MEMORY 7
[Aldrei]
TATLONG ARAW na ang lumipas mula nang sabihin ni Andrea sa kanyang, “Ikaw ang boyfriend ko.”
Nagpakita na rin kay Andrea si Nicole kahit hindi pa ito gumagaling. Katwiran ng dalaga, sapat na rito ang malamang kaya pa ring makaalala ni Andrea, hindi man sa memorya kundi sa puso.
Hindi na naulit ang pagsasabi ni Andrea ng “Ikaw ang boyfriend ko.” Dumating ang mga oras ng pagtatanong nito tungkol kay Chris at sa mga magulang. May mga pagkakataong nahirapan silang sagutin ngunit pinipili na lamang nilang iligaw nag usapan at hilinging sana’y lumipas na ang isang oras.
“Parang ang lalim ng iniiisip mo ah,” tanong ni Andrea habang nakangiti sa kanya. Nasa park sila at nakaupo sa bench kung saan niya unang nakita ang picture ng nobya.
Inilipat niya ang tingin mula sa lagoon patungo sa nobya. “Masaya lang ako.”
Marahan nitong inihilig ang ulo sa balikat niya. “Mahirap ba?”
“Ang alin?” balik-tanong niya.
“Make me fall for you every hour.”
Natigilan siya. Mahirap nga ba? He thought for a while as though weighing things... then he blew a deep breathe. “Hindi--” matapat niyang sagot. “—kapag para kasi sa mahal ko, hindi ako mahihirapan at mapapagod. Kahit oras-oras akong magmukhang tanga, hindi ako mapapagod. Kahit paulit-ulit na kailangang ipaalala ko sa ‘yong mahal mo rin ako, hindi ako mahihirapan. Hindi ako nahihirapan, hindi ako nahirapan... Dahil mahal kita, Andrea… Mas mahirap kung wala ka sa tabi ko.”
Silence filled the two-man park after his utterance. She was twitterpatting inside but she was clueless of what words should be given back to him. When she found none, she chose to close her eyes instead and savour the moments she had with him. She knew she would forget him again in few minutes, forget what he did for her, and forget what he said... But her heart would vividlly remember all the efforts he exerted. She was more than sure of that.
When she opened her eyes, the wall clocks back home were humming again. She couldn’t, again, remember the man she was with but she felt no agony or fear.
“Awake?”
She lifted her head and looked at the man who spoke. “Hmmmn.”
[Andrea]
NAGKATINGINAN sina Aldrei at Andrea nang maabutang tumitingin ng mga litrato si Nicole. Nakaupo ito sa sofa at hawak ang family album na ginawa nilang mag-iina noon. Kararating pa lamang ng magkasintahan mula sa park.
“Ate, kayo pala,” nagpahid ito ng luha nang maramdaman ang presensiya ng magkasintahan. Alam nilang pinilit nitong papatagin ang boses ngunit garalgal pa rin iyon.
BINABASA MO ANG
Sixty-Minute Memories of First Love
RomanceIt only takes sixty minutes to make a memory worth-remembering.