DAHLIA
"HEY DAHLIA GISING KANA BA?" urgggh! Ang aga-aga oh! Hindi ko siya pinansin at naidlip ulit ako. "I KNOW YOU'RE AWAKE DAHLIA. PLEASE REPLY!" ngumiwi ako at kinuha ang telepono. "What do you want Jasmine?" tanong ko.
Jasmine- iyan yung pangalan niya yung babaeng umagang umaga nanggugulo ng tulog!
"I need you to come to my office now." utos niya. "FINANCIAL PROBLEM." pumayag ako at binaba na ang telepono.Tumayo na ako para maligo at nagpalit ng damit pang alis. Pagsakay ko sa kotse, tinry ko na paandarin ang kotse pero ayaw nitong gumana. Naalala ko wala na pala itong gasolina. Ginamit namin ni Jasmine noong nagpunta kami sa kaibigan naming may sakit. "Shit!" sigaw ko. Bumaba ako sa kotse at naghintay ng taxi sa labas.
Pagdating ko sa kumpanya namin ay agad akong nagtungo sa opisina ni Jasmine. Umupo ako sa sa harap niya at nagsalita na siya about sa problema sa kumpanya. "Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa." Sabi niya. "Ang mga clients natin ay paunti unti nang nawawala at lumilipat sa kalaban nating kumpanya."dugtong niya "And? Anong kailangan nating gawin." tanong ko. Ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko.
" WE NEED TO MARRY ONE OF THE SON OF THE OWNER OF OUR ENEMY'S COMPANY. "