By the way, É is pronounced as Ae. And Xiphos as Zi-Fos.
Yung Kyrie naman, Ki-Ri. Pero pag tatawagin niyo siyang Ky, it's Kai. Heehee
--Sandaling natahimik ang paligid pagkatapos banggitin ni kuya Hunter ang pangalan ko. Para bang langit kapag naririnig ko ang name ko sa bibig niya.
Napangiti ako at kumaway. Lumapit ako. Ang weird lang kasi di alisin ng kapatid niya ang mga mata niya sa akin. May dumi kaya ako sa mukha? O mukha akong alien today?
"Hi" Mahinhin kong bati. Ngumiti lang siya.
"Hi.." He replied. Totoo bang magkapatid sila? Bakit green ang mata niya at brown ang sa kuya?
Para bang naweirdohan na ang mga tao sa kwartong iyon at nagsi-ehem-ehem na. "Uhm, Kyrie. This is my brother, Bravery."
"But you can call me Breb." Singit niya.
"And that is Xiphos," He pointed the guy with a blonde hair. "And that's Lumiére," He pointed a beautiful girl sitting on the couch. Kumaway siya at ngumiti. Sobrang ganda niya. "They are all my younger siblings."
Natulala kami ni Kiss at sabay na nagsalita. "Wow."
"Seriously? Where did you get your names? Those are one hell of a kind." I said na nakapagpatawa naman sa kanila. "Miyembro ba kayo ng Mafia or what?" Mas lalo silang natawa.
"Mine's almost the same with Breb. Strong and independent person. And bravery is a trait, obviously."
I turned to Xiphos na tinabihan si Lumiére. "Mine's a name of an ancient sword used by Greeks. Xiphos."
"Lumiére is a French word for light. I am the youngest and the only girl." Napatango na lang ako at naamaze. Ang cool ng names nila. "Ay ate, you can call me É para di ka na mahirapan." Nakakagigil na ang kacute-an niya.
"How old are you na?" I asked.
"14." She answered. Ughh. Konti na lang iuuwi ko na siya.
Xiphos is 15, and Breb is 17. Wow. Kami pala ang magkaedad.
"Naku, Kyrie. Di pa sila kumpleto niyan." Sabi ni kuya Ron. Ano? Meron pa? "Wala pa ang isa nilang kuya." Woooow. Halos himatayin na ako sa dami ng pangalang imememorize ko. "Kuya Speed, the eldest, is at London right now. Girls," Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa amin ni Kiss. "Pag nakilala niyo na siya sa personal, wag kayo magpala-lapit. Chicboy yun."
Sa gitna ng malakas na tawanan ay narinig ko ang sinabi ni kuya Migo. "I'll take care and protect Kiss from Speed, and Hunter will take care of--"
"--KAINAN NAAAAA!" Sigaw ni kuya Gavin. Di ko na tuloy narinig yung next na sasabihin ni kuya Migo.
Nag-ingay at todo blow ng torotot ang apat. Para bang malaking party. Ghad.
Tinabihan ni Kiss si É at nakipagkwentuhan. Gigil din kasi siya sa cuteness ng batang iyon. Sobrang ganda niya talaga.
Habang busy ang lahat at busy rin akong tinitignan sila, lumapit sa akin si kuya Hunter, with his hands on his pockets. Yung tipong dahan-dahan at may hiya factor. "Ky." I just smiled at lumapit na rin. "Thank you for being with us."
"Eh, di ba magkakaibigan tayo? At ang magkakaibigan, nagdadamayan?... Atsaka..." Medyo hininaan ko ang pagkakasabi ko. "Kung di naman dahil sa'yo, di ako sasama rito."
"Ha?"
"W-wala." Umiling ako. "Wala. Haha." Tumango siya. Though I know he's not yet convinced. Sana di niya narinig. Hehe. "Uhm... Where are your parents pala?"

YOU ARE READING
Downright Serendipity
RandomLife is full of surprises; it's either a good or a bad one. The only question is ... How will you face it? Tag-Lish. Don't judge a book by its cover. This is not just about love between couples. Find out more by reading. Based 'to sa kalahati ng buh...