THREE: Hello

13 1 0
                                    

Music's still playing, my eyes' not blinking, and time stopped ticking.

"Ky, close your mouth(!!)"

"H-haaaa??"

"I said close your mouth! Nakakahiya >_<"

I faced her and wondered. "Bakit?" Sumenyas ang mga mata niya sa likuran ko. That's why I tuned to my back and...

"Hello.."

...

..

His smile.

His eyes.

His nose.

Perfection.

"H-hello." I smiled back. Eneber Ky, umayos ka!

Nilingon ko ang mga kasama niya and I caught them laughing.

Namumula ata ako.

Nanahimik na nga lang ako.

I looked at Kissy and she's laughing too. Too hard.

"Aiiiish." Panggigigil ko. Nakakahiyaaaaa.

Sandaling nanahimik ang paligid. Then the guy beside me started talking again. "Uhm, miss.. Ikaw yung flyer girl diba?" His friends laughed kaya naman tinitigan ko sila ng masama.

"Flyer girl?!" Kumunot ang noo ko.

"'To naman si Flyer girl, ang sungit. Joke lang." Singit nung nasa dulo, the one with the braces. Ramdam ko mula sa dulo ng mga kuko ko sa paa hanggang tip ng hair na kilig na kilig si Kiss. She heard his voice again eh. I bet she's having a mind party right now.

Napailing na lang ako. "Why are you asking(?)" Cold kong sabi. Pero deep inside.. Let's parteeeeehhhhh!!!

"I just wanna know you. Is it okay?" Hindi muna ako nagsalita. Parang lumipad ang isip ko. "Ako na lang ang mauuna if you want.. I'm Hunter. Hunter Brennan." He offered his hand for a handshake, and I'm having a debate in my mind kung aabutin ko yun o hindi.

Half of my mind says Sige na! Grab the chance na Kyrie! Haba ng buhok mo oh! And the half says Nangyayari naman ang lahat sa tamang panahon. Kaya magpakipot ka muna.

Kiss slapped my shoulder and gave me a sige na!!! look.

Sige na nga! Grab the chance na! Minsan lang to.

"Kyrie. Kyrie Zoela." I smiled and took his hand.

Ang lamig. Ang lambot.

Akala ko huling moment ko na yun. Hindi pa pala.

His friends waved their hands tapos nagpacute ng sabay-sabay. "Hi Kyrieeee :D :D"

"I'm Ken." Pagpakilala ng lalaking naka-Angular Fringe haicut na may super cute na cheeks.

"I'm Ron." Parehas sila ng gupit ni Ken, mata naman ang kapansin-pansin sa kanya.

"Gavin." At sumenyas ng 'hi'. Siya yung may glasses at ang pinakababy face sa kanila.

Ang last but not the least, "Ako naman si Migo." ang naka-brace. "Hi Kiss ^_^" Sabay pabebe wave. Ang weird niya. Promise.

"Hi Migo.." Sabay beautiful eyes.

Ah mali, mukha siyang nababaliw na sinasapian.

Binuksan ni Ken ang malaking size ng Nova, kumuha ng mga kasya sa buong palad niya, tsaka inoffer sa amin. "Anong course niyo?" Tinanggihan ko yun. Masakit pa kasi ang ngipin ko dahil sa tumutubong wisdom tooth. Si Kiss ay kumuha ng dalawa.

Kung kami lang magkasama niyan, siya na ang magbibigay sa akin ng dalawa tapos kukunin niya na yung buong pack. Secret lang ah.

"Tourism." Sandali lang ang ngiti ko. Shy type daw. Hahaha.

"Sabi ko sayo bro, Tourism eh! Ayaw mo maniwala hays." Minsan di ko alam kung nagbibiro si Migo o hindi.

"Wala kang sinabi." Sabay subo ng chips na nasa palad niya.

"Kasasabi ko lang. Atsaka I've asked that to miss Kiss before. Remember nung nasa taas tayo?" Dumekwat siya ng piraso ng Nova sa kamay ni Ken tsaka sinubo at dumaan sa dila niya tapos sa esophagus tapos nasa tiyan niya na. "Mga bro, di naman kasi porket palabiro eh nagbibiro na lagi." He leaned on Hunter's shoulders at tuloy-tuloy pang humugot.

"Stop it Migs, nasusuka ako sa mga sinasabi mo." Hunter interrupted tsaka naggiggle causing Migo to sit properly.

"Uhm guys, I'm sorry but we need to go.." Tumatawag na kasi si mama. "Tara na." I whispered to her sabay grab ng arm niya at bag ko.

"Wait, girls, where are you going?" Ron asked.

"Home." I answered sabay tingin sa oras. "Gabi na kasi."

"Hatid ka na ni Hunt- hatid namin kayo." Gavin offered.

I'm not sure if I'll accept it. Kasi naman. Kakakilala lang namin sa kanila. We know their names but when it comes to their personalities, strangers pa rin sila. Duh. Dalawa kayo noh. Dalawa kayong magdesisyon.

Minsan di ko nagugustuhan ang bulong ng konsensya ko. Haha.

Grabe naman ako mag-isip. Baka naman mabubuting tao sila..

Eh paano kung hindi?

My phone vibrated, so I checked the message and it was Kiss. Magkalapit na nga kami, tinext pa ako.

Kissy: Say Yes, bitch. *wink emoji*
6:24 PM

I stared at her na may pag-aalangan. Nilingon ko na lang uli ang guys. Naghihintay sila ng sagot.

"No, it's okay. Baka maabala namin kayo." I smiled. "Kaya naman namin umuwi mag-isa."

"Ng ganitong oras?" Cold na ranong ni Hunter while his arms are crossed to his chest and leaning on the chair. Kelan pa pala siya naging cold? Ang hot niya kaya. Then the boys started looking weirdly at each other.

"Y... Yup. Sanay naman na kami." Hanapin niyo kung saan ang joke diyan. (:

Ang totoo niyan, we have a fear of going home alone. Kasi natambangan na kami minsan ng group of guys. They chased us and the worst part is no one heared us screaming for help. Buti na lang maganda ako at nakaisip ako ng paraan. I kicked them there.. I mean, you know where it is. There. Basta there. Hahaha. That's gross and I don't wanna talk about it. Tragic kasi ang dating sa akin. Hindi dahil muntik na kami ma-rape, kundi dahil nabahiran ang paa ko ng ano. Hahahahah tama na nga.

Kaya nagpapasundo kami sa tito ni Kiss. Kaso nag-overtime sa work today that's why di niya kami masusundo.

Dear fate, nananadya ka ba? Akala mo ba nakakatuwa? Hays paano ako kakalma ng kasama siya pauwi? Kung sakali lang naman.

Omg.

Crush ko na ata siya.

"Sige alis na kami.." She waved goodbye to the guys and I just turned my back.

**

Siguro iisipin ko na lang na parang teleserye ang mga nangyari.

Kasi umulan.

Sinundan nila kami.

And we don't have a choice.

Hinatid nila kami pauwi.

Using Hunter's car.

Downright SerendipityTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang