Chapter 3 - Selosa Problems

382 13 0
                                    

GAYA nga ng inaasahan ko... hindi ako nakatulog ng maayos buong magdamag. Pero hindi na dahil sa kilig kundi sa likot ni Denise matulog!

Halos umikot-ikot siya sa kama habang natutulog at may minsan pa niya akong nasipa sa kalikutan.

Naisipan ko na nga maglatag na lang sa sahig at duon matulog kaso baka maoffend ko naman si best kung gagawin ko yun. Minsan na nga lang kami magtabi matulog di ko pa ba titiisin?

Kaso... ilang gabi pa ba?

"ITIM ng eyebags mo best ah?" puna niya saken ng papasok na kami.

Di nalang ako umiik. Baka ikatampo pa niya kapag nagreklamo ako.

Nagkwento lang siya ng nagkwento tungkol sa napanaginipan niya at kung gaano kasarap yung tulog niya kagabi.

Buti nga best ikaw masarap tulog mo.. Eh ako? Ni hindi ko nga nagawang makatulog! sa isip-isip ko lang.

"Oh sige best kita nalang tayo mamayang break huh?" paalam niya saken saka kami nag hiwalay ng daan. Magkahiwalay kasi ang building ng mga grade 9 at grade 10.

"Okay sige..."

* * *

BOUQUET ng pulang rose at isang pink na teddy bear ang nakaagaw ng pansin ko habang papalapit ako sa table na laging puwesto namin ni Denise kapag break.

Naningkit yung mga mata ko. Hindi dahil duon sa dalawang gasgas na paandar ng manliligaw ni Denise- obviously!... kundi dun sa malapad niyang ngiti!

Hindi yun ang unang beses na may nagbigay sa kanya ng bulaklak at teddy bear pero eto yung unang beses ko siyang nakitang ngiting ngiti dahil sa natanggap niya. Kadalasan kasi wala siyang pakealam sa mga regalo sa kanya.

"Nakita ko kanina yan na nandun sa mesa ko pag pasok ko ng classroom namin.." agad na paliwanag niya.

"Ganda 'no best?"

"Kanino galing?" sinubukan ko kumalma.

"Galing dun sa kaklase mo!"

"Huh? Sino dun?" ng maupakan ko mamaya sa classroom!

"Yung sinabi ko sayong pogi.." kinikilig na bulong niya.

Si Jerico yung tinutukoy niya.

"Ahh.." kunwari deadma ako pero gusto ko na ihagis yung bulaklak at teddy bear sa basurahan.

"Anong sa tingin mo best?"

"Hmm... Gasgas na yung da moves---"

"Gasgas na ba?" gulat akong napalingon sa likuran ko at nakita si Jerico kasama si Harlan na may dalang gitara.

Kinutuban ako sa plano ng lalaking to. Kaya pinandilatan ko si Harlan at patagong sinenyasan na yari siya saken mamaya.

"Sana eto hindi pa gasgas... Para sayo Denise.."

Nagumpisang tumugtog si Harlan at si Jerico naman ang kumanta. Oo! Hinarana niya si Denise! Siyempre nakiusisa din yung iba pang mga estudyante! Lahat namangha, lahat kinikilig.... Bukod saken!

Tss.. Di naman kagandahan yung boses niya! Ano ba nag udyok sa kanya para kumanta eh kaboses naman niya si mickey mouse?? Parang iniipit na bubwit yung boses! Nakakairita sa tenga!

"Sana nagustuhan mo Denise myloves.." banat pa ulit ni Jerico matapos kumanta.

Yung bestfriend kong magaling naman heto at nakakurot sa braso ko. Kinikilig.. ano pa nga ba? Crush niya kasi yung papoging mickey mouse eh.. Tss..

'Best'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon