"Oo na! Oo na! Im affected! Kahit bakla ako NAAAKIT ako sa itsura mo ngayon! So please, mag-bihis ka na bago pang may mangyaring kababalaghan!"
Napa-laki naman ang ngiti sa labi ni Karylle ng marinig ang pikit-matang sagot ni Vice .
"Yiee affected siya, okay magbi-bihis na'ko, I love you"
Mabilisang sabi ni Karylle sabay nakaw ng halik sa pisngi ni Vice.
Napa-dilat naman ang huli sa ginawa ni Karylle, nakita naman niya itong dumiretso na ng C.R. kaya naupo muna siya sa kama sabay hawak sa kanyang pisngi.
VICE
Anyayare sakin? Jusko! Bakit ako naakit sa itsura niya kanina? Tapos--tapos medyo nag-react si Junjun dun ha.
Lord? Are you helping me to be with her?
Pero maganda na rin 'to, ayokong pigilan ang sarili ko kay Karylle. Alam kong magiging masaya 'ko sa piling niya.
Hindi naman siya mahirap mahalin eh, she's almost perfect .
Ako nalang yata talaga kulang sa kanya?
Charot! Hahaha
Pero gusto ko talagang kay Karylle nalang ako. Sounds selfish but, pero ayoko ng masaktan ulit, ayoko ng maloko ulit.
To be honest, una ayokong maniwala nung sinabi ni Karylle na mahal niya 'ko, but to the fact that she cried? I can't help but to believe her.
Isang Ana Karylle Tatlonghar , may gusto sa isang baklang tulad 'ko? Pero ang saya ko lang, ang saya ko para sa'min.
Sana matutunan na agad kitang mahalin ng higit sa kaibigan Karylle.
end
Hindi naman nag-tagal ay lumabas na si Karylle mula sa C.R. na ngiting-ngiti.
"Ayown! Ngiting-ngiti siya kasi naka-halik siya kanina"
Bungad ni Vice kay Karylle.
"Aside from that, you're affected kanina that's why"
Ngiting-ngiti na tugon ni Karylle sabay tabi kay Vice sa kama.
"Che! 'wag mo nang ipaalala, bruha ka"
Natatawang sabi ni Vice sabay sandal sa Headboard ng kama.
"Okay fine, pero ano nga bang ginagawa mo dito kanina?"
Tanong naman ni Karylle as she move forward to Vice.
"Ayun nga, iche-check sana kita, then tatanungin kung gusto mo ng gatas. Gusto mo nga ba?"
Balik-tanong naman ni Vice sabay tingin kay Karylle na naka-tingin din sa kanya.
"Pwede din, ikaw?"
"Hindi ako nakaka-tulog ng hindi nainom ng gatas actually"
Napa-ngiti naman si Karylle dahil sa sinabi ni Vice .
Baby- Sa isip-isip niya .
"Para ka palang bata"
"Yeah, tapos gatas ang nakakapagpa-wala ng badmood ko, ng stress ko, ng galit ko, for short , gatas ang nakakapagpa-saya sa'kin"
Nagulat si Karylle sa nalaman, ngayon niya lang kasi nalaman na Milk Lover pala ang kaibigan.
"Talaga?"
BINABASA MO ANG
Want Me? Convert Me || Vicerylle
Fanfiction"I love you Vice" -Karylle "But K... Yes I love you, but only as my friend" -Vice "...Okay lang" -Karylle "Pero sawa na rin akong masaktan sa mga lalaki, K eh. WANT ME? CONVERT ME" -Vice © 2015