Chasing 3

16 0 0
                                    

Ilang araw nang dikit ng dikit ang tomboy na to saakin tulad ngayon nasa Theatre kami ngayon at may Film Viewing para sa mga Graduating students at napili niya akong guluhin, kanina pa nga ako nababanas kasi lahat ng kinakausap ko minumura niya.

"T*angna mo! huwag mo ngang kausapin baby ko! Humanda ka saakin mamayang uwian, uuwi kang lumpo!" pagbabanta niya sa nagtatanong na babae kung anong section namin.

Natakot naman ang babae at pinili nalang umalis, nakita kopang nanginginig ang mga kamay niya. Kaya naman hinila ko siya patayo at kinaladkad palabas.

"Bes, OMG itatanan na ako ni Baby ko" sigaw pa niya kay Helga na nasa likuran lang namin. Ng nasa labas kami, luminga muna ako para tignan kung may papasok pa kaunti nalang ang mga estudyante kaya naman hinintay ko pa muna bago ko siya balingan.

"Ano bang problema mong bakla ka?!" pabulong kong sigaw sa kanya.

Mahangin sa labas at medyo may mga estudyanteng naglalaro sa Field. Hindi siya sumagot at nakatingin lamang sa akin.

"Ano magsalita ka?!" sinamaan ko na siya ng tingin. Pano nakangiti lang ang baklang to saakin, nakakairita ang mukha niya. Basagin ko mukha niya e!

"Bakit ba ang gwapo mo! P8ta!" sinabi niya yan habang nakangiti at nakatitig saakin. Pinamulahan naman ako ng mukha. A Bwiset! ako pa ata tong bakla.

"Hihihi, bakit bakla ka ng bakla? Babae na kaya ako. Well kung ganyan ang gusto mong endearment its fine with me, Bakla" saka siya ngumiti ng pagkalapad lapad.

Nabatukan ko siyang ng di oras. Nahulog ata to sa duyan ng bata pa siya kaya natamaan sa ulo.

"Aba! chansing ka bakla! Hihihi okay lang sige touch me like you do!" natatawang sabi niya. Napahilamos nalang ako ng mukha. Pambihira!

"Nababaliw kana" umiiling iling kong sabi sa kanya.

"Opkors bakla, nababaliw sayo!" sabay kapit saakin at inaya na ulit akong pumasok sa loob, naguumpisa na ang movie kaya naman sa likod nalang kami umupo. Marahas kong inalis ang kamay niya sa braso ko.

"Kadiri kang bakla ka, huwag mo nga akong dikitan" naglakad ako papunta sa harap may vacant sit sa Tabi ni Jin kaya dun ako dumiretso, narinig ko pang napagalitan ng isa sa mga nag assist ng Program. Bagay nga.

Maganda yung movie, about siya sa frienship family at about din sa Self discipline. Pati nga ang loko lokong si Jin ay nadala nadin, kanina pa siya daldal ng daldal kaya naman natawa nalang ako ng tumahimik siya sa pagpuputak at nanood nalang.

Sa kalagitnaan ng movie, nagulat nalang ako ng may nagsalita sa paanan ko.

"P*nyeta!" hindi naman malakas ang pagkakasabi at sakto lang para marinig ko.

Nagulat nalang ako ng makita ko nanaman tong baklang to na gumagapang.

"Bakit ka ba gumagapang diyan?" tanong ko sakanya.

Umupo siya ng maayos at umupo sa tabi ko, ngayon ko lang napansin na wala na yung katabi ko kanina.

"Ginagapang kita Obvious ba?" inayus niya pa ang blouse niyang nadumihan siguro dahil sa mga kalokohan iya.

"Nasan na yung katabi ko kanina?" tanong ko sa kanya. PAtuloy pa din siya sa pagaayos ng nagusot niyang uniform.

Bigla nalang siyang tumingin ng masama saakin.

"Bakit?! gusto mo yon? Pinaalis ko bakit? nakikelam ka? Manuod ka nanga P*ta. Dapat talaga sinapak ko na yun" hindi ko na siya sinagot. Anong problema nito bakit bigla biglang nagagalit? Tss.

Chasing Ms.TombyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon