Unexpected Day!

11 0 0
                                        

Chapter 4

Daine's POV.

Krriiiiiiing...

Krriiiiiiing...

Krriiiiiiing...

Nakapikit pa si daine na inabot ang alarm clock sa kanyang study table sa pagaakalang iyon ang tumutunog. Wala pa kasi siyang balak gumising ang gusto niya ay buong hapon na humiga at matulog, napuyat siya kagabi kalilinis ng mga kalat na iniwanan ng mga mokong na kabarkada nang kanyang kapatid. Nag day off pa naman kahapon ang katulong nilang si mila kaya wala siyang nagawa kundi ang linisin iyon kaysa naman langgamin at bumaho ang kanilang bahay.

Krriiiiiing.... Krriiiiing.... Krriiiiiing.......

Nang hindi tumigil ang ingay ay dun lamang napagtanto ni daine na ang kanyang cellphone pala ang tumutunog. Kinapa niya iyon sa ilalim ng kanyang unan.

Dahil sa sobrang antok hindi na niya nabasa kung sino mang poncio pilato ang nangiistorbo sa mahimbing niyang pagtulog.

"H-hello?"

"Don't tell natutulog kapa sleeping princess?"

Nabosesan niya si sandy.

"What do you want? I want to continue my dreams mamaya na lang tayo magusap." Walang gana niyang sagot dito nanatili siyang nakapikit. Antok na antok pa talaga siya.

"Oh my g- daine! Alam mo ba kung anong oras na? Its already 7am in the morning at meron ka na lang 1hr. Para tumayo dyan sa higaan mo maligo, kumain, fix your things at bumiyahe para hindi ka ma late sa klase natin ngayon kay Mr. Augustine. Pero kung gusto mo makakuha ng singko sa class card mo sa dami ng late mo sa social science subject natin ay sige matulog ka na lang ulit ng mahimbing."

Mahabang litanya sa kanya ni sandy. Pakiramdam ni daine ay biglang sumakit ang ulo niya sa haba ng sermon sa kanya ng kaibigan para kasing nanay niya ito kung pangaralan at sermunan siya.

Pero tama naman si sandy ea. Sa dami ng late niya sa klase ni Mr. Augustine hindi malabong ibagsak siya nito. Masungit at strikto pa naman ang profffessor nilang iyon.

She smirk. "Oo na tatayo na po ako inay."

"Good! See you in school besty bye." Sagot nito at nag end call na.

Tinawagan lang siya ni sandy para gisingin. WTF!

Kahit inaantok pa ay pinilit ni daine na bumangon sa kanyang kama at pupungos pungos na lumabas ng kanyang silid. Nauuhaw siya iinom muna siya ng tubig bago maligo.

But her eyes wide open ng mapansin niya kung sino ang nakaupo sa sofa nila at matamang nakatingin sa kanya. Her blood extremely rushed to her vein. Biglang nagising ang diwa ni daine as in gising na gising.

F-frank?!

Hindi siya maaring magkamali si frank nga ang nakaupo sa sofa nila.

Bigla niyang naalala ang kanyang suot. Maikling shorts and sattin spaghetti dress na nakababa pa ang isang strap sa kanyang balikat na hindi na niya nagawang ayusin kanina dahil sa sobrang antok. Nakapantulog pa pala siya, kaagad niyang nayakap ang kanyang sarili. Parang gusto na lang niyang maglahong bigla.

Gosh! Nakakahiya. napaka revealing pa naman ng suot niyang pantulog at hindi pa siya naghihilamos ano na lang ang itsura niya ngayon!

Dahil sa pagkahiya mabilis na bumalik sa kanyang silid si daine. Nanlalambot na napasandal siya sa likod ng pintuan. Ang init ng kanyang pisngi.

What he is doing here?!

Ang aga naman yata nitong pumasyal sakanila.

Daine try to calm herself. Ano naman kung nakita siya nitong bagong gising. Isn't a big deal! Saka bakit ba siya natataranta? Isa lamang si frank sa mga mokong na kaibigan ng kuya drei niya, hindi naman ito artista or VIP para mahiya siya.

But her heart refused ang lakas lakas ng tibok nito na parang mabibingi siya. Nagtataka na si daine sa kanyang sarili. Di na niya alam kung anong ngyayari.

_____________________________________

Bago lumabas si daine ng kanyang silid, sumilip muna siya sa sala kung naroon pa si frank.

Nakahinga siya ng maluwag ng makita niyang wala roon ang lalaki.

Thanks god.

Pero para siyang tuod na natigilan ng makita niya sa kanilang dining table si frank kasama ang kanyang kapatid.

"Oh! Daine. Ano pang tinatayo mo dyan?" Si drei. "Come here and join us. Meron din akong hihingin na favor sayo."

"A-ahmmmn. G-good morning." bati niya sa dalawa.

Para siyang timang she can't control herself from being paranoid.

She sit beside her brothers chair. Kaharap niya si frank kaya hindi siya makaupo ng diretso. Naiilang talaga siya dito dahil sa nangyari kanina.

"I want to ask you a favor daine."

Napalingon siya sa kanyang kapatid.

"What is it kuya?" Pinilit ni daine na pakalmahin ang kanyang sarili. Nagsalin siya ng tubig sa kanyang baso. Pakiramdam niya lalong nanunuyot ang kanyang lalamunan dahil sa presensiya ni frank sa kanyang harapan.

"Pwede bang samahan mo tong si frank sa school nyo?"

Muntik na siyang masamid dahil sa sinabi ng kanyang kapatid.

"H-huh?!"

Sana nagkamali lang siya nang dinig.

"Sabi ko pwede bang samahan mo tong kaibigan ko sa school nyo." Paguulit nito.

"A-ano siya don?"

"Mag e-enrol." Frank says.

Muli para na naman siyang mawawala sa kanyang sarili. Of all universities bakit sa school pa niya nito naisipang pumasok? kapag nagkataon magiging school mate pa sila ni frank.

Napatingin siya sa binata. Assual blanko na naman ang itsura nito.

"P-pero July na ngayon baka hindi kana tanggapin?"

"My mom already call your school registrar at pumayag silang mag enrol ako bilang late listing student."

Sa wakas. Medyo mahaba haba ang sinabi nito ngayon.

"That's great! Daine will accompany you to their university pre. Diba sis?" Wika ng kuya niya.

Teka pumayag na ba ko?!!

"If she's not available? Then I'll go by myself." Frank says in a calm but cold voice.

Bigla naman siyang nahiya sa binata "n-nope! S-sige sasamahan kita." Pagpayag niya.

"Thanks sis. The best ka talaga." Kuya pa niya ang natuwa sa halip na si frank.

She smiled.

............itutuloy...............









The Broken ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon