17: That's Mine

60 3 0
                                    

Track 17

And just like that, natunaw ang inis na nararamdaman ko. Isang sorry lang, wala na. It's always been like this. Isang sorry lang and I'm good.

I don't know if this is a good thing or bad thing.

But wait.

I then realized, hindi naman siguro ako yun. Wala naman siyang binanggit na pangalan. Bawal ang assuming. I reminded myself.

When I convinced myself na hindi naman ako, I shrugged at nagpatay-malisya ako. "Luh, wala namang sinabi na pangalan. Di ako yan." Sabi ko saka muling bumalik sa paghahanap ng damit ni Chi sa closet ko. Ayun! I found it.

"Awww. Have you talked to her?" Dinig kong tanong ni VJ Asha. "Teka, ano ba to? Friend mo? Or girlfriend?" Medyo mapang-asar na dagdag nito na siyang bumasag sa pagka-seryoso nung atmosphere. Nagtawanan kasi ang mga kabanda ni Mikkos. Hindi ko tuloy napigilang manood. I watched through my peripheral vision.

"She's a..." He paused na waring nag-iisip, the camera focusing him in a medium shot.

Napakunot ang noo ko. He looked like an angel or something when he's not talking. Hindi man siya palangiti, his good looks is not betraying him. Iisipin mo na pala-kaibigan siyang tao eh.

"A what?" VJ Asha followed up habang nakangiti. There was a hint of teasing with how she asked him.

Lalong kumunot ang noo ko nang hindi makasagot agad si Mikkos. Teka, ba't ba sobrang curious ako kung kaano-ano niya yun? Ano naman ang pakialam ko eh hindi naman ako yun?

"Childhood crush niya!" Napabalik ang atensyon ko sa TV nang marining ko ang boses ni Gewald. He has was grinning from ear to ear. Yung mga kasama naman nila sa studio, naghihiyawan na. Maybe the staff on the background.

"Ayiiiiiiie! Talaga ba?" Kinikilig na tanong ni VJ Asha doon sa mga kabanda ni Mikkos. Gewald was laughing hard habang nakapulupot sa leeg niya ang braso ni Ran na waring nirerendahan nito sa kadaldalan niya.  Maingay na rin sa studio dahil sa live audience nang mag-pan ang camera sa mga ito.

Meanwhile, my stomach suddenly had butterflies in riot. Pakiramdam ko pati, nag-init ang buong mukha ako and at the same time binuhasan ako ng malamig na tubig.

Teka lang, ba't naman ganto ang reaksyon mo eh hindi naman ikaw yan? Childhood crush ka ba? Di naman di ba? Enemy ka?

I scolded myself inside my head.

"Hoy ba't namumula ka dyan?!" Sigaw ni Chi habang nakaturo sa akin at abo't tenga ang ngiti.

"Uyyy, nabanggit lang na childhood eh..." Pang-aalaska pa ni Bien.

Automatic naman akong napahawak sa pisngi ko kaya lalong tumawa yung dalawa.

"Ay beh, wag mong hawakan. Tumingin ka sa salamin!" Lumapit sa akin si Bien habang natatawa saka ako hinila papunta sa tapat ng full body sized mirror ng kwarto ko. Truth be told, ang pula nga ng mukha ko. Mukha akong kamatis!

"Wala, mainit lang kasi. Kapagod hanapin yung damit ni Chi."

"Sus, neng. Nahiya ka pa. Parang di ka namin kilala." Bien waved her hand dismissively. Napayuko ako sa hiya. Shit. Ba't naman ba kasi ako nagba-blush eh hindi naman nga ako yun!

Tuloy-tuloy naman ang pagbibiro sa akin ng dalawa.

"Tama na. Oo na." Tinakpan ko ang buong mukha ko gamit ang mga kamay ko.

Tawa pa rin ng tawa silang dalawa kaya sumimangot na ako nang mag-alis ako ng kamay.

"Tama na nga. Di na nakakatuwa." Sabi ko sa dalawa at padabog na tumalikod sa kanila saka ako dumapa sa kama at nagtakip ng unan sa sarili ko.

"Hala ka, nagtampo na. Kulit mo kasi." Narinig kong pagsisiham nung dalawa. I know they were just kidding and you might think na asar-talo ako pero ayoko lang na nagiging tampulan ako ng tukso. Lalo pag ganyang tinutukso nila ako kay Mikkos. Sino bang di maiinis?

Naramdaman kong may lumapit sa akin pero hindi ko pinansin. I'm not sure kung sino sa dalawa pero alam naman nila mawawala na rin 'to mamaya so they didn't do anything.

Until I felt Bien shaking me tapos nagsasalita siya ng mabilis na hindi ko ma-gets. "Omg! Eimee, bumangon ka dyan, tumingin ka kay Mikkos, bilis!" She exclaimed.

"Huy, wala bang pause tong TV? Eimee, tumayo ka diyan!" Narinig ko ring sabi ni Chi. Sensing the urgency in her voice, bumangon ako at tumingin sa kanila. But I looked daggers at them. Hindi ko na kasi naririnig kung ano man ang pinag-uusapan nina Mikkos sa interview.

"Bakit ba?" Nakakunot ang noong tanong ko sa kanila. They both looked they've seen something that surprised them.

"Wait lang. Pag natapat na ulit kay Mikkos yung camera." Chi said. Lalong kumunot ang noo ko at ngayon, may halo pang simangot. Nasa buong banda naman kasi ang focus ng camera. At tumutugtog na sila ngayon. I looked at them impatiently.

"Ano? Wala naman eh. Pag ito para lang asarin ako, sinasabi ko sa inyo." Umayos ako ng upo sa kama.

"Wait lang. Wait. Come on. You won't believe this." Bien said as she motioned me to come over them.

Tumayo ako at lumapit sa TV. Sumakto naman na naka-focus na kay Mikkos ang camera habang kumakanta siya. Agad namang itinuro ni Bien ang bandang leeg ni Mikkos pero biglang nag-zoom out ang camera tapos nag-switch ang monitor sa camerang nakatapat sa gitara ni Ran.

"Ano ba naman yang camera man na yan! Wag kasi ialis kay Mikkos!" Pagrereklamo ni Bien.

"Yaaaaan!" As if the cameraman heard Bien, the focus went back to Mikkos. Chi immediately pointed the part of Mikkos' neck and there I saw it. I had to blink twice just to check if I'm not hallucinating. Kahit na mga limang segundo lang siguro yun, I'm pretty sure that's mine!

Nanlaki ang mata ko nang makita ko ang nawawala kong guitar pick na naka-pendant sa kwintas niya. It's no longer on my personalized black lace. Yung naiwala kong kwintas sa Drop B's. Mukhang inilipat niya ito sa isang silver necklace. Peri hindi ako pwedeng magkamali. I know it was mine. Wala kasing katulad ang pagka-silver ng pick na yun at may naka-engrave yung initials na AH sa gitna.  Hindi ko man nakita mismo yung naka-engraved, sigurado akong sa akin yon. Ramdam ko. Kumbaga parang may lukso ng dugo.

Nagkatinginan kaming tatlo na parang nag-uusap kami. How come we forgot about it, especially me?

xx

Yung post-concert depression na mahigit isang linggo na lol. Hindi pa ako maka-move on sa mga concert. Pati bulsa ko di pa rin maka-move on. Hahahaha! Kaya yung update sobrang late na and a very short one pa lol. Sorry naman.

EMILYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon