kapangyarihan part 3

471 7 1
                                    

Matapos mapagdesisyunan nila ang gagawin matapos ang klase .. isa subjext na lang at magtatapos na ang klase nila ..  ang katawanan naman ng bata ay inuwi muna sa bahay nila .. Dahil sa una pa lang nila Kira at mga kaibigan nya ang paglaban sa demon na yun , ay kinakaban na may halong excitement ang nararamdaman nila dahil sa magagamit na nila ang kapangyarihan nila ..

Matatalo kaya namin yung demon na yun ?? Kaya ko ba sya sa kapangyarihan ko ?? isip ni Kira .. habang nakatingin si Arrianne sa kanya na alam na kinakabahan ito .. Sina Arrianne at blue naman ay normal lang sa kanila kasi maraming beses na nila itong ginagawa ..

--------------------------

natapos na ang klase .. at unti -unti na silang nagdatingan sa playground kung saan dun sila maghihintay hanggang magsi uwian na ang mga mag-aaral .. Swerte din nila kasi uuwi ng maaga si Michael ..

Guys .. uwi muna ako ng maaga ha ?? sasamahan ko pa kasi c mama pumunta ng syudad .. kayo na lang muna magsabi kai Kira .. sabi ni Michael kina Geo ..

Habang lumabas si Kira sa classroom nya ay tinawag sya ni Blue ..

Kira ..tawag ni Blue ..

Bakit ?? sgot naman nya ..

Mamaya .. gusto ko sana na wag mong tulungan ang mga kaibigan mong walang kapangyarihan .. sabi nito .. nabigla si Kira sa sinabi nito ..

Anu ?? wala na nga silang kapangyarihan di pa namin sila tutulungan .. nababaliw ka na ba ?? galit na sabi ni Kira ..

Kaya nga .. pag di mo sila tutulungan may chance na lalabas ang nakatago nilang kapangyarihan .. hindi ba ?? paliwanag ni Blue ..

Walang magawa si Kira kahit baliw na idea yun may punto naman si Blue .. ay lumbas na sila papuntang playground ..

--------------------

lumipas ang ilang minuto , ay nagsi-uwian na ang mga mag-aaral .. hanggang sila na lang ang natira .. hindi pa rin maiwasan ng iba na makabahan .. dahil nga first time nilang makaharap ang isang demon ..

Arrianne .. tawag ni blue ..

Maghanda na kayo .. sisimulan na nating harapin ang demon .. at nagsimula nang kumuha ng dalwang parihabang papel si arrianne na may simbolong nakasulat na hindi maintindihan ..

at sinugatan ni Arrianne ang kanyang daliri at ang dugo ay pinahid sa dalawang papel at nagsimula ng mag chant ng mahina (parang nagdadasal) .. inihagis nya ito sa may puno ng mangga at biglang umilaw ..

Aghh !!!! ungol ng demon .. sinong gumambala sakin ?? ??? !!! galit na tanong nito .. at bigla nalang lumitaw sa kanilang harapan .. Isang dalawang ulo na halimaw , may buntot na ang may matatalas na spikes ( di ko alam sa tagalog -_- pasensya na ) at katawang maraming tahi na sugat .. at humahabang kamay .. mataas na dila at matatalas na ngipin ..

Mas lalong natakot nung nakita nila Kira ang halimaw ..

Paano kaya namin to tatalunin ?? sa isip ni Kira ..

Nang bigla sumambit ng salita si Blue ..

Espada ng Kaluluwa .. Magpakita !!! tawag ni blue .. at bigla na lang lumitaw ang isang espada sa harapan nito ..

Namangha ang mga kaibigan ni Kira .. at biglang nagsalita ang halimaw ..

Mga SEALERS !!! mga alagad .. patayin sila !!!!!!! sabi nito .. at bigla na lang lumitaw ang maraming maliit na  halimaw na kasing laki nila Kira at kamukha ng Boss , pero mas malaki pa yung Boss nito ..

Kira , Arrianne .. tayo ang bahala sa Malaking iyan .. kayo naman sa mga anak nito ..

Kumuha ng 2 papel c Arrianne at tinawag naman nito ang mga pet (combat pet) nya ..  Mas lalong namangha sila sa nakita .. dalwang fox na kulay asul at pula ang lumitaw ..

Sumugod ang mga anak ng halimaw at sumugod naman sina Kira , Arrianne at Geo hanggang sa makagawa ito ng daan papunta sa boss ..

Napapaligiran naman sina Ryan at ang iba .. tumaas ang mga kamay ng malilit na halimaw at pinalupot si Geo ..

Naku , naman !! tulong !!!!!!!!! tawag nya .. ngunit busy rin ang iba ..

Wag mo akong hawakan !!!!!!!!! galit na sabi nya hanggang sa nag-apoy siya .. at naputol ang kamay ng halimaw .. 

Namangha sa nakita ang iba at pati si Kira at napatigil sa nakita .. Nang nakita naman iyon ni Ryan at napatulala sya at mas ginanahan  .. sinuntok nya ang halimaw at tumagos ang kamay nya sa katawan nito ..

Sina Jomari at Janel .. ay busy rin .. hinahampas nila ang bag nila para di sila mahawakan ng mga kamay nito .. hindi namalayan ni Janel na may isang halimaw sa likod nya at pinulupot ang buo nyang katawan .. nakita yun ni Janel at pupuntahan na sana nya kaso nang tumingi nsya kay Janel ay di nya namalayan na inatake na pala sya ng isa pang halimaw at napulupot na di sya ..

Nagsisigaw na si Janel sa sakit ng mahigpit na pulupot ng mga kamay ng halimaw ..

AHHHH !!! Tulong !!! sigaw ni Janel .. ngunit ang iba naman ay busy ..

Galit na galit  na si Jomari , dahil gusto nyang sagipin ang kapatid nya ..

Bitiwan mo ako !!!!!!!!! galit na sigaw nya hanggang sa naging yelo ang halimaw ..

-----------------------------

Unti-Unti na nilang napapalabas ang kapangyarihan nila .. anu kaya ang kapangyarihan ang nakatago kay Janel ??

Masasagip kaya si Janel ni Jaomari ?? Matatalo kaya nila ang Boss ?? Anu kaya ang gagawin nila ??

ABANGAN !!!!!!

--------------------------

thnx for reading .. hope you like it. .dont forget to vote and add .. =)

Chosen Ones(Tagalog Fantasy Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon