FIELDTRIP -1

59 4 2
                                    

FIELDTRIP -1

________
Pagkatunog na pagkatunog ng bus e sumakay na kami! Buti na rin 'yun para iwas tense lang. Pangdalawahan lang yung upuan at totoong mix nga ang arrangement ! Makakasama tuloy namin yung ibang student, balita ko kasi maarte ang mga babae dun at mayayabang naman ang boys! Pero mukang chismis lang kasi friendly naman si Ace, or baka siya lang.

"Kaye." Pareho akong nagtaka ng tawagin ako ng dalawa, Di ko tuloy alam kung saan ako lilingon! Nasa Left side kasi si Ethan at pinapaupo niya ako dun sa tabi niya ganun din si Ace kaso nasa right side naman siya!

Nung sabay nila akong tawagin e nagsukatan sila ng tingin! Ugh, ano ba sila? Gagawa ng eksenaaa?

"Tss. Kaye upo ka na dito." Sabi ni Ethan.




"Tss. Gaya gaya, dito na lang ... K-kaye?" Ee, ay di niya pa pala ako kilala malamang last time na nagkita kami e kahihiyan ang scene, makuha ko pa kayang magpakilala sakanya?


"ay grabe malandi nga, totoo yung sinabi ni Ms. Santos! Tss attention seeker." Naginit yung ulo ko ng marinig ko 'yun, at ang malupit kay Bruhang jamela pa >^< Ugh. Okay kaye breathe in, breath out. Hayaan mk yan, insecure lang ang bruha sa DYOSAA. =)


" Bes, dito na lang oh. " Napatingin ako sa tumawag sakin and syempre its my bes! Kaya sakanya na ako umupo. Wala rin naman akong balak upuan ang isa sa dalawang yun e! Oo na nagmamaganda na ako, hell'yah bakit naman hindi, dalawang gwapo yun no ^^~

_____

Ilang Oras lang 'din ang nakalipas at buti naman ay nakarating kami, first destination namin ang baguio! Yey. Swear ang saya neto matagal ko ng dream ang makapunta dito e.

" Okay, may goodnews at badnews ako! Good news is Pwede niyong libutin ang baguio kahit saan, and bad news is limit lang ang time kailangan makabalik kayo dito on time dahil paghindi iiwanan namin kayo! Okay? And by the way, kailangan ko kayong i-group into 6 members bawal umangal! Mix ang groupings okay?" Hala, ano bang mga pakulo yun? Ang lakas naman ng trip ng nagoorganize neto. •_____•




"Okay, Tatawagin ko ahh~ Natividad, Asige, Theodore, Mulbren, .." Ay marami pang binanggit! Ang swerte ko nga kasi puro kilala ko yung nakasama ko! Ang malas nga lang may bruha! •____• si Ace, Ethan, Marmie, Wendy at Si bruhang Jamela ang kagrupo ko! Kaasar akala ko pa naman magiging best na may bruha pa. Pero okay na 'yun atleast kasama ko se bebelove koo . Ang cool nga e isang Taga EHS lang yung nakasama samin, at buti na lang close namin siya kahit di naman masyadooo! Atleast alam naming mabait siyaa.

---

"So saan ang first target natin?" Sabi ni jamela ng maarte at kumapit sa braso ni ethan! >^^^< Ughhh! You maderpaderrr, kyaaah~ ang landi mo pusha ka.







"Uy, napaghahalataan ka." bulong ni marmie sakin? Huh?







"Wag kang magselos namumula ka! Napaghahalataang nagagalit ka tuloy. Easy lang." O.O ha-halata? H-hindi k-- aish, kasi naman si ethan hindi niya man lang sawayin si bruha >^<







"Tss." Sabi ko at naglakad! Naririnig kong tinawag nila ako pero nagseselos ako galit ako! Syempre MASAKIT e. Ay teka! M-MASAKIT?


*plok*





"Ay umaambon?" Nasnap back ako ng marinig ko 'yun, andiyan na pala sila! •_____•




"Tara balik na tayo sa bus, di na yan matutuloy umaambon e." Sabi ni jamela.









" 'yan tayo e, konting ambon akala mo suspended na! Parang sa pag-ibig, pinansin ka lang akala mo Gusto ka na." Lahat kami napatingin kay Marmie na nakatingin sa taas, tapos tumingin siya samin..








"Whuut?" Tanong ni Marmie.








"Anong hugot mo?" tanong ni ethan.









"Hugot? Bakit may nasabi ba ko? ^^v " Sabi ni Marmie at nagpeace sign! Ta's nagshrug na lang kami.


Kung tutuusin tama si Marmie, at sa totoo lang nasapul ako dun! Awts pala, at alam kong alam ng sambayanan kung bakit ako nasasaktan! Kasi nga gusto ko siya! At sa bawat kilos niya na nakakapapakilig sakin e umaasa akong gusto niya 'rin ako.










"Okay ka lang?"
"Ay MASKEET!" O.O sht. Ano yuun? Napatingin sila sakin ng sabihin ko 'yun!









"Ah. Ahh-- Aww! Ang sakit, ang sakit ng Tiyan kooo!" At umarte akong masakit nga yung tiyan ko. Stupid.











"Ah baka gutom ka? Tara kain muna tayo." Sabi ni Ace, oo siya yung nagtanong sakin! After niyang sabihin 'yun e hinila niya ako at sumunod naman sila.

Stoooopida na kung stupida pero alam niyo kung ano hinihiling ko? Sana nagseselos siya. *insert yumuko/nahiya*







____________

Kumain kami at treat ni Ace, pero yung akin kay wendy at marmie lang!












"Alam mo pare, ang bastos mo!" Sabi ni ethan kay Ace! Agad namang napataas ang kilay ko dun! Paano naging bastos si Ace??










"Ililibre mo lahat pwera lang kay jamela? Okay lang kung hindi ako! Kasi alam kong hindi yung mangyayari pero si jamela! Aba dude." Ouch. Talagang pinagtanggol niya pa si jamela? Bakit ? Sila na ba? Ang sakit sheez, baka tumulo luha ko!oo naiiyak ako. Peste ayun lang naiiyak ako. Ang weird ko na.













"Tss. Bakit ko naman siya ililibre? E andiyan ka naman!! Besides girlfriend mo 'yan! Bakit pare namumulubi ka ba? Di mo naman sinabi kaya naman kitang pau--"










"AYYYYY!" Sigaw naming mga babae, naagaw tuloy namin yung attention nung mga tao.












"G*go ka ba?" Sabi ni ethan at hinawakan yung kwelyo ni Ace! Sasapakin niya sana si Ace kaso ..














"Ano ba? Tumigil nga kayo, napaka eksenadora niyo rin e no. Mahiya naman kayo sa mga kasama niyo! Kung gusto niyo mag ala pacman pwede wag dito? Hindi yung kasama niyo kami! Mahiya naman kayo para samin." Sabi ko at di ko alam pero biglang pumatak yung luha ko!! Inis, kahihiyan at all the same time Sakit halo halo na yung pakiramdam ko.












"Kaye." Sabi ni Wendy at Marmie.













"Oh. Iyo na, para naman wala ka ng masabi kay Ace." Sabi ko at binigay ko yung pagkain kay Jamela na para sakin! Nagulat nga siya sa ginawa ko, akala ko nga lalaban siya pero natutula lang.


Pagtapos kong ibigay yung pagkain ko e umalis na ko! Ayoko na e, yun palang nakakasakit na. Ano pa? Ano paang sakit ang darating. Peste bakit ko ba 'to nararamdaman? Ugh.

Sweet Cupcakes, Crush HeartbreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon