SEVEN: Fun Run

3 0 0
                                    

Exams are over. Sa wakas tapos na ang paghihirap. Hahaha.

Fun run naaaa!

We're here at the locker room para magpalit ng jersey at magsuot ng rubber shoes. Patapos na ako pero si Kissy ay kararating lang. "Kiss dalian mo na. Baka maiwan ka. Hahahaha." I teased. Nagbelat lang siya tsaka binilisang mapalit.

"Ky ah, yung promise mo."

"Na ano?" Di ko ata matandaan.

"Lalabas tayo after the exams."

"Ah! Oo nga pala. Tara na." Tumayo ako sa kinauupuan ko at binuksan ang pinto.

"Ano yan?" Pagtataka niya.

"Tapos na ang exams.. tara labas na tayo."

"Ha-ha. She rolled her eyes and smirked. "Tama na yang kacornihan mo. Lezzgoooo." Hinila niya na ako palabas at luminya na sa mga kapwa naming freshmen.

HUNTER BRENNAN

Ang dami naman kasing arte eh. Tatakbo ba kami o hindi? Excited na tong mga kasama ko. Hahaha.

Zumba muna kasi. 7AM pa lang. Sa bagay magandang warm up yan.

I'm not that kind of person na mahilig sa ganitong activities. Pero nung nakilala ko ang someone na ito, ganado na akong lumabas-labas at sumali sa school activities. Kasi isa siya sa mga bagong organizers, kaya naman lagi ko siyang makikita. Siya pa nga nagbigay sa amin ng flyers. Thanks to that papers.

"Dude, ikembot mo!" Pang-aasar ni Migo kay Gavin na mahinhin kung sumayaw. Hahaha. Nagboses bakla siya nang kausapin ang dalawa. "Pare konti pa! Oy kayo rin Ron at Ken! Bawal ang pabebe! Sayang yang muscles niyo! Ayy!" Nagtawanan naman ang mga iba pang estudyante na nasa paligid namin. Napailing na lang ako at natawa rin.

"Yang si Hunter ang sabihan mo!" Pasigaw na hirit ni Ken. Malakas kasi ang music kaya halos di na magkarinigan. "Tignan mo ngiting-ngiti at nakaglue ang mga mata sa kanan."

Syempre yung mga nakarinig eh nagtinginan sa akin. Napa-duhhh gwapong macho version na expression ang mukha ko. "Hindi ah."

"Asuuuus! Wag ka mag-alala pre panahon na mamaya para habulin mo siya! Haha!" Di ko na nga lang sila pinansin. Humarap na lang uli ako sa kanan (haha umamin rin) at tinignan siyang magzumba.

Bakit ba ang cute cute niya?

Matangkad, maganda, mapupungay na mga mata, rosy cheeks, at sweet. She's in athletic shirt/tops, 3/4 athletic pants/leggings, at Aerobics Sneakers. Ugh. Pano ba nalaman ang mga pambabaeng damit pag ganitong activity?

Ganito kasi si É eh every Saturday. Kabata-bata nagwoworkout na.

"Okay!.. Are you guys ready??" Sabi ng emcee na estudyante rin. Nag-yes naman ang mga iba pang students na para bang grade 1. Mga uto-uto.

Nagsilinyahan na kami, from freshmen to seniors. Di ko na siya makita. Aish.

And the countdown started. "3... 2... 1!" At sunud-sunod na nga kaming nagtakbuhan.

3 sections yan kung gaano kalayo ang tatakbuhin mo. Nasa 5K kaming lima.

Nang nasa kalagitnaan na kami, biglang sinumpong ng cramps si Ron. Dala 'to ng training nila sa basketball. Kaya naman tumigil muna kami sa gilid at pinaupo siya. "Wait, I'll call for help." I said.

"Di na bro. Yan ka nanaman eh, ang sweet mo." Nagtawanan silang apat. Ano ba masakit ba talaga o ano? Tuluyan ko na kaya? ... hahahha joke. "De pero bro. I'll be alright." Sumang-ayon na lang ako at naghintay kami na mawala ang sakit.

Nang may narinig akong magandang boses.

"Kuya? What happened?" Nilingon naman yun. It was Kyrie and another girl.

"Uhm, Ron felt some leg cramps." I answered.

She went near him and touched his leg. "Masakit pa?" Tumango naman siya. "Regine, call sir Dante, we need some medical attention."

"Yes ate Ky." Sagot niya sabay dial sa phone at kinausap yung sir Dante. Siya yung head sa conference office.

Maya-maya pa ay nandiyan na ang isang puting van at may bumabang dalawang lalaki at inalalayan si Ron. Di siya makalakad kaya naman pinaakbay siya sa mga balikat ng dalawang lalaki.

"Tama na pooo. Gawin niyo lahat ng magagawa niyo kuya para gumaling siyaaa.." Mangiyak-ngiyak na pakiusap ni Migo sa dalawang lalaki. "Marami pa po siyang pangarap..." We gave him a random look. May nawewirdohan, may tumatawa, may walang pakialam, at higit sa lahat may gusto ng bumatok sa kanya. At ako yun. "Ron.. pre.. wag ka sasama sa liwanag ha?.. mahal na mahal ka namin..."

Hindi pa nakakalayo nun si Ron kaya narinig pa namin ang sinabi niya. "G&go." Tsaka tumawa ng mahina.

Pinagpatuloy na lang namin ang pagtakbo. Ay jogging na lang pala. Sana nga lakad na lang. Para mas matagal ko siyang kasama.

"Why don't t you join other freshmen?" I asked. Nasa right side ko siya at nasa right side naman niya yung kasama niyang babae. I heard she's Regine. Ang tatlo naman ay nasa likod ko.

"Eh, inassign kaming dalawa na maglibot to check if there's something wrong. Pero enjoy naman kahit papaano. Nakakameet kami ng ibang students. Pero nakakapagod rin." She sighed. Tinitigan ko lang siya. Ang mga mata niya. At maya-maya at napansin niya. "Hey? Is there any dirt on my face?"

I smiled and said, "Uh, no." I shook my head.

"Then why are you giving me that look?"

"Kasi... You're bautiful." Mga seconds din yun at nakatingin siya sa mga mata ko at parang natagalang magsink-in sa utak niya yun.

Then I just heard the sweetest chuckle. "Kuya naman." Nahihiyang sabi niya at ibinaling ang tingin. "Anyway, how's your bro? Is he okay now?"

"Ah, yeah. Nakalabas na siya ng hospital kahapon. Baka pumasok na siya by Monday."

"Oh, that's good." Nagthumbs up siya. "By the way, bakit ganun ang color ng eyes niya?"

"Ah," I chuckled. "He got dad's eyes."

Napatango siya. "Ahhh..."

Nasa 3K na kami at halatang hinihingal na siya. Kunwari di ko siya tinitignan at akala niya di ko napansin. "Water?" I offered. Di ko pa naman nabubuksan yung dala kong tubig.

Tinitigan niya muna yun at parang nagdadalawang isip na kumin. "Ha? But that's yours."

"Eh hindi naman ako nauuhaw eh. C'mon, take it." Ngumiti ako pero parang ayaw niya pang kunin. That's why I held her hand at pinahawak ang tubig. "Go ahead and drink it. Mamaya himatayin ka pa sa init eh." Nilabas ko ang panyo ko mula sa bulsa ko atsaka pinunasan ang pawis sa noo niya.

"Ehem!" Napalingon kami sa likod at nakita si sir Dante. "Mamaya na yan children.." Natawa naman ang tatlo at si Regine. "Miss Zoela and miss Suarez, sumakay na tayo at kailangan pa kayo sa station 5. And Mr. Brennan and friends, keep running. Ayaw niyo bang magmeryenda na?" May free snacks kasi pagbalik sa school.

Agad namang tumakbo ang tatlo at nag-overtake sa akin. "Sige pre, kung di ka pa gutom di ka naman namin pinipilit hihihi" Sabi ni Migo at nagmadali na papuntang 5K.

Sige. Okay lang. Sanay. Naman akong iniiwan. Hahaha.

Downright SerendipityWo Geschichten leben. Entdecke jetzt