Matapos nilang matalo yung demon na naninirahan sa kanilang paaralan ay umuwi na sila sa kanikanilang bahay.
Pagdating ni Kira sa bahay nya ay bumugad sa kanya ang kanyang nanay na nasa pintuan na alalang-alala sa kanya.
"Oh, Kira? Bat ngayon lang kayo? Kanina pa umuwi yung mga ka mag-aral nyo ah ! tanong ng nanay nya.
"At, anong nangyari sayo ? 'bat ang lamya-lamya mo ? dagdag na tanong ng mama nya.
"Ahh - wala po ito nay, tinatamad lang siguro ako... sagot nya.
"Madami kasi kaming ginawa sa klasroom, dagdag na paliwanag ni Arrianne."
"Tapos nay, naglaro pa kami kaya ngayon parang wala ng lakas tong si pinsan, sabi naman ni Blue."
"Hala sige, pumasok na kayo at magbihis ! tugon ng nanay nya."
Pagkatapos nilang magbihis ay nag-uusap silang tatlo sa labas ng bahay tungkol sa nasagupa nila na demon.
"Hindi ko sukat akalain na may pinsan pala ako na hindi ordinaryo katulad ko, sabi ni Kira".
"HAHAHAHA, ngayon alam mo na pinsan ? sagot ni Blue."
"Yung demon kanina, malakas din yun. Kung di siguro nagsilabasan yung kapangyarihan at kakayahan ng mga kaibigan mo, siguro wala na tayo ngayon ! sabi ni Arrianne."
"Uo nga, tsaka wag mo nang gawin ulit yung ginawa mo pinsan, di mo pa masyado kabisado kapangyarihan mo, baka pag ginawa mo ulit yun, baka ikamatay mo pa. dagdag ni Blue".
"Uo pinsan, pero, magsasanay akong kontrolin at palakasin ang kakayahan ko para mas malaki ang maitutulong ko, sigurado ako, na may mas malakas pa na demon ang lalabas, aniya ni Kira."
"Pero, ang naiisip ko ngayon ay kung sino yung nakahood na nakita natin, at bakit nya ako kilala ? dagdag ni Kira.
"Ewan ko kung sino yun, pero, nakikita at nararamdaman ko na sobrang lakas ng aura nya. Kahit na magtutulong-tulong pa tayo di natin sya matatalo, ayon kay Blue."
"Ganon sya kalakas ?? Teka, paano nyo ba malalaman ang lakas ng isang tao ? tanong ni Kira."
"Nakikita namin yung aura nya, pag ang isang tao ay may aura, ibig sabihin di sya ordinaryo, at katulad din natin sya ! sagot ni Arrianne."
"Eh, bat di ko makita yung aura ?? dagdag na tanong ni Kira."
"Bago pa lang kasi lumabas kapangyarihan mo pinsan, mas una kasi lumabas yung amin kaysa sayo, kunting training pa pinsan at makikita mo rin.. sagot ni Blue."
-------------------------------------
Sumapit na ang gabi, tapos na sina Kira sa pagkain ng hapunan at naghahanda na silang matulog.
Sina Kira at Blue ay magkatabing matulog sa kwarto ni Kira. Madaling nakatulog c Blue pero c Kira kahit anong gawin nya para makatulog di pa rin sya dinadalaw ng antok.
Nang biglang may nagsalita sa kanyang kwarto..
Yoh ! Kira !
Dali-daling bumangon si Kira at hinahanap kung saan galing yung boses. Nagulat sya ng makita nya yung nakahood na nasa madilim na sulok ng kwarto.
Sino ka ? at paano ka nakapasok dito sa bahay ? tanong nya.
"Kagaya ng sinabi ko noong una, sa tamang panahon ay makikilala nyo ako, pero hindi pa yun ang tamang panahon". Sabi ng taong nakahood.
"Talaga lang ha ? Sabi ng mga pinsan ko ay katulad ka din daw namin.. ano ang pakay mo sa akin at bakit sa akin ka lang nagpapakita ? tanong ulit ni Kira.
"May gusto akong sabihin sayo na dapat ikaw lang ang makakarinig at makaka alam. Kung magtatanong ka kung kaibigan ba ako o kaaway , masasagot yan sa darating na panahon. Pero, sa ngayon, may gusto akong sabihin sa iyo. Dagdag nya."
"Sa darting na panahon, di lang mga halimaw ang makakalaban mo at ng iyong mga kaibigan, makakalaban nyo rin yung katulad nating mga may especial na kakayahan, mga malalakas na groupo ng SEALERS na kung tawagin ay CELESTIAL CROWN, sila yung grupo na may madilim na mga balak. Marami silang tauhan, malay mo, nasa paligid lang nyo lang yun. "
"Kaya, wag na wag kang magtitiwala sa mga taong nakapaligid sayo, dagdag na sabi ng nakahood."
"SEALERS ? CELESTIAL CROWN ? nalilito ako sa mga sinasabi mo, at anong koneksyon ko sa SEALERS at sa gropo ng CELESTIAL CROWN ?" tanong nya.
"Heh" malaki ang koneksyon. Dahil ang target ng CELESTIAL CROWN ay walang iba kundi ikaw!! sagot ng nakahood na tao sabay turo kay Kira.
"AAAA - AAKO ?? tanong ni Kira.
"Bat Ako ?? dagdag na tanong nito.
"Malalaman mo lang yan sa tamang panahon, sa ngayon, mag ensayo kang mabuti at palakasin pa ang iyong kapayarihan, gayun din ang mga kaibigan mo. Dahil sila ang tutulong sa iyo". sagot ng nakahood."
"Hanggang dito na lang ang masasabi ko, sa muli nating pagkikita" sabi ng nakahood at bigla itong naglaho bago pa man nakapagsalita si Kira.
----------------------
Ano kaya ang ibig sabihin ng nakahood ? Anong gropo kaya ang CELESTIAL CROWN ? at bakit c Kira ang kanilang target ?? malalaman ito sa mga susunod pa na kabanata.