Heart's Povkanina pa ako palakad lakad dito sa bahay dahil inaalala ko si lola hindi nya kasi alam ang mga pina-gagagawa ko sa buhay ko
Hindi niyo naman ako masisisi dahil naku! kapag nalaman ni lola ang pina-gagagawa ko ..Hindi niyo na ako makikitang buhay!
pero syempre joke lang! sabihin na lang natin na pwede akong ma-GROUNDED!
"Ahm lola di pa po ba kayo matutulog? " tanong ko kay lola na nakaupo lang dun at nanonood ng tv
ayod din si lola eh no? maiihi na ako sa kaba nakuha pang manood ng tv
"Oh apo ano ba problema mo? kanina ka pa palakad lakad dyan nakakahilo ka" tanong ni lola sa'kin , nagkamot ako ng ulo atsaka umupo sa tabi nya habang
pano ba 'to?.."Ahm lola tama na yang panunuod ng tv" kinuha ko ng dahan dahan ang remote sa kamay ni lola .
hindi dapat kasi ako malate! naalala niyo ba? Monday ngayon at mahirap mang sabihin pero may date kami ngayon ni james.
pahamak kasi yang james na yan! ang lakas kasi mamilit na makipag date sa kanya! jusko ilibing niyo na ako ng buhay wag ko lang makasama yung taong yun! pero syempre may choice ba ako? mukhang wala naman diba?
"Ano ka ba apo maaga pa" ngumiti si lola at pinagpatuloy ang panunuod
ako naman hindi ko na alam ang gagawin ko. tinignan ko yung wrist watch ko 6:30 na ..8:00 pa yun edi may 1 hour and 30 minutes pa ako
teka!
alam ko na! talino ko talaga!!
Magpapatulong na lang ako kay jas! tama. kinuha ko yung de keypad kong cellphone sa bulsa ko at agad na tinext si jas
To: Jas
hoy jas! patulong naman! diba ikaw ang may gusto ng date na 'to ? pumunta ka dito sa bahay tulungan mo ako kay lola.
SEND
pagka send ko napabuntong hininga na lang ako hindi ko na alam ang gagawin ko! kailangan ko pang hintayin maka-tulog si lola para lang maka-alis ako!
Naghintay ako kay jas ng 20 minutes . nareceive nya kaya?
*sigh
sana na recieve nya dahil kundi patay ak--
"helloo lolllaaa!" nabigla ako dahil biglang bumukas yung pinto at iniluwa nito si jas
na receive nya!!!
"oh? anong ginagawa mong bata ka dito? " tanong ni lola sa papalapit na si jas "gabing gabi na ah?"
nagtataka na si lola pero dapat kalma lang baka mabuking ako
"wala po binibisita ko lang si loolaa" tapos niyakap pa nya si lola. si lola naman nagtataka pero yumakap rin.
anong oras na huhu T^T . bumitiw na sila sa pagkakayakap
"Lola need niyo na ng rest tamo lola mukhang pagod ka na " tumayo si jas at pinapatayo nya rin si lola .
"Eh per--"
"wala ng pero pero lola tara na" napatayo naman si lola na takang taka. lumakad na sila papasok sa kwarto ni lola pero bago sila tuluyang makapasok lumingon muna sakin si jas binigyan nya ako ng Sige-Na look
ako naman nagmadaling pumasok sa kwarto ko para maligo pero bago yun tinignan ko muna yung wrist watch ko
GOSH! 7:00 na? ang bilis naman! . at dahil dun hindi na nga po ako naligo binilisan ko na lang magbihis ng t-shirt at jeans.
BINABASA MO ANG
My Pervert Boyfriend
Teen Fiction"DATE ME" paano kung may lalaking bigla na lang nang higit sayo at biglang sabihin yang mga salitang yan? Oo ka ba? o h-hindi? Oo, Dahil gwapo sya , hearthrob , Mayaman, at may kapatid na artista? Hindi, dahil isa syang PERVERT! at walang ibang...