Dahlia
Naalala niyo ba yung sinabi ni Jasmine na mamamasyal ang tatlong magkakapatid sa MOA? Tommorow na 'yon. Sinabi saakin ni Jasmine na mag-aapply daw kami ngayon sa isang shop na laging pinupuntahan ng tatlo para mamili. Mag-aapply kami bilang saleslady.
Luckily, natanggap kami.
Pagkatapos sabihin lahat ng kailangan naming gawin sa shop ay nagumpisa na kaming magtrabaho.
~Kinabukasan~
"Sure ka ba napupunta dito yung tatlo?" tanong ko kay Jasmine na nagaayos ng paninda. "Oo, kita mo naman. Secured na ang buong shop. Kasi nga.. dadating sila." sagot niya at pinagpatuloy na ang pagaayos. Tumango nalang ako at nag-ayos nalang din nang paninda. Nang may biglang nagtilian sa labas. Narinig kong sumigaw ang manager namin. "Andyan na sila! Mag-ready na kayo!" nag ayos kami ng sarili at pumunta sa harap ng cashier. Pagkapasok nila ay binati namin sila ng "Goodmorning po."
Nilapitan sila ng manager namin. "Goodmorning po Sir Lloyd, Sir Tristan, Sir Christian." panimula niya. "Sa pagbili niyo po ay mamimili kayo ng mga personal saleslady na mapagtatanungan niya ng mga detalye." dugtong niya. Tumingin saamin ang tatlo, pero nang makita ako ni Lloyd ay biglang umirap siya at ngumiti ng parang nanloloko. Oh no.
"I want that girl to be my personal saleslady." utos ni Lloyd na nakaturo saakin. "Ms. Sy lumapit ka na dito at i-tour mo na si Mr. Yu." sabi saakin nang Manager namin at tumango nalang ako. "Tara na po Sir." sabi ko at sumunod naman siya saakin.
Pagdating namin sa loob ng papilian ng damit ay bigla siyang nagturo ng damit. "Iabot mo saakin iyong tshirt na 'yon." sabi niya at tinuro ang tshirt na kulay blue na nasa pinakataas ng lalagyanan ng mga damit. Akmang kukuha na ako ng pangsundot ng damit nang bigla niya akong pigilan. "No. Hindi ka gagamit ng kahit ano. Akyatin mo." utos niya. Umirap ako at sinimulan nang akyat ang lalagyan ng mga damit. "Saleslady pala ang trabaho mo? Miss Dahlia Sy?" sabi niya habang nakatingin ng masama saakin. "Ano bang pake mo?" inis kong sagot habang binibigay sakanya ang pinapakuha niyang tshirt.. "Ay, ganyan ka ba sumagot sa mga customer mo?" kunwaring malungkot niyang tugon. "Well, humanda ka." sagot niya at tinawag ang manager namin.
"Ang bastos naman nitong personal saleslady ko." kunwaring malungkot niyang tugon. "Ganito na ba talaga dito sa shop na ito? Hindi na ako bibili dito ulit! Ang bastos ng mga staffs niyo!" dugtong niya. Nagulat ang manager namin at umirap muna saakin bago sagutin si Lloyd. "S-sorry sir. A-ah pagsasabihan ko nalang siya." sagot nito. "No! I want her to be fired!" kunwaring galit niyang sagot at tinuro pa talaga ako. Tumingin ulit ang manager saakin at umiling naman ako. "Miss Sy, let's talk about this later okay?" sabi niya saakin at umalis na. Tumingin ako kay Lloyd at tumawa naman ito ng bahagya. "Good Luck nalang sa'yo." sabi niya habang tumatawa. "Bibilhin ko na rin ito okay? dalhin mo na sa cashier susunod ako." kinuha ko padabog ang tshirt at umalis na.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
BUSY KAYA HINDI NAKA PAGUPDATE HAHA SORRY PO HEHE