Mahirap siguro talagang magmahal.
Akala lang nila madali at masaya dahil sa nakikita nila sa mga telenobela..
Pero siguro nga ganoon kaso yung mga luhang ipinapakita rin nila sa palabas parang mas higit pa doon yung pwede nating maramdaman kapag umalis siya sa buhay natin.
Alam ko kung gaano kasakit, hindi dahil nagmahal na ako kung hindi dahil araw araw nakikita ko ang kaibigan kong nasasaktan at araw araw nararamdaman ko kung gaano kasakit iyon.
Ako si Christian. Tian ang kadalasang tawag nila sa akin lalo na ang bestfriend kong si Penelope. Makulit siya at maligalig pa lamang noong bata kami pero ngayon iba na.
Hindi na siya tulad ng dati. Ngayon kasi, mas gumanda siya, mas sumexy at mas naging dalaga ang kanyang pakikitungo sa ibang tao. Yung tipong Maria Clara.
Yung hindi na siya bumubungisngis sa harap ng iba.
Hindi na rin siya nanghahampas at nananapak ng mga lalaki.
Hindi na siya natutulog ng nakanganga
at parang hindi na rin ata madumi ang mga gamit niya--ata lang.
Ang laki ng pinagbago niya simula noong umalis ang lalaking tanging minahal niya ng buong buo. Hindi ko nga alam kung matutuwa ba ako dahil sa naging malaking improvement si Penelope simula ng umalis siya kasi dahil sa nangyari iyon, nawala na rin ang Penelope na matagal kong naging kaibigan.
Itinatanong ko lagi sa kanya kung okay lang ba talaga siya pero ang sagot niya "Oo naman, ako pa ba?"
Kapag sinasabi niya iyon sa akin, pilit na ngiti ang nakikita ko. Yung iba napapaniwala na okay lang talaga siya pero ako, alam ko kasi na iba ang sinasabi ng mga mata niya sa kung anong salita ang binigkas niya.
Lagi niya ring sinasabi na "alam kong babalik siya! Alam ko, sinabi niya kasi iyon e." Sa tuwing nakikita ko ang ngiti ni Penelope ngayon, parang gusto kong hanapin yung lalaking pinaniwalang babalik siya at bugbugin siya ng todo.
Siguro kung di lang siya dumating sa buhay namin, baka hanggang ngayon, totoo pa rin ang saya na nakikita ko sa mga mata ni Penelope.
Mas matanda nang walong taon si Jake kay Penelope. 25 yrs old siya samantalang si Penelope naman ay 17 nung nagkakilala sila. College kami noon at professor namin siya sa History. Magaling si Penelope sa subject na iyon kaya nga siguro napansin siya agad ni Jake.
Nakakatawa pang isipin na dahil sa pagiging student assistant niya kay Sir ay bigla siyang mapapalapit dito. Wala akong alam sa nangyayari dahil akala ko, yung ikinikilos nila ay parang normal lang. Yung tipong prof-student o magkaibigang na estudyante at guro.
Palakaibigan kasi itong si Penelope kaya nga parang halos buong campus kakilala niya e.
Nalaman ko na lang noong narinig ko sila sa isang bakanteng kwarto ng unibersidad na nag uusap.
"Oo na po. I love you na. Ang kulit" rinig ko na sabi ni Penelope.
"Ang cute mo talaga! I love you din" bawi ni Sir na may kasamang pisil sa ilong. Nagalit ako noon. Syempre! Bestfriend ko ang tinatalo ng hayop na iyan! Bukod pa doon para akong ama na iniisip ang kalagayan ng anak niya. Menorde edad pa lang kasi si Penelope pagkatapos hindi man lang mapigilan ng matandang ito ang landi niya? Propesor siya at dapat alam niya at tinatak niya sa utak niya na mali ang ginagawa nila. Hindi ba niya naisip na sa ginawa niya, baka maexpel si Penelope?
Pero hindi ako nagpadala sa galit bagkus ay kinausap ko yung mokong na tumatalo sa bestfriend ko. Aba magkamatayan na lang oh. Pucha! Bestfriend ko ang malalagay sa pahamak, di pa ba ako aaksyon?