MEMORY 8
[Andrea]
NAGTUNGO ang magkasintahan sa dalampasigan, tatlumpong minuto ang biyahe mula sa bahay nila Andrea.
Hindi pa rin malinaw kay Andrea ang lahat… pero isang bahagi ng puso niya ang nagsasabing tama ang mahalin si Aldrei. Gusto nga niyang matawa dahil wala pang isang oras mula nang malaman nya ang pangalan nito pero malapit na siya ikasal dito. Tatlong araw na lang daw.
Hindi siya tumanggi nang hawakan ng nobyo—binata—ang kamay niya. They were holding each other’s hand while walking. And they were like that for the remaining minutes she could remember him... And when her memories of him faded again, she was hysterical of the place and his face so he had to explain all over again.
Ilang minuto ang lumipas at magkahawak na naman ang mga kamay nila... hanggang sa napalitan ng oras ang mga minuto. Iba-iba ang naging reaksyon ni Andrea sa tuwing magpapalit ang oras. May nagwala, may nanahimik lang at tila nauunawaan ang mga pangyayari, may naging matanong, at may mga oras na nanuntok siya tapos makalilimutang nambugbog na pala siya ng fiancé. Ganun ang mga naging tagpo hanggang sumapit ang dapit-hapon. And yes, they forgot to eat lunch.
Pasado alas-singko y media na sa relo ni Aldrei nang magyaya itong umuwi. Napagod na sila sa paglalakad-lakad kaya nakaupo na sila noon sa buhanginan. Katatapos lang nilang manood ng sunset.
“Pwede bang ganito muna tayo?” aniyang nakahilig ang ulo sa balikat ng katipan.
Hindi ito nagsalita ngunit ginagap ang kamay niya at pinagsalikop ang mga kamay nila.
“Mukhang masinsinan ang pinag-uusapan natin Pare ah.”
Sabay silang napatingala sa estrangherong boses at nang makita ito’y sabay silang napabalikwas patayo bagaman magkahawak pa rin ang mga kamay nila.
“Paalis na rin kami, Pare,” anang kasintahan habang katulad niya’y nagpapagpag din ng buhangin.
Pagkaraa’y pinasadahan niya ng tingin ang anim pang kasama nito. Tatlo sa mga ito ang may kulay ang nakatirik na buhok: isang pula at dalawang dilaw. Tatlo naman ang nakatirik lang na para bang ginagaya ang porma ng buhok ni San Goku. One thing the men had in common was their pyramid-shaped earring hanging from their left ears.
“T-tama, paalis na rin…k-kami,” dagdag niya. Hindi naitago ng pagkautal ang takot sa puso ng dalaga. Lalong humigpit ang pagkakahawak nila sa isa’t isa. Umakma na silang lilisan.
“O-ooh, saan kayo pupunta?” pigil ng lalaking nagsalita kanina. Nakataas ang mga kamay nito na parang pumipigil.
Tiyak ni Andrea na pareho nilang iniisip ng nobyo na ito ang leader. Ito ang may pinakamaraming tattoo—patunay ang mga naglalabasang dragon tattoo nito sa mga braso. Ito lang din ang may ganoong tattoo. Isa pa, ito rin ang nasa unahan ng grupo.
“Pasensya na pero kailangan na talaga naming umalis,” kalmadong sabi ni Aldrei, pilit itinatago ang tension.
“Ooooh,” tila nanghihinayang na saad ng lalaking may dragon tattoos. “Makikipaglaro pa kami sa kasama mo, lalayasan n'yo na kami?” Nakangising nilingon nito ang mga kasama. Nagsitawanan naman ang mga ito habang iginagalaw ang mga batutang nakadantay sa balikat.
“Hindi pwede,” tiim-bagang nang wika ni Aldrei.
Humakbang palapit sa kanila ang grupo.
Sinenyasan naman siya ni Aldrei na lumayo.
Sumunod siya, humakbang paatras at maya-maya lang ay napapalibutan na ng pitong sanggano ang nobyo.
[Aldrei]
BINABASA MO ANG
Sixty-Minute Memories of First Love
RomanceIt only takes sixty minutes to make a memory worth-remembering.