CHAPTER 11

459 15 9
                                    

Abby's Pov

Nakakaawa ngayon ang sitwasyon ni heart.kung ako siguro nasa kalagayan niya....baka kanina pa ako sumuko. Tss ang tibay niya din no? Ang bata pa niya pero ganyang problema agad ang kinakaharap niya. Pero ang pinagtataka ko lang ,bakit ayaw niya kaya ipaalam sa ate niya ang sitwasyon ngayon ng lola nila?

"Uy.." Bahagya akong binunggo ni jas dahil natulala na pala ako

"Jas...paano ba natin matutulungan si Heart?" Tanong ko kay jas. Napabuntong hininga naman siya at tumingin na lang ng diretso sa daan

" di ko rin alam e"

Hays. Kapag kasi humingi pa ako kay dad ng pera baka pagalitan pa ako, medyo kuripot kasi si dad -_-

"Wag mo na muna isipin yan ...asdfghjkl"

"Ano?" Medyo hindi ko kasi narinig yung last part ng sinabi niya, pabulong na lang kasi yun.

"Wala.."

Napa-irap na lang ako at hindi na siya kinulit pa kung ano man yun. Pumunta kami sa 7/11 tapat lang ng ospital, bibili lang kami ng cup noodles at water.

May mainit naman na tubig sa ospital.

*bzzzt.bzzt*

Biglang may nag-vibrate, akala ko cellphone ko pero cellphone pala ni jas. Tinignan niya yung text sa kanya, titignan ko din sana yun kaso iniwas niya bigla yung cellphone niya. Napakunot noo tuloy ako

"Tss parang titignan lang e! Tara na nga!" Nauna na akong naglakad sa kanya. Ang damot talaga niyang si jas! Titignan ko lang kung sino e. Nakaka-curious kasi dahil habang binabasa niya yung text,naka-ngiti pa siya. Don't tell me boyfriend niya yun?
-_-

"Abby wait!" Bigla akong pinigilan ni jas "wag muna tayong pumasok...kasi...uh...ahm kakainin pa natin 'to oh" tapos tinaas niya yung plastic na may laman na cup noodles "mahirap na baka...lumamig hehe" tapos alanganin siyang ngumiti.

"Teka...lumamig? Pfft-- hello? Wala pa pong mainit na tubig yan" natatawang sabi ko sabay iling. Ano bang katangahan nito ni jas? Ahahahahaha

''Uh...hehe...ikaw talaga! Oo nga no?" Natawa narin siya sa sarili niyang katangahan

Iling iling ko siyang tinalikuran at naglakad na ulit pero nung nasa may entrance na ako bigla na naman siyang umeksena at pinigilan na naman po ako.

"Ano bang problema?"

"Uh..kasi...kasi...naiihi ako..OO! tama yun nga hehe"

Tss bakit ganun? Parang naging weird siya bigla? Naiihi daw siya, e nasa loob naman yung Cr. Yung una sa noodles tapos? Ugh! Abnormal -_-

"Wag na. Pigilan mo na lang yan baka lumamig na yung noodles" pang-aasar ko sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 23, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Pervert BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon