Ilang araw na rin matapos maganap yung di inaasahang pangyayari .. at nang madiskubre ni Kira ang natatangi nyang kapangyarihan ay unti-unti nyang pinag-aralan kung papano iyon gamitin at ipalabas ..
---------------------------
Busy ang mga magkakaibigan sa kani-kanilang mga gawain sa bahay ..
Kaya isang araw ... mahimbing na natutulog si Ryan ng ginising sya ng mama nya para tulungan itong alisin yung nabarang puno ng kahoy na nakabara sa likod bahay nila dahil sa nagwawalis ang mama nya ng mga dahon , dahil malakas pala yung ulan ng gabing iyon ..
Ryannn !!!!!!! bumangon ka na dyan .. tulungan mo ako sa pag-alis nitong kahoy .. sigaw ng mama ni Ryan .. ngunit nakahiga pa rin ito ..
Ryan !! pag- ayaw mong bumangon bubuhusan kita ng tubig .. banta ng mama nya ..
Mama naman .. gusto ko pang matulog !! inaantok pa ako ei .. mahinang sabi nya ..
Lumbas na ng kanyang kwarto si Ryan , pumunta ng kusina at naghugas ng mukha at nagsipilyo .. Nang matapos sya ay agad syang lumabas para tulungan ang kanyang mama sa pagtanggal ng puno ng kahoy na natumba dahil sa malakas na ulan at hangin kagabi .. Nagkasalubong sila ng kanyang mama sa may pintuan ..
Umpisahan mo na lang alisin yung puno , alis na muna ako papuntang palengke .. mat bibilhin lang .. sabi ng kanyang mama , at agad na itong naghanda papuntang palengke !!
Nang makita ni Ryan ang likod ng kanilang bahay , nakita nya na may parte na malinis na at ang parte na hindi pa ay yung may puno .. pumunta sya nito at dahil sa wala sya sa mood ng umagang iyon ay sinipa nya ang puno .. at bigla na lang syang nagulat ..
Nang sinipa nya ang puno ay tumilapon ito .. nabigla na lang sya kasi d naman gaano kalakas yung sipa nya ..
Anong nanyari ?? pano ko yun nagawa ?? sabi nya sa sarili nya ..
Naisip nya na lang yung nangyari nung pinalutang ni Kira yung dahon ng Niyog .. at naisip nya na ...
Ito ba ang kapangyarihan ko ?? isip nya ..
May kapangyarihan na rin ba ako ?? dagdag nya sabay ngiti .. at napatalon na lang sya sa tuwa ..
Naisip rin nya na subukan muli yung lakas nya sa pamamagitang ng pagsipa nya ulit sa puno .. at nang sinipa na nya yung puno ng malakas ay natahimik sya at nagtatalon sa sobrang sakit at napahawak sa kanyang binti...
AHHHHHHHHHHHHHH !!!!!!!!!!! sigaw ni Ryan ...
Nang nawala na yung sakit ay gusto nya ulit subukan kaya , nagconcentrate syang mabuti , naisip nya na baka magiging masakit ulit iyon , pero gusto nyang malaman kung iyon ba ang kapangyarihan nya .. kaya sinipa nya yung puno na sinipa nya kanina at tumilapon ito sa malayo ..
Sa sobrang tuwa nya .. napatalon sya at dali-daling pumunta sa bahay nila Kira para sabihin at ipakita na may kapangyarihan na rin sya .. nawala na sa utak nya ang kumain dahil agad syang pumunta sa bahay ni Kira ..
Auntie .. nandyan po ba si Kira .. tanong nya sa mama ni Kira ..
Nasa likod .. nanglilinis .. sagot ng ina ni Kira ..
Pumunta si Ryan sa likod ngunit ng makita nya c Kira at nag-iinsayo ito sa kanyang kapangyarihan sa pamamagitan ng paglutang ng mga bato sa kanyang paligid ..
Busy sa insayo ha .. sabi ni Ryan .. nabigla si Kira dahil akala nya mama nya .. at nahulog na ang mga bato sa paligid ni Kira ..
Kaw pala yan , hilig mo talga manggulat ano .. sagot nito ..
Ang aga mo ata ngayon ha ?? dagdag na sabi ni Kira ..
May ipapakita ako sayo .. excited na sabi nya..
Anu naman ?? tanong ni Kira ! at agad na lumapit si Ryan sa malaking bato at biglang sinuntok ito at nagkakapira-piraso .. nagulat si Kira sa nakita ..
Wow .. Paano mo nagawa yun ?? Lakas mo ah. . gulat na sabi ni Kira .
huh , katulad mo .. may kapangyarihan na rin ako .. proud na sabi ni Ryan ..
Ayos , may kapangyarihan ka na rin .. tuwa na sabi ni Kira ..
at ang fist to fist silang dalawa ..
-----------------------------------------
Unti- unti nang naglabasan ang kapangyarihan nilang mga itinakda .. anu pa kaya ang natatagong kapanyarihan ng iba .. ABANGAN !!!!-----------------------------------------
Sorry ngayun lang ako nag update , busy sa skul .. please comment ! vote at fan .. maraming salamat sa pagbasa .. xD
