni Harlan. Hindi dahil sa gustong gusto kong matutunan yung chords... umiiwas pa rin kasi ako kay Denise.

"Basta paulit ulitin mo nalang yan hanggang sa matapos yung huling chorus.." paliwanag saken ni Harlan.

"Sige sige.. Sabayan mo nga ng kanta"

"Ano?! Ayoko nga!"

"Babaliin ko yang daliri mo pag hindi ka kumanta!" pananakot ko sa kanya. Which is biro lang naman. Hindi naman ang marahas na tao.

"Fine!" taas kamay siyang suko saken.

"Bat di pa kasi kayo magbating dalawa ng hindi mo ako minamaltrato dito" narinig kong bulong niya.

"Anong sinasabi mo?"

"Wala! Game na kakanta na ako! Tugtugin mo na!"

"Tss.. daming satsat kakanta din naman pala"

'Best'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon