DAHLIA
"So ganito, nalaman kong pupunta ang Yu Brothers sa Mall Of Asia next week. So kailangan maaga tayo Next Week sa MOA okay?" explain ni Jasmine. Tumango nalang ako at nakinig pa sa explanasyon niya. Boring grabe. "Eh paano kung kilala tayo no'ng tatlong lalaking 'yon? edi lagot tayo!" tanong ko. "NO! Hindi nila tayo kilala. Ang alam nilang may ari ng kumpanya ay Danica Shin at Jean Shin. Ang alam nila magkapatid ang may ari ng kumpanya." Sagot niya. "Atsaka kahapon may nakilala akong dalawang tao na galit sa magkakapatid na Yu. Dadalhin ko sila dito bukas." dugtong niya. Tumango nalang ako. "So! Sino ang iseseduct mo sa dalawa? Si Lloyd or si Tristan. Ako sayo si Tristan nalang. Kase hindi ka mahihirapan mabait 'yon eh! Kung kay Lloyd ka naman. Medyo mahihirapan ka kasi Masamang Creature 'yon eh!" Explain niya.
"Si Lloyd ang kukuhain ko ng loob. At seduct? Hell no!" sagot ko dahilan para tumawa siya. "Oh wow, gusto mo talaga sa mga bagay na mahihirapan ka ah? Sige na aalis na ako, Dahlia. Bye!" sabi niya sabay kuha sa bag at umalis. "Oh by the way. Bukas pumunta ka dito ng 9:00 am okay?" sabi niya. Tumango nalang ako at kinuha na din ang bag.
Masyado pang maaga para umuwi kaya napagdesisyunan ko munang mamasyal sa mall. Nag punta muna ako StarBucks. Nakapila ako sa line ng may biglang taong natulak saakin. Napatingin ako sa likod ng makita ko ang pamilyar na mukha. S-si Lloyd Yu! Aaah! Wait. Bat ako nagrereact ng ganito! Dapat kalma lang. Tumingin na ulit ako sa harap at naghintay sa aking sunod nang may biglang sumigaw sa likod ko. "HOY YU! KAILAN KA MAGIGING CEO NG KUMPANYA NG DADDY MO? PAG NAMATAY KANA?!" asar ng lalaki na kasama ni Lloyd nag tawanan naman ang iba pang kasama niya at ako ay nagpatuloy lang sa pakikinig sa kanila pero hindi ako nagpapahalata. "MALAPIT NA! AT KAPAG NANGYARI NA 'YON! MANLILIBRE AKO SA CLUB!" sigaw niya. Ang yabang naman nito?! Dapat hindi siya ang magmamana sa kumpanya nila! Ay wait, bakit ba nakekealam ako? Dapat masaya pa ng ako kasi kapag siya nagmana ng CEO dahil siguro babagsak ang kumpanya nila. Barumbado ang ugali eh!
"NEXT!" sigaw ng cashier at lumapit na ako sa Cashier."Isa pong Chocolate Chip Cream." sabi ko. "Anong size?" tanong ng cashier. "Maliit lang." sabi ko. Narinig kong nagsmirk si Lloyd. "Ang hirap nitong babaeng to for sure. Maliit lang binili eh." sabi nito sa mga kasama niya at nag-apir sila. Naginit ang ulo ko at napatingin sakanya ng mata sa mata. Ugh! Ang kanyang itim na itim na mata sobrang ganda! Pero hindi! Wag ka magpapadala! Naiinis ka sakanya! Naiinis ka!
"A-ANONG SABI MO?!" sigaw ko sakanya. Tumingin siya sa mga kasama niya bago ako tingnan ulit at lumapit sa aking tainga. "MAHIRAP KA. BAKIT MAY ANGAL KA?" bulong niya. Lalong nag-init ang ulo ko at nasampal siya ng napakalakas. Narinig kong nag 'oww' yung mga kasama niya nakakainis naman kasi siya! porket nag order ng maliit mahirap na? "Miss Ano pong isusulat kong pangalan?" tanong ulit ng cashier. "DAHLIA." Sagot ko. "DAHLIA SY" tiningnan ko ng masama si Lloyd na nakahawak sa kanyang pisngi na sinampal ko kanina galit na galit. Tiningnan ko siya ng tingin na maasar siya.