"Helga.. nagsasawa na ata ako." biglang bulalas ko kay Helga habang magkasama kami ngayon sa Mall. Napagpasyahan naming magmall kasi weekends naman, kasalukuyan kaming kumakain sa isang fastfood chain habang na i-open ko ang noong isang linggo ko pang nararamdaman.
"Saan?" nagtatakang tanong niya habang kinakain nag fries niya na dinidip niya sa ketchup.
"Kay Kevin.." ibinato ko sa kanya ang tissue dahil may ketchup pa siya sa gilid ng labi niya.
Bigla naman siyang umayos ng upo at seryosong tumingin saakin. Gusto ko pang matawa dahil hindi pa natatanggal ang ketchup sa bibig niya.
Magandang babae si Helga, pero hindi siya nilalapitan ng mga lalaki dahil sa nakakaintimidate na aura niya. Half spanish si Helga kaya naman napaatangos ng ilong niya at natural na kulot ang buhok niya. Nasa 5'7 ang height niya. Humalukipkip siya at tumingin sa akin.
"Alam mo noong una boto pa ako na si Kevin ang crush mo e, I mean love mo" binigyan niya ako ng nakakalokon ngiti at nagpatuloy.
"Kaso, nitong mga nakaraang araw ay mas nakikita ko na ang ugali niya. Hindi ka ba nagtataka? bakit an dami na niyang fan girls e halos 2 weeks palang naman noong biglang gwapo siya?" tumango naman ako sa tinuran niya. Napansin ko agad yun, kasi hindi naman palibot si Kevin sa campus pero pag lumalabas siya halos mabali na ang leeg ng mga babae. Noong nagbanyo nga ako sa banyo ng mga lower years kahapon naririnig kon pinag uusapan siya.
"Kevin is a Womanizer" biglang sabi niya. Napanganga ako at ilang saglit pa ay napatawa ako ng mapakla. Seriously?
"Wow bessy, alam mong matino at mabait na tao si Kevin" malumanay kong sabi. Napaikot siya ng mata, Helga can be bitchy sometimes.
"Yun din ang akala ko, hindi ko naman sinasadyang makita siya sa banyo ng mga girls sa gym na may kahalikan e" mas lalong naawang ang mga labi ko. What the?
Bigla niyang dinukot ang phone niya sa sa kanyang bag at kinalikot, after few seconds iniharap niya saakin ang phone niya na may nag pe-play na video. Dinig ko pa ang malalaswang ungol ng mga nasa video. Magulo pa ang video kaya hindi ko masyadong maaninag, pero after a while nag steady ang video at napatakip nalang ako ng bibig.
Malinaw na malinaw na si Kevin ang nasa video habang madamdaming hinahalikan ang babae na halos magusot na ang buhok at uniform. Nakaside view ang video kaya naman halatang halata, hindi ko alam kung mabibilib ba ako sa galing kumuha ni Helga at hindi siya napansin ng mga walangya na nagkakainan ng kaluluwa o maiiyak sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. One minute lang ang itinagal ng video pero parang isang movie na nag re-replay sa utak ko. Ang sakit sakit..
"This girl in this video is Pamela Ventura, and she is the Famous good daughter of Congressman Ventura. She is known for being a demure and beautiful, beauty and brains good for anything. Ironic isn't? Habang iniisip ng iba na santa yang Pamela yan, hindi nila alam na may video itong nakikipaghalikan na parang mga hayop sa banyo. Mga tanga ba naman kasi, di marunong mag lock ng pinto." sabay irap niya habang na sa phone parin ang tingin.
Hindi ako makapgsalita, masyadong naookyupa ang isip ko. No, Kevin is the one for me. He's my type, mabait, tame, at higit sa lahat Laging nakangiti. Alam kong hindi ako dapat ako magdemand ng perfect guy dahil hindi ako mabait, tame, laging nakangiti at hindi ako perfect. Pero simula ng maramdaman ko ang kilig at pagkamangaha sa lalaki, naging mabait, tame at halos malaglag na ang gilagid ko sa kakangiti lalo na at nakikita ko siya lagi.
"I know He's your type. Hahaha, diba nga ganyang ganyan si Rage" nagpantig ang tenga ko sa sinabi ni Helga. Binato ko siya ng fries at inirapan.
BINABASA MO ANG
Chasing Ms.Tomby
HumorTomboy siya. Lalaki ako, Its creepy. Playboy siya, I Mean playgirl. Kinababaliwan siya ng mga Babae. Pero ano tong sinabi niya saaking May gusto siya saakin? What the Efff!!?