ONE: Flyers

18 1 0
                                    

Schoolworks are always stressful. Ang galing no? Intro pa lang, problema na. Pero di ba. Let's face the reality; hindi naman lahat perpekto lalo sa umpisa. Eh.

"Jess, get this. Hannah, work on that..." I pointed those objects na they should pick up after the class. I told Jess to get the plan and map kung saan mabibili ang materials. Si Hannah naman sa design. I told them to work on this project for now kasi I have a make-up duty at the conference office. Scholar kasi ako ng university na to and I had some absences these past days. Naconfine ako for two days dahil nagkasakit ako. I feel better na naman ngayon.

Iniangat ko ang tingin ko nang may narinig akong kumatok sa pinto. Ako lang ang nakarinig using may supersonic ears (hahaha) kasi busy ang blockmates kong magdaldalan.

Isang babaeng mistisa with a curly hair ang bumungad sa akin. "Yes?" I asked.

"Uhm, miss. Do you know Kyrie Ava Zoela?"

"Po? I'm Kyrie Ava Zoela, what's up?" Eh mukha namang kaedad ko siya ah.

"Pinapatawag ka sa office."

I gasped at nashock. Pero siyempre joke lang. "Ohmygod! Paparusahan ba ako ni sir Dante?? I will not commit absences again I promise!! Do I have to create a promissory note? Magmemakeup duty na lang po ako please! Wag niyo po ako ipakain sa leooooon" Fake tantrums. Hahaha. OA langs.

"Ay naku, ate. Mabait naman si sir Dante. He wants you to go to the office kasi he'll give you something."

"H-ha? Ano naman yun?"

"I think it's for the upcoming school program. Di ko lang alam ang specific task na ibibigay sayo." Wow. Task. Kuya Dante, ikaw na ba yan?

I looked back and heard na di makakarating ang professor namin sa Physics kaya naman uwian na. 5:30pm ang last namin.

"Okay, let's go." I smiled at her at sabay na kaming naglakad papuntang office. "By the way, you called me "ate", right? How old are you na ba?"

"14 po. I'm Regine." She's a very good looking girl at medyo mahinhin.

"Kumakanta ka diba?" I chuckled.

"Opo." Luh. Biniro ko lang e. Well atleast nalaman ko. Haha.

"Ngayon lang kita nakita, are you new here?"

She smiled and here dark blue colored braces showed up. "You can't see me around the campus, ate, kasi di po ako pala-lakad atsaka andun po ako sa HS department. High School pa lang po ako."

"Ay so galera ako ganon?" We both laughed. Close na us hihihi.

Girl crush. Ghad. She's so beautiful.

**

I thought Kuya -- este sir Dante would get mad at me for being not around without permission. Yun pala... Oo nga he got mad at me. *feeling down* hays. Haha joke. Konti lang. Pinagbigyan niya daw muna ako dahil bago pa lang kasi ako..

Binigay niya sa akin ang 100 copies ng flyers. Part time job? Naaahhh. Para sa fun run activity and battle of the bands na magaganap dito sa campus next, next week. Foundation day din kasi.

I took it home muna kasi it's almost 6pm at halos nag-uuwian na rin ang ibang students kaya bukas ko na lang ipapamigay.

By the way, namimigay na lang kami ng flyers kasi most of the students are too lazy to look and read the announcements on the bulletin boards. Unless it's a list of dean's listers or board exam passers, of course we have to post it at the boards.

**

"C'mon, Kissy. Wag ka naman na magtampo oh.. Please?" Mag-iisang oras na kami dito sa coffee shop pero halos di ko pa nakalahati ang order ko. I spend my whole time on seeking my best friend for understanding. Medyo nawawalan kasi ako ng time sa kanya because of our school project, plus yung trabaho ko sa office, at malapit na rin ang first term exam. "We can go out next time.."

"Ky naman iiihh. Why can't we bring back our bond just like when we're in HS?.."

"Kissy... Hindi na tayo high school.. Please understand na our lives today will not be the same as when we were younger... We have so many things to work at pa and alam kong di rin natin kakayanin sa huli na pagsisihan na inuna natin ang pagliliwaliw kaysa sa responsibilities natin dito sa school.." Halos maiyak na siya sa lungkot. I held her hands and look straightly to her eyes. "College na tayo, Kiss. And exams are approaching. Magfocus muna tayo dun.. I promise, I'll make it up to you after these stressful activities." I gave her a cheerful smile, sa wakas ay nagliwanag na uli ang mukha niya.

"Promise mo yan Ky, ha?"

"Magpirmahan pa tayo if you want." I finally cheered her up again at inubos na rin namin ang pagkain.

We went back to school at dahil may natitira pa akong 1 hr and 30 mins vacant kaya naman nagdistribute na uli ako ng flyers. Kiss helped me. :)

Napunta kami ng marketing department, namigay ng flyers.

A group of guys approached us. Lima sila. Isang with braces na with black earings. Isang with glasses at rosy cheeks . Dalawang naka-Angular Fringe haircut, at isang... Simple lang. Katamtaman ang kulay ng balat, thin lips, round and bright eyes, not-so-deep dimple, and brushed up haircut.

They stopped in front of us. Ohmygod. What to do? What. To. Do. ?

Syempre kakabahan ka kung ang kaharap mo mga hotties. Hmp.

Ngayon lang ako lumandi pagbigyan niyo naman ako.

"Hey ladies!" Bati nung nakabrace.

"Hi," ngiting-ngiti namang sagot ni Kiss. Aish. 'Tong babaeng to oh. "I'm Kiss Saldaña. 17, Tourism student." 101% smile ang lola niyo sabay abot ng kamay for shakehands.

He smirked with matching wink pa. Walang duda. "Hi Kiss, beautiful name huh, beautiful as your face." Hinaplos niya ang cheeks ni Kissy!! Ohmigod!! Kilig na kilig naman ang lola.

I gave her a sharp look. "Stop that, Kissy." I whispered while giving her a glare. "Uhm.. Excuse me, where only here to distribute these flyers from the office." Parang kanina lang kinikilig ako sa kanila, ngayon nasasagwaan na. Hahaha. Sorryna.

I gave the last pieces of papers on my hands to them kasi I thought it's exact five pieces. Tumalikod na kami nun nang marinig namin...

"Whoa dude.. Kulang ng isa.. Sad life awwww.." I looked back and checked them. "Miss, wait lang.. Kulang ng isang copy.." Tapos nagpaawa sila. Like a puppy look. "'Di ka ba naaawa sa kaibigan namin? ... Wala siyang copy... Sad na siya..."

Napa-irap na lang ako. Pabebe pala ang mga ito. "Who among you doesn't have a copy?"

Sabay-sabay silang nagturo. "Siya."

...

..

Siya.

Downright SerendipityWhere stories live. Discover now