Chapter 3
Daine's POV.
Ngayon lamang niya nakita ang lalaking iyon. Sigurado si Daine, hindi ito kabilang sa mga kaibigan ng kanyang kapatid. Ngunit patungo ito sa kanilang bahay. Sinong kaylangan nito sa bahay nila?
"Hey! Mister!" Tawag pansin niya sa lalaki ngunit tila hindi yata siya nito naririnig at patuloy lang ito sa paglakad.
"Hey! Sino bang Kaylangan mo dyan?" Muli nyang tanong dito ngunit di parin siya pinansin ng lalaki. Nagsisimula na siyang mainis. Hahabulin niya sana ang estranghero nang may matapakan siyang bato dahilan upang matumba at mapaupo siya sa daan.
And the next thing she knew nakalapit na sa Kanya ang estrangherong lalaki at pinayungan siya. She paused for a second dahil ngayon lang niya nasilayan ng mabuti ang mukha ng lalaki sa kanyang harapan.
Ang gwapo pala nito sa malapitan kahit ka pansin pansin na wala kang mababakas na emosyon sa mukha nito. Biglang bumilis ang tibok ng puso ni daine. Pabilis ng pabilis habang pinagmamasdan niya ang kaharap.
"Next time be careful miss." Anito sa malamig na tinig. Tinulungan pa siya nitong tumayo.
"Hoy! Daine bat ba ang tagal-tagal mo? Ano pa bang ginagawa mo dyan?" Lapit sa kanya ni ryan. Siguroy nainip na ito kakahintay sa Kanya.
Hindi niya ito sinagot masyado siyang nahumaling sa pagtitig sa gwapong mukha ng estranghero niyang kaharap.
"Ryan." Narinig nilang bigkas ng lalaki.
Tila nagulat naman si ryan ng makilala kung sino ang nasa kanilang harapan.
"Oh! Shit! F-frank!" Bulaslas ni ryan. "Is that really you?" Mukhang hindi pa makapaniwala ito sa nakikita. "Walanjo! Kaylan kapa dumating! Namiss kana ng tropa. I'm glad you back."
Pansin ni daine na mukhang matagal na ngang kakilala ni Ryan ang lalaki.
"last week." Walang emosyon nitong sagot.
Lumapit si Ryan sa kaibigan at tinapik ito sa balikat.
"I hope ok. Kana pare."
Parang may laman ang mga salita ni ryan na yon.
Hindi naman sumagot si frank at timingin lamang sa kaibigan.
"By the way frank si daine nga pala girlfriend ko." Pagpapakilala sa kanya ni Ryan na ikinagulat niya.
"Hoy! Anong girlfriend ang pinagsasabi mo dyan?! Nakakadiri ka! Neck neck mo!" Inis na sigaw niya dito. Nagsisimula na naman ang mokong nato na sirain ang araw niya.
"Relax hon. Papangit ka nyan!" Nakangisi pa na sagot nito sa kanya.
"Nice to meet you daine."
Natigilan siya nang marinig niya ang boses ni frank.
"N-nice to meet you din f-frank?" Buong tamis na ngumiti siya sa binata.
Buong akala niya ay ngingitian din siya nito ngunit wala man lang reaksyon ang lumabas sa mukha ng lalaki. Nanatiling blangko ang mukha nito.
Weird...
"Daine sumakay kana sa kotse at ihahatid ko lang si Frank sa loob." Utos sa kanya ni Ryan. "Let's go pre. Sigurado matutuwa ang tropa kapag nakita ka." Sinamahan na nito ang kaibigan gang sa loob ng kanilang bahay.
Naiwang tulala parin si daine. Frank took her curiosity. Anong problema ng lalaking yon at wala man lang siyang emosyon na mabasa sa mukha nito. Ni hindi nga nito nagawang ngumiti sa kanya. And his eyes. Theres something about in his eyes. Hindi niya lang masabi sa ngayon kung ano yon. Pero may kakaiba siyang napansin sa mga mata nito, something strange and unexplainable.
Muli na namang naramdaman ni daine ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso.
What's wrong with you daine salazar? Nakakita ka lang ng gwapong walang emosyon nagkakaganyan kana!
Para siyang timang na sita niya sa kanyang sarili. Naipiling niya ang Kanyang ulo.
Kulang ka lang sa tulog daine.
Tama malamang kulang lang siya sa tulog kaya nakakaramdam siya ng weird feelings para sa frank na yon.
________________________________________________________________________________________________
Pagdating nila ng bahay ni ryan galing supermarket ay kaagad na hinanap ng paningin ni daine ang misteryosong lalaki ngunit hindi ito mahapulap ng kanyang mata.
Umuwi na kaya siya?
May panghihinayang pa niyang tanong sa kanyang sarili. Nagulat pa siya ng biglang sumulpot si Ryan sa kanyang harapan.
"Hinahanap mo si frank ano?" Panunukso nito sa kanya. Inirapan niya lamang ito. Wala siyang balak sirain ang natitira niyang araw para sa kumag nato.
"Wala na siya. Umuwi na raw."
Napatigil siya sa pagaayos ng kanyang pinamili.
Ang bilis naman nyang umuwi.
"May pupuntahan pa raw kasi." Parang nabasa ni Ryan ang nasa isip niya.
"Ano bang kaylangan mo at iniistorbo mo ko dito sa ginagawa ko?" Pagiiba ni daine ng usapan.
"Wala lang. Hindi ko kasi gusto yung pinapanood nila kaya ikaw na lang ang panonoorin ko dito. Ayos ba?" Presko nitong sagot sa kanya at ngumisi pa.
"Alam mo ryan kung mang iistorbo ka lang ea. Lumayo kana sakin kasi marami pa kong gagawin." Pagsusungit niya sa lalaki.
"Then I'm willing to help you. You know naman that I'm willing to do everything just for you hon." Anito sabay kindat pa sa kanya.
Kinilabutan siya sa iginawi ni ryan. Kundi lang nya alam na former playboy ang mokong nato ay naniwala na sana siya sa mga kabaduyan na sinasabi nito sa kanya.
Actually gwapo naman si ryan ea. Chinito type, mayaman at may pagka gentleman din kung minsan. Minsan lang talaga dahil madalas ay nahahambugan siya sa dating nito. Lalo na kapag pinagmamalaki nito sa kanya ang taglay nitong kagwapuhan na hindi naman effective sa kanya kahit ano pang pagppagwapo ang gawin nito sa kanyang harapan.
..........itutuloy.............
(Guys! Sana naman mag comment kayo kung msgustuhan nyo yung story ko. Alam nyo na baguhan lang kaya gusto kong malaman yung reaction ng readers ko. Yun lang po salamat.)
BINABASA MO ANG
The Broken Man
HumorHe has everything A good life. A happy family, Money, popularity. A beautiful and loving girlfriend. Wala na sana siyang mahihiling pa dahil pakiramdam ni frank Delgado ay ibinigay na sa Kanya ni bro ang lahat, not until the tragedy comes to his l...