07: For a Cause

94 3 5
                                    

Track 07

The second semester was going by too fast. Parang nung isang araw lang, pino-problema ko pa yung pagkuha sa kwintas ko-hanggang ngayon pinoproblema ko pa rin!

At take note, magpe-prelims na!

What ever happened with my talk with Ran, you might ask? Ayun, sabi niya i-check niya raw kay Mikkos kasi wala raw siya nung time na yun at nag-restroom siya. Wala naman daw nabanggit yung isa tungkol dun.

Hanggang ngayon hinihintay ko pa rin kung ano nang balita. Although nagkakausap at nagkaka-kwentuhan naman kami ng kung anu-ano, ayoko namang mangulit.

And I know he's pretty busy because according to him, they're starting to record their sophomore album. Baka naman sabihin niya napakakulit ko kahit na deep inside eh hindi ako mapakali na wala yung kwintas na yun sa akin.

Sana lang hindi niya makalimutan dahil siya na lang ang tanging pag-asa ko. Unless maging close kami ni Mikkos-na suntok naman sa buwan at malabo pa sa Ilog Pasig na mangyari.

So here I am, waiting in vain. Parang yung paghihintay ko sa pagdating ng prof namin sa Development Communication.

Kanina pa ako dito sa faculty room ng Liberal Arts and Sciences pero ni anino nung prof namin, hindi ko pa nakikita.

One hour ago, sabi niya sa text parating na siya. Tadaaaah, wala pa rin.

Haaaaay. The waiting game is strong.

Nag-facebook na lang ako sa phone ko habang naghihintay. I was browsing the feed when I saw Carbon Stereoxide's page uploaded a bunch of photos which were from Yellow Light Fest.

It made me feel nostalgic. Wow. Tagal na nito ah. More than a month na rin pero yung feels parang kahapon lang.

Tiningnan ko isa-isa yung pics. Mostly naman shots nila during their performance but one photo caught my eye that made my world suddenly flipped.

It was a photo of me and Mikkos while we sing a part of Kickstart My Heart. A bust shot where Mikkos was looking at me-smiling-and so do I.

There's something with this photo I couldn't tell but if probably it wasn't me on it, I could say that they got it! I hate to admit it but why we looked so sweet? I didn't know how else I'll describe it as it rendered me speechless.

Kahit na ayoko, my heart started a mosh pit. Holy macaroons! Bakit ako kinikilig by just looking at it?! Hindi ako pwedeng kiligin. Noooooo!

"Eimee?"

Napalingon ako sa taong tumawag ng pangalan ko. A very familiar tall figure came closer to me while grinning pero bigla din naman yung nawala at napalitan ng simangot nang makalapit siya sa akin.

"Ok ka lang?" He suddenly asked, concerned all over his face.

"Uh, yup. B-bakit?" Hindi pa ako agad nakasagot dahil natuyo yata bigla yung lalamunan ko.

"Ang pula ng mukha mo." Sagot ng tao sa harap ko at hindi pa rin naaalis ang kunot sa noo niya.

Agad akong napalingon sa glass sliding door sa faculty room para tingnan ang reflection ko, and true enough ang pula nga ng mukha ko. Mukha akong galing sa arawan!

"Ahhh. Wala. Wala lang 'to." I shook my head. Ano ba naman yan, dyahe.

Nagulat naman ako nung umupo siya sa tabi ko at dumungaw sa cellphone ko. Bigla akong naranta pero mabuti na lang at napindot ko agad yung home button. Whew. Muntik na. Paniguradong aasarin ako nito kung nakita niya yun.

EMILYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon