• Four •

4 0 0
                                    

• Four •

Kasalukuyan kaming nandito nina Mavi at Aerin sa mall.
Salary day kase. You know, it's shopping time.

Akalain niyo yun it's my tenth day today sa AMS Media Group.
Yup, every 10th and 25th of the month kase salary days namin.

Akalain niyo rin yun na sampung araw ko nang natitiis ang araw-araw na bangayan nitong mag-bestfriends na ito.
Poor Aerin, Mavi is such a big bully.
Tulad ngayon.

"Hoy babaita! Aba kung gusto mong magprusisyon sa bagal mong maglakad, sana sinabi mo. Para naisali kita nung nakaraang Semana Santa!" Dada ni Mavi habang nakatirik pa ang mata niya kay Aerin.

"Will you please shut your mouth for a second?! I'm losing my focus!" Iritableng sagot naman ni Aerin.



"Taray! Ba't hindi ako nainform na kailangan pang magfocus habang naglalakad?" Taas kilay namang sabi ni Mavi.



"Uhmmm. Ma'am este teh! Hindi mo ba napapansing kanina pa may nasunod sa atin?" Baling naman sa akin ni Aerin at hindi na lang pinansin bespren niya.



"Ha? Hindi eh! Meron ba? Saan?" Palingon-lingon kong sagot sa kanya.




"Hindi ka naman nilalagnat pero bakit naghahallucinate ka teh? Ilang araw mo nang sinasabi yan. Kesyo may sumusunod o nagmamasid " Sabi ni Mavi pagkatapos pakiramdaman ang noo at leeg ng kanyang bespren.


Napabuntong hininga na lang si Aerin.



"Humigaaad! Don't tell me- Humigad! Humigad! Are you on drugs bespren?! Hindi ganyan ang pagpo-problem solving ng life! Huhuhu! Saan ako nagkulang? Lord, where?" OA namang litanya ng bading na to!

Hindi ko alam kung paano natitiis ni Aerin itong bespren niya. Juice colored!

Napa-tsk na lang si Aerin sa kagagahan nitong bespren niya!
Pero seryoso, ilang araw na niyang sinasabi yan.
Iniisip ko nga baka may third eye siya eh, kaya may nakikita siyang hindi naman namin nakikita ni Mavi.




Pero nug tinanong ko naman siya, wala naman daw siyang third eye.
Talaga raw'ng may nasunod sa amin pero hindi naman niya daw nakikita yung mukha kase panay yuko o di kaya minsan naman daw naka-face mask at sunglasses.


Oh well papel, hayaan ko na nga lang. Ano bang paki kong may nasunod? Baka naman nagkataon lang din.
Magoa-weird din itong si Aerin eh. Hehe.




.


Kinabukasan, nagmamadali akong umakyat sa hagdan papuntang Publishing Dept. office. Under maintenance daw yung elevator. Tsk. Kung kelan naman may urgent meeting, doon din nagka-urgent under maintenance yung elevator.
Huhuhu! Ako pa yung Head Dept. tapos ako pa itong late.






Haaays. Konti na lang, I'm on the 6th floor nang may biglang bumanga sa akin. Dammit!
Muntikan pa akong mahulog kung hindi ako nakakakapit sa kung sinuman tong lalaking ito.
Napatingin ako sa kanya, pero nakayuko lang at biglang inalis pagkakahawak ko sa kanya.
Galing naman nun, nagmamadali pang bumaba.
Hindi man lang nag-sorry! Nakuuuu! Weird.



Pero in fairness, ang gwapo ni Koya Stranger kahit nakaside view lang siya. Paano pa kaya kapag nakaharap na? Hihihihi!
He looks familiar though. Saan ko nga ba nakita yung ganung mukha?
Ay ang gaga ko lang! Nakuha ko pang lumandi at magmunimuni.



Hingal kabayo ako nung makarating sa Publishing Dept. pero nakakapagtaka, bakit wala sila? Tungak! Nasa meeting room pala sila. Sinagot ba naman ang sariling tanong.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 19, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Bounty Hunter Is My WHAT?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon