Don't fall for me.
Masasaktan ka lang. Masasaktan lang ako. Because even though we're meant to be, we cannot be. I cannot be.
Punung puno ako ng takot sa katawan. Kaya kong magmahal pero natatakot ako.Saan ako natatakot?
Takot akong baka mali.
Takot akong baka dahil natuwa ka lang saakin at akala mo love na pero hindi pala.
Takot akong baka naglalaro ka lang din, naghihiganti ka lang ganoon dahil inamin ko sa iyo na mapagbiro ako kaya madalas akong namimisunderstand at isa ka doon sa hindi nakaintindi. Madalas akong magpafall ng hindi sinasadya at nahulog ka din ng bigla.Don't fall for me.
Hindi dahil sa hindi kita gusto. In fact, madali akong nahulog sa bitag mo at sa bitag na hinukay ko. Pero natatakot talaga ako e. Di ko maipaliwanag. Para bang hinahanap hanap ko pero pag nandiyan na, tumatakbo akong bigla dahil sa pagkabigla.
Natural ba yun?
Kaya nga minsan iniisip ko kung may taong hahabol.
Hahabulin ako hanggang sa huminto at lingunin ko siya ulit.
Hahabulin ako hanggang sa mapagod ako kakatakbo.
Hahabulin ako hanggang sa sumuko ako at sabihing "ayoko na. Mahal na kita eh."Kaya Don't fall for me.
Mahirap kasi e.
Masasaktan ka lang.
At masasaktan din ako.
Kasi mahal kita.
At ayokong mawala ang pagmamahal mo habang nababalot ako ng takot.
Baka di mo kasi nakikita. Nakakulong ako sa kulungang puso lang ang tanging piyansa.
At baka din hindi mo marinig ang sigaw at tangis ko habang lumalayo ka sa akin.Don't fall for me... please. Kasi di ko kakayanin.