PAGKATAPOS ko makita sina best at Jerome na makasama papuntang gym, inaasahan ko na ang mga susunod na balita...Una, nagkakamabutihan sila.. Tapos susunod to the next level na ligawan na, tapos magiging mutual na feelings nila, tapos sasagutin na niya yung doding daga na yun! Tapos!
Tapos!
Ako.....
Tapos na din.
Tapos na ang pag asa ko sa kanya.
Lesteng feelings to! Istorbo! Dapat nakafocus lang ako sa studies ko at sa nalalapit naming 3rd grading exam!
Kaso...
Eto, siya na naman yung iniisip ko. Yung selos ko na naman yung umaakupa sa utak ko!
"UUUUUGH!" nasabunutan ko na yung sarili ko dahil sa sobrang pagkayamot ko.
"Kung gusto mong makalbo sabihin mo lang, ako na gagawa para sayo.." walang emosyon na puna saken ni Alpha habang humihigop ng frappe na inorder niya kanina. Nandito kami sa Starbucks ngayon. Nagbago kasi ang isip ko habang naglalakad kaming dalawa pauwi. Paniguradong hahanapin saken ni Mommy si Denisse dahil hindi kami sabay na umuwi. Wala ako sa mood para sagutin ang mga itatanung niya. Masakit lang sa puso.
"Hindi ko na kasi maintindihan yung sarili ko! Para na akong sasabog!"
"It's normal because you love the person."
Natigilan ako.
Oo nga.. Nagseselos nga talaga ako. Pero hindi ko pa rin maamin sa sarili ko na lesbian nga ako dahil sa nararamdaman ko para kay Denisse. Lalong kumirot dibdib ko.
"Since when?"
Nagtataka akong napatingin kay Alpha.
"Anong since when?"
"Since when did you have feelings for her?"
Napangiti ako. Para na akong sira ulo sa bilis ng pagbago ng mga emosyon ko. Kasi naman aalala ko yung mga araw na grabe yung kilig ko sa mga ginagawa ni best! Masaya ako pag naaalala ko yung mga moments na yun kaso...
"At bakit ko naman sasabihin sayo?"
"Aahh.. kasi nagtatanong ako?"
"Wala akong balak mag kwento sayo"
"Oh come on Andie baby... Alam kong matagal mo nang gusto ishare yan sa iba. Dali na.."
Tinignan ko lang siya ng matalim.
"Ililibre kita ng cake.. Ayan ah may kasama ng suhol yan!"
Napataas yung kilay ko. Aba akala niya madadala niya ako sa ganyan?
"Pagiisipan ko.."
"Nako pabebe pa kasi! Nakakairita onti!"
Napakunot yung noo ko ng bigla siyang tumayo.
"Oh anong cake gusto mo?"
Diterminado talaga si loka malaman ang kwento ko.
"Strawberry cheesecake nalang"
"Wait for me, I won't take long."
Napa ngiti ako saglit pagkatalikod ni Alpha. May mabait na part din pala siya kahit na mas madalas nakakainis siya.
Chineck ko muna yung phone ko habang naghihintay. Fb at messenger kaso wala namang mga notifs. Walang nakaalala saken. Tinext ko nalang si Mommy na baka malate ako ng uwi dahil nasa mall ako ngayon.
"Ano tinext ka na?" nilapag niya sa harap ko yung platito ng cake na inorder niya.
"Bakit naman niya ako itetext eh busy siya duon sa manliligaw niya!"
BINABASA MO ANG
'Best'
RomanceMagbestfriends sina Denise at Andrea mula pa ng pagkabata nila. They've known each other so much for a very long time but what if one day biglang magiba ang lahat. What if magbago ang isa sa kanila? What if love tries to mess up with their friendshi...