Chasing 4

11 0 0
                                    


"Nak, kain na" katok ni mama sakin. Nasa loob ako ng kwarto ko habang naglalaptop. Ginagawa ko ang Report ko sa isa sa mga subject namin, at siyempre na fefacebook. Ilang minuto lang may biglang nag pop sa chatbox.

Samuelle Santiago: Hi Baby ko :) kain ka na po. Hihihi <3

Hindi ako nagreply. Nakakadiri talaga tong baklang to. Nakakaumay, nakakawalang ganang magbukas ng Facebook. Ilang araw ko na yang friend last week niya pa ako inadd pero kanina ko lang inaccept nakulitan na ako, chat ng chat.

Isa pa yang mga pinopost niya. Puro selfie niya na kasama ako sa likod. Nakakainis, paano ba naman nakasimangot pa ako sa mga pictures kung sanang Gwapo ako dun la-like ko pa hindi e! nakanganga pa ako. Tapos yung caption niya 'With my baby, pogi no?' Putek! Anong pogi sa nakapikit? nakakagigil siya.

Bigla ulit nagpop ulit ang chatbox ko.

Samuelle Santiago: Ano ka ba naman baby, magreply ka naman saakin. Plese :(

Hindi ko siya pinansin sineen ko lang. Pinagpatuloy ko lang ang pagtatype sa laptop.

Samuelle Santiago: Nga pala baby, checkout my Profile picture ang pogi mo dun hihihi galing kong kumuha e :))

Nacurious naman ako sa pinagpuputak ng baklang to kaya naman Tinignan ko.

Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang pagmumukha ko sa Profile niya. Nakaupo ako sa isa sa mga bleachers ng gym habang walang damit, nakatingin ako sa malayo at medyo naniningkit pa ang mata ko dahil malapit lang ako sa Bukana ng gate mahangin non kahapon lang to a? Mas lalong nanlaki ang mga mata ko sa dami ng likes

1,096 likes about 46 minutes ago. Famous pala ang baklang to! Aba!

Iniscroll ko ang picture para makita ang mga comments kesyo babae na daw siya, na ang ganda daw ng pagkakakuha niya. Wala man lag bang pupuri na gwapo ako? May isa siya reply na talaga namang may ilang daang likes.

Samuelle Santiago: Yan yung lalaking sinasabi ko sa inyong pakakasalan ko. Mwahahahaha

Kinilabutan ako sa mga pinaag gagawa ng baklang to! Grabe na ang kahibangan niya. Nilog out ko na ang fb ko at kumain na sa baba kanina pa pala ako hinihintay nina Mama.

--

"Kevs, patulong naman sa math o" nilapitan ako ng isa sa mga kaklase kong babae. Nginitian ko naman siya at inabot ang notebook niya. Pinaupo ko siya sa tabi ko at sinimulan turuan.

"I substitute mo to, tapos yung idistribute mo sa nakapaloob sa parenthesis okay? after n--" hindi ko na natuloy ang sinasabi ko ng biglang may humampas sa armchair ko. Pagtingala ko si Bakla, nakasimangot siya at masama ang tingin sa katabi ko.

"T*angna ka lumayas ka nga sa pwesto ko. Aga aga nilalandi mo baby ko! Alis nga!" mabilis na lumayas ang babaeng tinuturuan ko.

"Ano ka ba naman, nagpapatulong lang siya" naiirita kong sabi sakanya. Kasi naman e! hindi na tama ang mga ginagawa niya.

"Ako nalang ang turuan mo, hindi ko din alam yan" nilabas niya ang mga notes niya at inilapit saakin. Walang sagot ang mga yon sa pagkakaalam ko assignment namin to.

"Ayoko nga, assignment yan e. Dapat alam mong sagutin" suplado kong sabi. Bahala nga siya, bwisit na tomboy to.

"Pag sa iba tutulungan niya, ngingiti pa siya pag saakin nakasimangot na masungit pa" bulong niya. Hindi ko nalang siya pinansin. Bahala nga yang baklang tomboy na yan ang hilig manira ng araw.

Bigla nalang siyang tumayo at pumunta sa likod tumabi siya dun sa kaibigan niyang si Helga. E ano naman ngayon? Pakielam ko? magsama pa sila.

Maingay ang klase namin ngayon, lalo na sila Jin na pinagtitripan nanaman ang isa sa mga kaklase namin mga loko talaga. Ilang minuto pa bigla nalang kaming nagulat ng humagulgol sa may bandang likod. Napatigil kaming lahat at sinundan ng tingin yung umiiyak para makitang si Hindi multo kundi multong bakla ang umiiyak. Ano nanamang drama ng Baklang to? Ayos a.

Chasing Ms.TombyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon