DAHLIA
" WE NEED TO MARRY ONE OF THE SON OF THE OWNER OF OUR ENEMY'S COMPANY. "
"WHAT?!" gulat kong sagot. Bakit naman namin kailangan magpakasal sa isa sa mga anak ng kalaban naming kumpanya? "Para rin naman sa kumpanya ito Dahlia. Tsaka, Pogi din naman ang mga Yu Brothers! Yiee!" kilig nitong sagot. 3 ang anak ng mayari ng Yu-Chen Company.
Si Lloyd Yu ang panganay sa 3 masungit at playboy.
Si Christian Yu ang pinakamabait at pinakamasipag sa 3
Si Tristan Yu ang bunso na masiyahin at friendly sa lahat pero nakakatakot pag nagalit."Basta, akin si Christian. Sa'yo nalang yung si Tristan o Lloyd." sabik niyang sagot. Inirapan ko siya at nagpaalam na.
Pagkauwi ko sa bahay ay naiisip ko ang sinabi ni Jasmine, " WE NEED TO MARRY ONE OF THE SON OF THE OWNER OF OUR ENEMY'S COMPANY. " Ughhh! Nagbugtong hininga ako at binuksan ang facebook ko. Chineck ko ang facebook nung Lloyd Yu at nakita ko ang bago niyang status.
Hahaha! We Win!
Umirap ako at binuksan nalang ang instagram ko. Pagkatingin ko sa Newsfeed ko ay lumantad nanaman si Lloyd na nagpaparty with Christian and Tristan Yu. ang caption : We Win! #NumberOne
Mas nagalit ako at pinatay ang laptop ko. We really need to do something about this! Kase kung hindi tuluyang babagsak ang kumpanya namin!
Alam ko na nagtataka kayo kung bakit finofollow ko siya sa FB at Insta. Wala, Trip ko lang.
Gabi na. bumaba ako sa sala namin at nakita ko ang kapatid ko na si Nathalia na nanonood ng cartoons sa tv. Noong napansin niya ako ay ngumiti siya saakin at lumapit ako sakanya. "Kamusta ang school?" tanong ko. Ngumiti siya ng malaki at niyakap ako. "Ate! Top One ako sa klase!" natuwa ako at niyakap pa siya ng mahigpit. "Ang galing naman ng kapatid ko! Mana ka talaga saaking bata ka!" sagot ko. Lumayo na siya sa pagkakayakap ko at ang mukha niya ay biglang naging malungkot. "Oh. bakit ka malungkot? Diba Top one ka?" tanong ko tumingin siya saakin ng may luha sa mata. " A-ate. Narinig ko kasi na nalulugi na ang kumpanya niyo." sagot niya. "Natatakot ako ate. baka hindi niyo na ako kayang pagaralin ni Mommy." dugtong niya. "H-hindi mangyayari 'yon Nathalia. Gagawin ko ang lahat para hindi ka tumigil sa pag-aaral." ngumiti siya at niyakap ako ng mahigpit. "Salamat ate." ani niya.
"Mga anak luto na ang pagkain!" sigaw ni Mommy mula sa kusina. Tumayo na kami ni Nathalia papunta sa kusina upang kumain ng mapansin ni Mommy na parang kakagaling umiyak ni Nathalia. "A-ah wala po Mommy. Nag-aacting workshop kami kasi gusto maging actress ni bunso." dahilan ko. "Oh Nathalia, kala ko ba gusto mong maging magaling na singer?" takang tanong ni Mommy kay Nathalia. "A-ah nagbago na po isip ko acting nalang." sagot niya. Umupo na kaming lahat at kumain ng bacon na luto ni Mommy.
Pagkatapos ng lahat nahiga ako sa aking kama at inisip kung papayag ba ako sa idea ni Jasmine na magpakasal sa isa sa mga anak ng may ari ng Yu-Chen Company. Kinuha ko ang cellphone ko at dinial si Jasmine at agad niya naman itong sinagot. "Hello, Dahlia!" bati nito. "Ummm. Hi Jasmine about doon sa plano mo." panimula ko. Kaya mo 'to Dahlia! Para sa kapatid mo at para sa Mommy mo para hindi na siya mamomoblema. "Kailan natin sisimulan?" tanong ko. "So, pumapayag ka na ba sa plano ko?" excited na tanong ni Jasmine.
"YES, PARA SA KAPATID KO AT NANAY KO." sagot ko.
-----------------------------------
Hi Guys! Mamaya maya nalang po yung Chapter 2. :) and thank you po sa pagbasa ng story ko. :)