the 1st met

11 1 0
                                    

Chapter 2

Two years later

Daine's POV.

napabalikwas ng bangon si Daine ng marinig niya ang ingay ng mga tropa ng kuya drei nya mula sa kanilang sala. Malapit lang kasi ang kwarto nya sa sala nila kaya rinig na rinig niya ang ingay ng mga ito.

Nandito na naman ang mga mokong na yon!

She's started irritating. Sigurado siya kung ano ano na naman ang iuutos sa kanya ng kanyang kuya drei pa maya-maya.

Tok! Tok! Tok!

Speaking of the devil. Sigurado sya ang kuya niya ang kumakatok mula sa labas ng kanyang silid. Wala siyang nagawa kundi ang pagbuksan ito.

"What?!" Nakasimangot na bungad niya dito

"Buti gising kana?" Anito sabay ngiti sa kanya.

As if she didn't know na may iuutos lang ito sa kanya kaya
Iniistorbo siya nito ngayon.

"Sa ingay ng mga kabarkada mo makakatulog paba ako?!" Pagsusungit niya dito.

Past 10am na, usually lunch time na sana ang gising niya kung wala lang ang mga kumag na nangistorbo sa pagtulog niya. Napuyat pa naman siya kagabi dahil late na silang nakauwi ng kaibigan niyang si sandy galing kasi sila sa birthday bash ng gay friend nilang si son.

"Huwag ka ng magalit sis, ang aga-aga oh. Bahala ka masisira ang beauty mo nyan." Panguuto pa nito sa kanya.

"Whatever kuya! Ano bang kaylangan mo?!"

"Pwede bang samahan mo si ryan sa supermarket?"

Si Ryan, of all his friends si ryan pa talaga ang pinapasamahan nito sa kanya. Sa lahat ng kaibigan ng kanyang kapatid ito ang pinaka iinisan niya sa lahat dahil bukod sa taglay nitong kahambugan ay hindi rin niya ma-take ang presensiya nito sa tuwing magkakadaupang palad sila. Wala kasi itong ginawa kundi ang inisin at asarin siya. Pinanganak ata ito para sirain ang araw nya.

"Ayoko kuya!"mabilis niyang tanggi.

"Sis naman, May gagawin lang kasi yung ibang tropa kaya walang available para samahan siya, saka isa pa wala na rin tayong stocks wala ng laman yung reff natin. Mag grocery ka na rin."

Dalawa lang kasi sila ng kanyang kapatid sa bahay. OFW pareho ang kanilang magulang. Ang mama nila ay 15yrs. Na nasa london bilang isang nurse gnun din ang daddy nila na isang seaman at naka base ngayon sa england. Kung tutuusin maalwan ang pamumuhay nilang magkapatid sustentado sila ng kanilang magulang financially lahat ng pangangailangan nila ay binibigay ng mga ito ngunit ang pangungulila nilang magkapatid sa magulang ay hindi nila maiwasan. Tanging si manang chaong lamang ang naiwan at nagaruga sakanilang magkapatid mula ng mag abroad ang kanilang magulang, ito ang tumayong ama't ina sakanilang dalawa. Ngunit nagkasakit si manang chaong kaya nagpasya silang magkapatid na pagpahingahin muna ito, meron pa naman silang katulong pero mas gusto ni daine na maging hands on lalo na sa gastusin at pangangailangan nilang magkapatid.

"Mamaya na lang ako maggrogrocery kuya. I'll call sandy para samahan ako."

"Don't be so stubborn daine. Mag ayos kana ng sarili mo at sumama kana kay ryan. His waiting for you outside. I'll give you 10mins to fix yourself." Maawtoridad na boses na saad ng kanyang kuya drei at tinalikuran na siya.

As if she had a choice. Walang magawa si daine kapag ang kuya drei na nya ang naguutos sa kanya, ano pa nga ba.. syempre bunso siya kaya wala siyang magawa kundi ang sundin ito. Ito na rin kasi ang tumatayong guardian niya since wala ang mga magulang nila and She knows kung gaano siya kamahal ng kanyang kapatid kahit madalas ay inaalaska siya nito at ginagawang utusan ay mahal na mahal parin niya ang kapatid and she respect her brother so much.

-----------_______-----_------------------------_------------------------------------------------------------------------------------------

Pagkatapos magayos ng sarili ay lumabas na si daine ng kanyang silid. Simpleng printed shirts at skirt w/ her fav. Jacket lamang ang kanyang sinuot tutal umuulan naman ngayong araw. Nasalubong pa niya si Marco. Isa sa mga kaibigan ng kuya niya.

"Good morning bunso" nakangiting bati nito sa kanya. Bunso ang tawag sa kanya ng halos lahat ng tropa ng kanyang utol. "Ang ganda natin ngayong araw ah." Pambobola pa nito sa kanya.

"Nang uto kapa! Ano bang gagawin nyo dito sa bahay at ang aga-aga nyong mang bulabog?"aniya at Dumiretso siya sakanilang kusina at uminom ng tubig nakasunod parin sa kanya si marco.

"Wala naman. Ngayon lang kasi ulit nabuo ang tropa kaya napagpasyahan naming mag movie marathon. Tutal naman may bagyo kaya walang pasok. Today is a free day bunso."

Napangiti na lamang siya dito. Natigilan silang dalawa ng marinig nila ang malakas na busina ng sasakyan mula sa labas ng kanilang bahay.

"Damn! That man!" Narinig nyang ungos ni Marco. "Nagmamadali na naman yung mokong na yon!. Sige na bunso at nagaalburuto na si ryan sa labas kahihintay sayo. Baka mangagat nalang yon bigla." Napatawa na lang si daine sa sinabi nito. Si marco lamang ang kinatutuwaan niya sa lahat ng kaibigan ng kanyang kapatid dahil bukod sa gwapo ito ay pareho silang iritado kay Ryan.

"Sige Marco alis na ko." Paalam niya.

"Sige ingat kayo sa daan. Pakisabi sa mokong na yon dahan dahan sa pagdadrive."

"Copy."

_---------------------------------

"Damn!" Napamura siya ng makita niyang nasa labas na ng bakuran nila ang sasakyan nila. Kaylangan pa tuloy niyang maglakad sa ulanan para makasakay.

"Bwisit talaga! Bwisit!"

Palabas na siya nang gate nila ng may makasalubong siya.

A man w/ black jacket and black umbrella. Dirediretso ito sa loob ng kanilang bakuran na parang hindi siya napansin.


.............itutuloy.................

The Broken ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon