14: Sorry

43 2 0
                                    



Track 14


Shit shit shit! What am I doing?

"Sorry." I slightly moved away from Mikkos in an instant when it dawned on me that I was hugging him. Nakakahiya! Baka kung ano na lang ang isipin niya. Kesyo taking advantage ako.

I kept my head bowed down as I couldn't look at him but I kept holding on his shoulders. Not that I don't want to let him go but because I'm afraid to get drowned.

This is 5 feet for fries' sake. Remember, hindi nga umabot ng 5 feet flat yung height ko? Ni hindi ko mailapat ang paa ko sa tiles ng swimming pool.

"Hanggang ngayon, hindi ka pa rin marunong lumangoy?" He asked in whisper, chuckling. He sounded so amused. I felt my cheeks burn. Aba teka! Hindi ko alam kung maasar ako o ano. Mabuti na lang gabi na, he wouldn't notice how red my face was now.

"Hanggang ngayon, bully ka pa rin." I told him back, frowning. I tried to hide my embarrassment. Nakakainis!

Hindi yata inasahan ni Mikkos na sasagot ako pabalik dahil bigla siyang sumeryoso nung tumingin ako ako sa kanya. He was just staring back at me. Napalunok tuloy ako. His stares are starting to make me uncomfortable so I looked away.

I then caught Lawrenz's eyes. Seryoso siyang nakatingin sa amin. For a second I thought he's gone in a bad mood, mabuti na lang ngumiti siya kaya nginitian ko rin siya. He swam his way towards us.

"Are you okay?" Tanong niya ng makalapit siya. Bakas sa boses niya ang concern.

"Uh, yeah." sagot ko sabay tango. Bahagya akong lumingon kay Mikkos nang maramdaman kong lumuwag ang pagkakahawak niya sa akin. Nakatingin siya kay Lawrenz. Muli kong ibinalik kay Lawrenz ang tingin ko nang hawakan niya ako sa braso. Nakatingin lang din siya kay Mikkos.

I don't know why but it suddenly felt awkward. It's as if they're measuring each other. Mabuti na lang, madaldal itong si Josh and he broke the silence.

"Eimee, kelangan mo ba ng CPR? Halika, I'll volunteer." He slowly moved his way to us at saktong namang nang makalapit ito, nakatanggap ito ng batok mula kay Lawrenz.

"Sira ulo."  Sinabuyan ng tubig ni Lawrenz si Josh sa mukha gamit ang kanang kamay niya habang ang kaliwa eh nakakapit sa akin. He was grinning from ear to ear.

At syempre dahil maloko rin yung isa, gumanti ito at sinabuyan rin kami ng tubig. Water splash fest tuloy ang nangyari dahil sa nag-gagantihan lang sila hanggang sa nakisali na rin yung iba. Hay boys.

Yung girls naman, tawa lang ng tawa. Natawa na rin ako habang pinapanood sila. Kahit paano naman, nawala na yung takot ko kanina.

Mabuti na lang rin at sinasangga ni Lawrenz ang mga tubig kaya hindi ako natatamaan. Hindi rin niya ako binibitawan. He was like a knight-in-topless. Haha.

He looked so...uh hot. Parang kung gaano kainit itong tubig ng swimming pool. Hindi sa pinagnanasahan ko itong si Lawrenz ha pero wala talaga akong ibang adjective na magamit ngayon. Ang puti-puti pa nya! Mas maputi pa sya sa akin. Singkit x maputi x sporty. Saan ka pa?

Pero minsan nakakalimutan ko kung gaano ka-gwapo itong si Lawrenze, eh. I mean, he's really attractive kahit saang anggulo mo tingnan, pero ewan ko ba, madalas ang nakikita ko sa kanya eh yung kababata ko at hindi yung Lawrenz na saksakan ng gwapo at habulin ng mga chicks.

"Tama na guys. We're gunna play pa." Pumagitna si Cassy para awatin na yung mga lalaki. Tumigil naman ang mga ito. Saka ko lang napansin na wala na si Mikkos. He was at the poolside now, looking anywhere but us.

EMILYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon