Hingal kabayong tinakbo ni Vice ang Hallway papuntang Showtime Studio hoping na maka-abot pa kahit sa closing lamang, ngunit sinalubong siya ng naglalabasang Co-hosts including Karylle. Nang makita siya ng Dalaga ay bahagya itong nagulat as she guide him sa may gilid and cupped his face.
" Awwwaw bakit pawis na pawis ka naman Love? "
Alalang-tanong ni Karylle.
" Eh.....eh kasi I tried na makahabol kahit sa.... sa closing lang. Kaso di pala abot "
Hingal na hingal na sagot naman ni Vice.
" Tara sa DR, ang pogi-pogi mo pa naman "
Hindi mapigilang puri ni Karylle sa nobyo dahil ganoon parin ang get up ni Vice at hindi ito nagpalit. Nagpatianod lang naman si Vice sa Dalaga at 'di mapigilan mapangiti.
" Poging-pogi ka na naman sakin ha. Pano pa kaya pag naka-Tuxedo na 'ko, brush up hair, baka naman himatayin ka sa araw ng kasal natin Ate "
Mahanging saad ni Vice as he sat at Karylle's couch.
" Ang yabang mo Kuya...pero totoo naman hahaha pipigilan kong himatayin, may Kiss the Bride pa 'no "
Nangingiting-sagot pabalik naman ni Karylle habang nag-aayos na ng gamit niya.
Hindi naman na nakapag-pigil si Vice at bahagyang tumayo upang mahapit ang bewang ni Karylle at paupuin sa kanyang lap.
" Namiss kita Ate "
Malambing na bulong ni Vice as he rest his face sa leeg ng Dalaga.
" Missed you toooo, super. Pati madlang people for sure namiss ka, walang makulit kanina sa Show eh hahaha "
Pagkwento naman ni Karylle as she remember to ask Vice about sa nangyari kanina.
" How's your day nga pala with Dad? Aside from Driving him off sa Wet Market, pabilihin ka doon at paglutuin ka, may iba pa bang pinagawa si Daddy? "
Umiling nalang naman si Vice dahil napagod talaga sya sa mga ginawa kanina dagdagan pa ng pagkatagtag sa byahe, kahit ang totoo ay hinatid niya pa si Dr.M sa Clinic nito at tinulungan kahit papano sa mga Papers at gawain.
" Gusto mong umuwi na? You look so tired "
Malambing na saad ni Karylle as she softly caress her finger sa mukha nito.
" Ayoko pa, ganito na muna tayo "
Napa-ngiti naman si Karylle sa sinagot ni Vice, kaya pinatong niya ang ulo sa ulo nito.
" Hindi ka ba nabibigatan sakin? Pagod ka na nga, kandong mo pa 'ko "
" Kailangan kong masanay na nasa ibabaw kita, duh honeymoo---aray! Charot charot ka ang sakit! "
Reklamo ni Vice ng hindi sinasadyang mahampas ni Karylle ang ulunan niya.
" Oh my gosh sorry! I didnt mean. Ikaw kasi eh, dami mong alam Kuya "
Naiiling na sambit ni Karylle kaya natawa na lamang rin si Vice at muling niyakap ang bewang ng Dalaga.
" No matter what happen, dont leave me ha? Ikaw other half ko, Karylle, kaya ikaw kumukumpleto sakin, pag nawala ka, i'll be broken "
Bulong ni Vice kaya nagtaka naman si Karylle at hinarap ang mukha nito.
" What happened? Are you okay? Tell me the truth anong sinabi ni Daddy sayo? Pinapahirapan ka ata ng sobra eh "
Alalang-tanong ni Karylle kaya umiling naman si Vice at binalik ang pagkakarest ng ulo niya sa balikat ng dalaga. Naisip lang kasi bigla ni Vice ang nalalapit nilang pagiging mag-asawa.
BINABASA MO ANG
Want Me? Convert Me || Vicerylle
Fanfiction"I love you Vice" -Karylle "But K... Yes I love you, but only as my friend" -Vice "...Okay lang" -Karylle "Pero sawa na rin akong masaktan sa mga lalaki, K eh. WANT ME? CONVERT ME" -Vice © 2015