Chasing 5

12 0 0
                                    


"Go Kevin!" pinanlisikan ko ng mata ang babaeng nagcheer kay Kevin. Tumayo ako sa kinauupuan ko at nilapitan siyang nakaupo sa bleachers na patuloy parin ang pagsigaw. Hindi namin siya kaklase dahil kung kaklase namin siya alam niyang pagmamay aari ko ang pinag chi-cheer niya. Mahaba ang buhok niya at may makapal na lipstick at parang g-tech ang point sa sobrang nipis ng kilay. Huh? Panget!

Tiningala niya ako at tumigil sa kakapalakpak.

Kasalakuyang may basketball ngayon ang section namin kalaban ang kabilang section kaya naman sigawan at kanya kanyang cheer.

"Huwag ka ngang maingay kanina pa ako naiirita sa boses mong p*akyu ka a! Saka bakit ka ba cheer ng cheer kay Kevin gusto mong sapakin kita?" seryoso kong sabi. Kita ko naman ang mga mata ng mga babaeng kasama niya na parang nilamayan sa pagkakasimangot ng mukha. Ahh, isa sila siguro sa mga naging girlfriends ko. Well I dont care, babae na ako ngayon.

"Bakit girlfriend ka ba niya?" mataray na tanong niya.

Aba! sumasagot pa siya a? E kung tuluyan ko kaya talaga siya ng makita niya?

"E kung sapakin kaya kita?" tinaas ko pa ang manggas ng blouse ko at akmang sasapakin na siya ng bigla akong tinawag ng teacher namin sa PE.

"Jona Samuelle!" sigaw niya. Lumingon naman ako para tignan siya, nasa baba siya at nakapamewang na nakatingin saakin. Tss.. pabebe tong si Mrs. Ventura.

"Mamaya ka sakin hipon!" bumaba na ako at bumalik na sa pwesto ko. Sinulyapan ko pa muna siya ulit at nakita kong inirapan niya ako. Dukutin ko mata niyan e.

"Ano ka ba Jona? Anong ginagawa mo sa kabilang section? Kinakampihan mo ba sila?" napaikot naman ako ng mata. Nagcross arms at feet pa ako.

"E Ma'am pinagchicheer nga nila si Kevin e. Tsk! Nakakabanas!" napaikot pa muli ako ng mata at nanood ng basketball. 34-25 ang score. Lamang kami.

"Seriously? totoo pala ang nababalitaan naming patay na patay ka kay Mr.Del Rosario?" may pagkamanghang tanong niya. Tumango naman ako saka bumuntong hininga.

Kanina pa cheer ng cheer ang kabilang section kay Kevin, well pinagchicheer naman nila yung mga iba ko pang kakalase,pero mas marami ang kay Kevin. Bakit ba naman kasi nag pa gwapo siya ng ganyan? Nakakainis! Dapat ako lang ang nakakaappreciate ng kagwapuhan niya.

Ako lang ang may karapatan na tumulo ang laway sa sobrang kisig niya at ako lang ang may karapatang magkagusto sa kanya.

Tinitigan ko ngayon ang lalaking tumatakbo sa gilid ng court, sa sobrang hibang ko parang nag slowmotion ang mga bawat galaw niya pati ang pagtulo ng pawis niya parang bumagal sa pagdausdos pababa sa pisngi niya pababa sa leeg niya at pababa sa katawan niyang ngayon ay nakabalandra sa mga nanonood. Napalunok ako ng maraming beses ng ngumiti siya dahil nakashoot ang team namin. Nahigit ko ang hininga ko sa sobrang pagpapantasya sa kanya, feeling ko kumikinang ang mga mata niyang nagsusumigaw ng kagwapuhan niya. Ilang sandali pa ay napasa sa kanya ang bola at pumosisyon para makagawa ng three point shot. Bakit slowmotion ang pagpakawala niya ng bola? Bakit parang siya lang ang nakikita ko? Bakit parang lumalakas ang tibok ng puso ko? bakit?

Bigla siyang humarap sa akin at nabalik lang ako sa realidad ng kumunot ang noo niya. Galit nanaman ba siya?

Napatigil ako sa pagpapantasya ng batukan ako ni Helga.

"T*ngna!" napahawak ako sa batok ko. Bwisit na Helga to, tumwa lang siya ng malakas at bumaba para tabihan ako.

"Laway mo po tumutulo!" sabay tawa niya ulit. Kinapa ko naman ang gilid ng labi ko at napagtantong pinagloloko lang ako ni Helga.

Chasing Ms.TombyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon