WMCM 2

8.4K 275 20
                                    

The Continuation....

After ng confession session nila ay nag-usap pa si Vice at Karylle ng kung ano-ano. Napag-usapan din nila na kung paano na-inlove si Karylle sa kanya.

"Hindi nga?"

Hindi makapaniwala na reaksyon ni Vice ng sabihin ni Karylle na almost a year na siya nitong gusto.

"ieee oo nga, wag na mo na ulitin, nakakahiya kaya "

Nahihiyang sagot naman ni Karylle sabay harang ng kulot niyang buhok sa kanyang mukha.

"Alelele ngayon ka pa nahiya Karylle ha? Samantalang kanina hindi ka nahiyang sabihin na Ako na lang, tayo nalang"

Pag-gaya pa ni Vice kay Karylle kanina kaya lalo itong nahiya.

"Gosh! Stop it Vice"

Namumulang awat ni Karylle.

"Hahaha cute mo!"

Natatawang saad ni Vice sabay pitik sa ilong ng dalaga.

"Ouch! Viceee"

May pagbabanta na saway ni Karylle dahil medyo nasaktan talaga siya sa pag-pitik ni Vice sa kanyang ilong.

"Ay sorry sorry, hahaha "

Pag-hingi ng paumanhin ni Vice sabay lagay ng kanyang kamay sa ulo ni Karylle upang ilapit ito sa kanyang mukha upang mahalikan niya ang ilong nito. Dahil sa ginawa ni Vice ay namula naman ang huli.

"Halalala, K kilig na kilig ka! Halatang-halata"

Natatawang sabi ni Vice habang tinuturo-turo pa si Karylle kaya hinampas naman siya nito.

"Tse!"

Natawa naman si Vice sa respond nito.

"Yun na nga, almost a year na kitang gusto, asking me why I like you? Simple lang, because you're almost perfect"

Pagpapatuloy ni Karylle sa kanina nilang usapanz Napa-ngiti naman si Vice dahil sa narinig.

"May nakaka-appreciate pala sakin 'no?"

Naka-ngiting tugon niya.

"Tsk, oo naman! Ang dami kaya"

Sagot naman ni Karylle. Vice just smiled at her as they continue their conversation.

Maka-lipas ang halos isang oras ng pagku-kwentuhan ay tinawag na sila ng Team Vice o ng mga Bakla for Dinner. Nagulat naman si Karylle ng mapag-tanto na ginabi na pala siya sa bahay ng kaibigan.

"Oh gosh ginabi na 'ko. But yun lang naman talaga ang pinunta ko dito eh, so I better go na"

Sambit ni Karylle at tumayo.

"Uuwi ka na ? Kumain ka na muna dito"

"Hindi na Vice, uuwi na 'ko, gabi na rin kasi eh"

"No, kumain ka na dito"

Seryosong saad ni Vice ngunit sadyang makulit si Karylle kaya't umangal pa rin ito.

"Hindi na nga Vice, uuwi na 'ko"

"Hindi, wala munang uuwi. Hindi ka makaka-uwi hanggat hindi ka kumakain dito, kaya halika na bumaba na tayo"

Maawtoridad na bitaw ni Vice sabay hila sa kamay ni Karylle as they came out from his room at bumaba na nga.

~~~

"Mga bakla! Anong ulam?"

Tanong ni Vice ng makababa sa kanyang kusina, still holding Karylle's hand.

Want Me? Convert Me || VicerylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon