Chasing 6

5 0 0
                                    

Hayy.. ang tahimik talaga dito, walang nanggugulo. Isang kaunting mapayapang oras para saakin.

Tahimik lahat ng mga estudyante at abala sa pagbabasa ang iba ay nakaupo lang pero atleast tahimik. Ang sarap..

Katahimikan.

Napapakit ako sabay ngiti sa sobrang sarap sa pakiramdam ng katahimikan.

"Uy, anong iniimagine mo diyan baby?" biglang sabi ng pinaka nakakairitang boses na maririnig ko.

Marahas akong napamulat at sinamaan ko ng tingin nag baklang kasalukuyang nasa harap ko ngayon. Persistent ang panget na to sa pang i-stalk sa akin. Natatahimik lang ang mundo ko pag may rehearsals sila sa pageant kuno sana pala lagi nalang siyang may rehearsals, nakakabad trip pagmumukha niya.

"Ala mo bang nakakabadtrip ka?" walang prenong sabi ko.

Magkaharapan kami ngayon sa mahabang mesa dito sa library. Yung iba nga tinitignan pa siya.

Paano ba naman naka pose ang panget na to na parang lalaban na sa pageant naka takong pa ang bwisit. Mukha siyang takong! Tss..

"Grabe ka naman, hihihi. Bagay ba sakin heels ko? First time kong mag suot nito! May paltos na nga ako e kaso kinaya kopang maglakad papunta dito para masilayan mo ang napaka ganda mong future girlfriend, hihihi" napataas ang kilay ko.

"Kahit kailan hindi kita magiging girlfriend" sabi ko. Napasimangot naman siya, pero ilang sandali lang napangiti ulit siya.

"Oo nga pala. O sige future wife nalang. Ako ang iyong forever" masayang sabi niya sabay palakpak na may kasamang papadyak padyak pa. Pacute ang Pota! Natawa ako ng mapakla.

"Asa ka naman? Ang dami dami ng tanga sa mundo dadagdag kapa no? Lumayas ka nga sa harap ko." badtrip talaga tong mukhang takong na to. Sarap hampasin ng libro.

Umupo siya sa harap ko at nakangusong tinitigan ako. Pinagkrus kulang ang braso ko at malamig ko siyang tinignan.

"Bakit ba hindi mo ako magustuhan? mag iisang buwan na akong nanliligaw sayo Kevin.. wala ba talaga akong pag-asa?" nagmamakaawang tanong niya.

"Wala" mabilis kong sagot. Mas lalong bumagsak ang nguso niya kasabay ng masamang titg niya saakin.

"Grabe ka nama! Motto mo ba talaga ang honesty is the best policy? Mag pakaplastic ka naman dude!" masakit na loob na sabi niya. Natawa naman ako sa isip ko, hahaha.

"E sa iyon ang totoo e. Sorry but I dont know how to lie" pinaningkitan siya ng mata at matamang tumingin saakin.

"Really? well, ahem! Am I pretty?" sabay beautiful eyes ng bakla. Hahaha, may saltik talaga to. Umiling ako.

"No" sagot ko.

Binagsak niya ang kamay niya sa mesa at napatayo sa sobrang inis. Pikon, hahaha.

"Hey, thats a lie!" naiinis na sabi niya saakin. Umiling iling naman ako.

"Ewan ko sayo" tumayo na ako at naglakad palabas ng library. Pinagtitinginan na din kasi kami ng mga estudyante pati na din ang Librarian nahihiya ang siguro siyang bawalan kasi anak siya ng may ari ng school. Nakapamulsa akong lumabas ng library at walang lingon lingong naglakad. Bahala ang baklang yon sa buhay niya, ang hilig mameste. Sabagay mukha naman siyang salagubang. Hahahaha.

"W-wait lang!" dinig kong tawag niya. naririnig ko pa ang malakas na tunog ng takong niya dahil sa pilit na paghabol saakin.

May mangilan ngilan ding estudyante ang nakakasabay ko at nagtatakang napapalingon sa likod ko pero hindi ko siya pinapansin.

Chasing Ms.TombyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon