Heart's Pov
"Heart! Hintayin mo kami!"
"Heart mag-usap muna tayo, pagusapin natin 'to"
Wala na akong pakialam sa mga taong humahabol sa akin. Lutang ako, para akong lumulutang sa hangin, parang naglalakbay ang utak ko. Para akong naka-drugs
Ang tanga ko kasi. Kalandian ko, bakit pa kasi ako pumayag? Bakit pa ako pumunta sa pesteng restaurant na yun? Bakit ko pa nakilala si james? I'm just a nobody girl!
Bakit ginulo niya pa ako? Kung hindi sana ...kung hindi sana ako pumunta dun edi sana...sana masaya kami ng lola ko, edi sana hindi sya nag-aagaw buhay sa hospital.
Kasalanan ko....kasalanan ko na naman.
Pero ano pa ba magagawa ko? hindi ko na maibabalik ang pangyayaring yun. Kung may time machine lang sana.
"Heart!"
*Beeeeeep. Beeeeep*
Bigla akong napatingin sa harap ko, tanging nakakasilaw lang na ilaw ang nakita ko. Napapikit ako. Akala ko katapusan ko na pero biglang may humigit ng braso ko
"Heart ano ba 'tong katangahan mo!"
Napamulat ako sa sigaw ni jas. Umiiyak siya. Hindi ko narin naiwasan at napaiyak na lang din ako
"Bakit mo ako niligtas! Dapat pinabayaan niyo na lang ako! Gusto ko nang mamatay gustong gusto ko na---"
*PAK*
napatigil ako sa pagsasalita ng bigla akong sampalin ni jas
"Jas tama na!" Inawat siya ni abby at hinawakan sa braso. Napahawak naman ako sa mukha ko. Para akong nagising sa sampal na yun, para akong nahimasmasan.
"Paano mo nasasabi yang mga salitang yan?! Akala ko ba malakas ka! Asan na yung heart na nakilala ko? Yung malakas! Yung walang inuurungan? Nasaan na yun! Ilabas mo siya!" Niyugyog ako ni jas habang parehas kaming napapaiyak "asan na siya! *sniff* ilabas mo siya"
"S-sorry *sniff* sorry...sorry" Yan lang ang nasasabi ko habang hinahayaan siyang umiyak.
Niyakap ako ni jas ng mahigpit "please lumaban ka naman!"
Tango lang ako ng tango habang naiyak. Yumakap narin sa amin si abby
"Kaya natin 'to". - abby
akala ko mag-isa ko na lang haharapin ang mga problema na 'to pero ma-swerte ako na may mga kaibigan akong laging nandyan para suportahan ako.
Bakit hindi ko naisip yun? tss tanga ko talaga.
Pero sana...sana tama si abby, sana maayos pa 'to. Ayoko mawala si lola, ayoko.
****
Pagkatapos ng scene na yun dumaretso kami sa ospital. Naabutan namin dun ang yaya ni abby na naghihintay sa isang bench.
"Ba't ang tagal mo hija? Nasa loob ang lola mo ino-obserbahan" Sabi ng yaya ni abby.
"uh..ano po sabi ng d-doctor?" Tanong ko. Napayuko naman ito
"Ang sabi ...kailangan daw operahan "
Napasinghap ako. Operahan? Saan ako kukuha ng pera? Ni piso nga wala na ako e!
Parang nanghina ulit ako at napa-upo. Pero dapat lakasan ko. Ako si Heart malakas ako...malakas.
"Magkano daw po ba?" Si jas na ang nagtanong dahil wala din naman na akong lakas para magsalita. Hindi pala ako ganun kalakas.
BINABASA MO ANG
My Pervert Boyfriend
Teen Fiction"DATE ME" paano kung may lalaking bigla na lang nang higit sayo at biglang sabihin yang mga salitang yan? Oo ka ba? o h-hindi? Oo, Dahil gwapo sya , hearthrob , Mayaman, at may kapatid na artista? Hindi, dahil isa syang PERVERT! at walang ibang...