ENJOY na enjoy ako na pinagsisilbihan ni best habang kumakaen kami. Mula sa paglagay ng kanin, ulam, juice, hanggang sa bakas ng sauce na napunta sa muka ko kakangasab ng paa.. pati yun pinahid niya! Ang sweet lang di ba? Si best talaga porke may kasalanan lang saken! Pero okay din nakakakilig eh! Para kaming mag asawa.
Sabagay, kung titignan nga magiging isang butihing asawa si Denise in the near future. Matalino, masipag, maasikaso, maganda, mapagmahal, masayahin... wala ka ng hahanapin pa! Nasa kanya na ang lahat sabi pa nga duon sa kanta.
"Oo nga pala Denise graduating na ngayong April ang kuya Alex mo ano?" paninimula ni Mama ng topic.
"Opo.. April 12 po yata sila magmamartsa"
"Wow.. Galing naman ng kuya mo at nakatapos na.. Oh kamusta naman siya duon? Siguro kilabot ng mga kolehiyala si kuya mo! Ke gwapong bata nun eh!"
"Hala! Sure ka ba tita na si kuya yung tinutukoy mo? Pangit kaya yun!"
Natawa kaming tatlo sa sinabi ni best. Ang totoo niyan gwapo naman talaga si kuya Alex. Tisoy siya, matangos ang ilong at may pangakit pang dimples gaya ni best ang kaso lang kasi laging kontra yang si best sa kuya niya... ganun nga yata siguro kapag may kapatid ka. Bibihira lang din kasi sila magkita dahil duon nag aral ang kuya niya sa Manila simula highschool kaya hindi sila gaano nagkakasundo.
"Grabe ka naman kay kuya mo iha.. Haha"
"Ah basta ewan ko lang po tita.. Bihira lang din naman siyang magpost ng pictures niya sa FB at IG kaya wala akong idea kung ganu kapangit si kuya ngayon" natatawang paliwanag ni best.
"Pwde bang hindi lang siya selfie diva kagaya mo?" pananabla ko naman sa kanya.
"Ay nagsalita ang hindi.."
"Tse!" guilty ako pag dating dun mahilig kasi ako magselfie "Malamang busy sa pagaaral si kuya Alex kaya walang oras para dun.."
"Oh maiba ako.. ikaw ba Andrea may naisip ka na bang kurso sa college?"
"Ahhh.. Eeeh.. W-wala pa Ma.." nawala yung ngiti ko. Ayoko kasing pinaguusapan yung pagaaral ko sa college. Bukod kasi sa wala pa akong malinaw na gustong kurso eh ayoko din ng idea magkakalayo kami ni Denise. Sa Manila kasi ako gusto ni Papa mag aral.
"May junior high at senior high pa naman tita eh.. Mahaba pa ang panahon ni best para magisip.." depensa naman ni best saken
"Hay naku mga bata kayo oo! Sige na nga.. Eh ikaw ba Denise may naisip ka nang kukuning kurso sa college?"
"Baka po Tourism ang kunin ko tita.. Gusto ko kasi talagang mag flight attendant eh!"
"Wow! Good for you iha! Tulungan mo nga itong bestfriend mo ng makapag desisyon na din.."
"Ma naman!" angal ko.
"Sige best tugulungan kita.." hinawakan ako ni best sa braso bilang assurance at ngumiti. Yung genuine na ngiti niya, yung paborito ko. May karapatan pa ba akong humindi?
* * *
TAMBAY kami sa plaza pagkatapos ng klase. Niyaya ko kasi ulit si best na magfoodtrip kami. Pumayag naman siya kahit pa santambak pa yung mga school works na kailangan naming tapusin. Magandang pagkakataon daw din kasi yun para mapag usapan namin yung mga plano namin para sa near future namin. Heto pa nga at dala na naman niya yung binili niyang Candy magazine issue na 'Choosing the right course'
BINABASA MO ANG
'Best'
RomanceMagbestfriends sina Denise at Andrea mula pa ng pagkabata nila. They've known each other so much for a very long time but what if one day biglang magiba ang lahat. What if magbago ang isa sa kanila? What if love tries to mess up with their friendshi...