"Tigilan na natin 'tong pagpapaplano ng wedding. Dyan ka sa babae mo!"
Natatawa namang hinabol ni Vice ang Fiance na ngayon ay nag-uusok na ang ilong.
"Love naman, hahaha. Anong Babae ko"
Lalo namang nainis si Karylle kaya't di sya kumibo at nagpumiglas sa yakap ni Vice sa likod niya.
"Uy"
Pag-pigil ni Vice ng akmang lalabas na ng kwarto nya si Karylle. Alam nyang may kasalanan siya, ngunit hindi lang nya talaga maiwasang matawa sa inaakto ni Karylle.
"Kurba huy, tara nga dito hahaha yung noo mo"
Pag-puna ni Vice sa naka-sobrang kunot na noo nito, as he caress her forehead, tinapik naman ito ni Karylle.
"Ano bang nakakatawa ha? It seems like you're enjoying our fight"
Tiim bagang sambit ni Karylle at masamang tinitignan si Vice.
"Eh, sorry na. Sorry na kasi. Biglaan lang naman talaga yung pag-aya ni Bea manood ng movie, kilala mo naman yun matigas ang ulo, pag gusto nya, gusto nya. And sorry if di nga kita nainform. Wala lang naman kami ni Bea, Love, alam mo naman yan eh. Ikaw lang babae ng buhay ko bukod sa pamilya ko"
Pagseseryoso na ni Vice.
"Why when it comes to me talking with other boys, nausok ka na agad sa galit? Usap lang yun Vice, pano pa kaya pag nahuli mo 'kong may kasamang lalaki sa unit ko, at sa kwarto pa mismo, what would you think? How would you react? Vice sana naman minsan seryosohin mo din pagseselos ko, kasi hindi naman biro yung nakita ko, Bea's resting her head at your chest here at your room ng wala akong kaalam-alam na kasama mo pala siya. Pinalagpas ko na nga yun eh, tapos hanggang sa pagpapaplano ng wedding natin sisingit kayo ng phone call? Ano? Hindi pa sapat landian nyo kanina dahil dumating ako?"
Halata ang galit sa boses ni Karylle kaya't napayuko nalang si Vice.
"Im sorry"
Tanging nasambit ni Vice at hindi naman kumibo si Karylle.
"Sorry. Im sorry. Hindi na mauulit"
Mata sa matang paghingi ni Vice ng paumanhin. Tinititigan lang naman siya ni Karylle.
"Wag ka na magalit, sorry na. Alam ko naman na yung pagkakamali ko. Wag naman na sana natin palakihin 'tong issue na 'to. Sorry na, I love you"
Panglalambing ni Vice at niyakap ang Fiance.
"Bati na tayo, ha? I promise, sa susunod mag-iingat na 'ko when it comes sa mga Girl Friends ko, sadyang nasanay nalang kasi ako sa kanila, and now i know na dapat may limitations na, dahil magkaka-asawa na 'ko. Kaya sana patawarin mo na 'ko, alam kong masama talaga loob mo, minsan ka lang naman magalit ng ganyan eh"
Pang-aalo ni Vice habang yakap pa din si Karylle, hindi naman naimik ang huli kaya humiwalay na si Vice sa yakap at ini-angat ang baba ni Karylle to face him.
"Galit ka pa din?"
Malungkot na tanong ni Vice, nag-iwas naman ng tingin si Karylle kasabay ng pag-iling niya.
"ieee, galit ka pa din eh"
Pangungulit ni Vice.
"Hindi na nga, inamin mo naman na yung mali mo eh. Im just hoping na sana totohanin mo yung promise mo, alam mo namang selosa ako, same as with you na seloso, kaya nga halos lahat ng Boy Friends ko diba may limitations na sa pakikipag-usap. Let's be fair here, Vice"
Seryosong saad ni Karylle, kaya napa-tango nalang naman si Vice.
"Sorry ulit, I love you Mahal"
BINABASA MO ANG
Want Me? Convert Me || Vicerylle
Fanfiction"I love you Vice" -Karylle "But K... Yes I love you, but only as my friend" -Vice "...Okay lang" -Karylle "Pero sawa na rin akong masaktan sa mga lalaki, K eh. WANT ME? CONVERT ME" -Vice © 2015