FIELDTRIP -2

37 4 2
                                    

FIELDTRIP -2

_______

Pagtapos kong umalis ay 'di ko na alam kung saan ako pupunta! Tapos hanggang ngayon e umiiyak ako •____• para nga akong tanga e, naglalakad ng mabagal habang umiiyak! Siguro iniisip ng mga tao nababaliw na ko. Hays.

Nakakita ako ng isang puno at doon muna ako umupo, buti na lang at di na tuluyang umulan!

"Minsa tayo rin ang may kasalanan kung bakit tayo nasasaktan! Masyado tayong Nahuhulog sa taong KAIBIGAN ka lang." Napatigil ako ng may magsalita, at at the same time e nasapul nanaman ako sa sinabi ni Marmie, Oo si Marmie sinundan ako!






"Sabi ni Wendy hanapin daw kita, naghiwalay nga kaming tatlo ni Ace e! Hinabol ka namin nung umalis ka kaso di ka namin nahabol kaya sabi ni Ace maghiwahiwalay daw kami. Sabi niya nga tawagan namin ang isa't isa kapag nakita ka na. Kaso parang wag muna dahil sa sitwasyon mo." Sabi niya, tiningnan ko naman siya at niyakap ko siya!






"Okay lang 'yan." Sabi niya!
"Ang sakit pala!" Sabi ko.







"Ang alin? Ang magmahal?" Sabi niya! Mahal?





"Hindi ko siya Mahal , Gusto ko lang siya " Sabi ko.


"HINDI KA NAMAN MASASAKTAN NG SOBRA KUNG DI MO SIYA MAHAL E." ?? mahal? Ko siyaa? Alam ko gusto ko siya, Pero mahal ..





"Hay, wag mo ng isipin 'yun. Tara ano? Pwede na ba?" Sabi ni Marmie at tumango naman ako.


________

" Andieee!" Tumakbo si Ace palapit sakin at niyakap ako. Andie?





"Grabe nag-alala ako sa'yo! Ano okay ka na ba? Gusto mo pa bang kumain? Ano hahanap tayo ng ibang pagkainan! Hayaan na natin yung dalawa naiwan dun e. Ano? "Sabi niya, muka ngang wala talagang pake sakin si Ethan, sila na siguro. Ang swerte ni Jamela! *Insert Smiley Ouch?* at teka nga kaye! Sino namang nagsabing may pake siya sayo? Tss.





"Saan mo nalaman yung andie?" Tanong ko.





"Kay Wendy, teka nga andami kong sinabi tapos ayun lang sagot mo." Sabi niya at nagpout. Hahaha! Cute.







"Yan buti naman at tumawa ka. Sige saan tayo kakain?" Tanong niya.





"Kayo na lang, di ako kakain e. Nawalan na ko ng gana. " Sabi ko.







"Hindi na lang din ako."Sabi ni Marmie at nagsabay sila ni Wendy.







"Syempre hindi na lang din ako. =) sige saan yung next destination natin?"tanong niya, nagsuggest naman kami at natuloy! Ayaw ko sana kasi tinamad na ko pero syempre ang selfish ng dating kung pati banaman 'yun aartehan ko pa. Alam ko namang gusto nila kaya go na rin.







"Bes kung ayaw mo okay lang sakin." Sabi ni wendy.





"Oo nga, okay lang naman sakin e." Sabi naman ni marmie.








"Syempre lalo na sakin" Sabi rin ni Ace.






"Ano ba kayo, natouch ako salamat! Pero 'wag kayong mag-alala okay na ko. Sobrang salamat." Sabi ko, ang swerte ko kasi ang bait nila. Pati na si Ace tho hindi ko pa siya kilala ng sobra pero he's a good friend of mine right now.

Sweet Cupcakes, Crush HeartbreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon