MEMORY 2

2.9K 65 8
                                    

MEMORY 2

[Aldrei]

ALAM NIYANG isa siyang lalaki at hindi magandang makitang umiiyak ang isang lalaki pero pakiramdam ni Aldrei maiiyak siya dahil sa labis na tuwa.

Anim na taon. Sa wakas, makalipas ang anim na taong pagpapabalik-balik at paghihintay sa park, natagpuan niya rin ang babaeng nasa litrato.

Sabi na nga ba niya, magtiyaga lang siya at maghintay, mahahanap niya rin ang babaeng nasa litrato.

"Hi!" nangingilalang ganting-bati ng babae.

Ang totoo, gusto niya itong higitin para yakapin, sabihin sa dalagang minahal na niya ito kahit picture pa lang nito ang nakikita niya noon. Pero naiisip niya pa lang ang bagay na 'yon, para na siyang pinapanawan ng lakas.

"Nakita na ba kita dati?"

Ang tanong nito ang nagbalik sa kanya sa reyalidad.

"Hindi," mabilis niyang sagot. "May ibabalik lang sana ako." Iniabot niya rito ang picture na nakita anim na taon na ang nakararaan. Ngunit halos masuntok na niya ang sarili nang matuklasang nanginginig pala ang mga kamay. Hiniling na lamang niyang hindi iyon mapansin ng babae.

"Naku, thank you." Inabot nito ang picture.

He was amused to see her reaction. Marahil dahil batid nito ang caption na inilagay nito sa likod ng picture.

"No, you're not," makahulugan niyang pagsasatinig.

Hindi niya napigilan ang mapangiti nang makita ang biglang pagkukulay rosas ng mapuputing pisngi nito. Lalo pang lumawak ang ngiti niya nang mapahawak ito sa pisngi.

"Ehem."

Parang cue ang pagtikhim na iyon para ma-realize ng dalawang may ibang tao pa pala sa paligid.

"Hi, ako si Nicole at ate ko ang kausap mo." Itinaas nito ang kaliwang kamay at bahagyang kumaway.

"S-sorry." Alam niyang nabastos niya ito.

"No, it's okay." The lady smiled, then she looked at Andrea. "Would you mind telling us your name, Mister?"

Nasuklay niya ang buhok gamit ang mga daliri. "Sorry, I forgot to introduce myself,. He fixed his posture. 'I'm Aldrei. Aldrei Austria."

"Hello Aldrei," anang babaeng hinintay niyang makilala sa loob ng anim na taon. "I'm Andrea, Andrea Villareal."

He gulped. Just the mere fact of her, uttering his name brought Aldrei to another dimension, and knowing her name made him feel like he was in cloud nine. His six years of waiting was paid back. No, his happiness was much more than paid back. It was priceless.

"It's nice meeting you." She offered him a handshake.

Pinanlakihan naman siya ng mata sa ginawa nito. His heart was pounding so hard that it deafened his ears. His body was shaking and he was afraid the two girls would notice it any moment. And he wished for his sweats to stop showering his skin.

Sinubukan niyang ikilos ang kanang kamay. Naghihintay si Andrea, hindi niya dapat paghintayin ang mga kamay nito. Pero sadyang hirap siyang igalaw ang mga palad. Humugot siya ng malalim na hininga dahil doon, bumilang ng tatlo sa isipan at buong lakas ng loob na tinanggap ang pakikipag-kamay ng dalaga. "N-nnice meeting you, too."

Ngumiti ito. At si Nicole naman ang kinamayan niya.

"Gusto pa sana naming magtagal, Aldrei, pero kailangan na naming umuwi," Nicole annnounced right after their hand shake.

"Salamat nga pala sa pagsasauli ng picture ko. Pasensya ka na sa nakasulat dito," si Andrea na muli na namang namula.

 "Walang anuman. Sige, may pupuntahan pa rin akong kaibigan," tugon niyang pilit itinago ang panghihinayang.

"Sige."  At niyakag na ni Nicole paalis ang kapatid.

Hinintay niyang makalayo ang dalawa. At nang matiyak na nakalayo na nga ang mga ito, ubod-lakas siya humiyaw dahil sa tuwa.

"I'm the most handsome man in the world!!!"

 --

"HOY!"

Parang naalimpungatan bigla si Aldrei dahil sa pang-gu-gulat ng pinsang si Joco. Nakatayo siya sa veranda, katapat ng flower garden ng kanyang ina.

"Masama na 'yan, Insan. Nakakabaliw raw kapag palaging tulala." Tumayo ito sa tabi niya.

“May iniisip lang ako,” seryosong sagot niya.

“Yung babae sa picture na nakita mo noon, tama ba?”

“Nakita ko na siya.”

“Sa wakas!” Itinaas nito ang kamay na para bang may inaalay na kung ano. “Pwede nang mag-asawa ang pinsan ko!”

"Tarantado." He chuckled. "Mag-aasawa lang ako kapag nagpakasal na kayo ng girlfriend mo."

"Oh, e de hindi ka na nga talaga makakapag-asawa. Matagal pa bago ako magpatali sa kabaliwan ni Pauline."

Napailing si Aldrei dahil sa sinabi nito. Palaging maraming sinasabing hindi maganda si Joco tungkol sa kasintahan nito pero palagi naman itong nag-aalala sa tuwing may operasyon ang nobya. Pauline was a secret agent.

Sumeryoso ang mukha ni Aldrei pagkatapos. Sumeryoso na rin ang mukha ni Joco. Mayamaya pa'y idinantay nito ang kaliwang kamay sa balikat niya. "Tinamaan ka talaga ano?"

"Anim na taon na, Insan," sagot niyang hindi lumilingon dito.

"Oo nga pala ano? Baliw ka nga pala sa kanya," ngiwi nito. "Pero, ano nang balak mo ngayong nagkita na kayo?"

"Manliligaw ako," he answered with full determination. "Kahit ano gagawin ko basta mahalin niya rin ako."

*tbc*

Sixty-Minute Memories of First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon