MEMORY 3
[Nicole]*Two weeks later…*
NAKATAYO si Nicole sa tapat ng kuwarto ni Andrea. Iniisip niya kung saan magandang dalhin ang ate. Saglit pa siyang nag-isip at isang buntong hininga ang pinakawalan ng dalaga.
Kitchen…
“NICOLE, may inililihim ka ba sa akin?”
Natigil siya sa tangka sanang pagsubo ng pagkain. Maging paghinga'y halos nakalimutan na ng kanyang sistema. Matagal siyang hindi nakasagot. Mariin niyang ipinikit ang mga mata. Her breathing became uneven, and it was difficult for her to hide it from Andrea.
"Tinatanong kita, Nicole. May inililihim ka ba sa akin?"
Nagtaas siya ng tingin at napatitig dito. She chose to wear a blank face at the best extent she could. "H-ha?" napalunok siya nang sunod-sunod. "W-wala, Ate. Ano namang ililihim ko sa 'yo? S-siyempre wala." Nang masabi iyo'y agad siyang nagbaba ng tingin at sumubo ng pagkain. Naroon pa rin ang kaba sa puso ni Nicole.
"Para lang kasing ang weird ng feeling ko ngayon. Hayaan mo na nga, feeling ko lang siguro talaga 'to."
"K-kain na lang tayo, Ate," she managed to say.
Matapos kumain, si Andrea ang naghugas ng plato. Tinawagan naman ni Nicole ang General Manager ang Eternity Colors upang kumustahin ang negosyo nila.
Eternity Colors was a company for professional and aspiring painters. Their company organizes and sponsors the expenses of a painter's exhibits--kasama na roon ang pagbabayad sa mga materyales ng pagpipinta, venue ng exhibit, marketing,and all. 60-40 ang hatian afterwards, labas ang expenses. Sixty percent of the profit goes to the painter while forty percent goes to their company.
Malaki ang naitutulong ng mga advertising agent na hi-na-hire nila to ensure high percentage of gross income. Eternity colors was founded by Lelandro Villareal. It was circulating for already twenty years and because its offer was promising, many painters would go to them for service. They had over a thousand of resident painters selling their art works for about fifty countries.
Matapos kumustahin mula sa General Manager ang lagay ng Eternity Colors, pinuntahan na niya ang ate sa kuwarto. Doon ito nagtungo matapos maghugas ng plato.
Naabutan niya itong nag-de-design ng gown. Mangyari'y fashion designing ang course na natapos nito at pag-de-design ng gowns ang forte ng nakatatandang kapatid.
"Oh, Nicole," anito nang maramdaman ang presensya niya.
Magsasalita na sana siya nang muli na namang tumunog ang mga wall clock na gawa sa oak tree. She heaved a sigh.
Andrea didn't agree going out that morning. Nangyayari lamang iyon kapag hawak nito ang drawing pad sa oras ng pagtunog ng mga wall clcok. She loved to design gowns much more than going out and going anywhere. With that kind of situation, Nicole would let it be. Mas ikinatutuwa niya pa nga iyon dahil alam niyang maghapong pag-de-design na lang ang gagawin ni Andrea. Nangangahulugan din iyon ng maghapong pagtigil ng mga dahilan niya.
[Aldrei]
"Bruha talaga si Nikkai! Ayaw sumama!"
Tatlong taon na ang nakararaan mula nang huling status Andrea Villareal sa facebook account nito. Madali niyang na-track ang FB account nito dahil sa mismong mukha ng dalaga ang profile picture nito.
Pinagtakhan ni Aldrei kung bakit tatlong taon pa ang huling status update nito.Naisip na lamang niyang maaaring nagpalit ito ng account. And there came another 'Why?
![](https://img.wattpad.com/cover/6348220-288-k367519.jpg)
BINABASA MO ANG
Sixty-Minute Memories of First Love
RomanceIt only takes sixty minutes to make a memory worth-remembering.