CHAPTER 9

607 17 4
                                        

Heart's Pov

"Uy james! Ikaw pala!" Pinilit kong pasiglahin ang boses ko sa harap nya kahit sobrang kinakabahan na ako. Hindi ko alam ang gagawin ko. Ni tignan nga sya sa mata hindi ko magawa, hindi naman sa guilty ako pero may kasalanan pa ako sa kan'ya

Oo, si james nga ang nakabangga ko. Malas lang talaga diba?

Hindi s'ya umimik. Nag-tiim bagang lang s'ya.

Napakamot tuloy ako sa batok ko. Mukhang kailangan namin pagusapan yung nangyari

"Uh...j-james yung kagabi nga p-pala Uh...ahm..." paano ko ba sasabihin?. Tumingin ako sa mga paa ko para dun humugot ng salita

Huminga muna ako ng malalim"Hindi ako naka-punta kaya pasensya na"

Tumahimik bigla ang paligid, kahit nga ang hangin sa pagitan namin ay nahiyang mag-ingay. Hinintay ko ang sasabihin n'ya

"Okay lang" bigla akong napaangat ng tingin sa kanya. As in? Hindi s'ya galit?

"Okay lang sayo?" parang hindi ako makapaniwala. Humarap ako kina jas na may ngiti sa labi. Akala ko magagalit s'ya sa nangyari mukhang hindi naman pala

"Oo..okay lang, okay lang naman na nag-effort ako, okay lang na gumastos ako ng malaki, okay lang na ilang oras akong naghintay at okay lang na hindi mo ako sinipot "

Napawi ang ngiti ko. Bawat salitang binibitawan n'ya sobrang lamig . Lalo na kapag tumingin ka sa mga mata n'ya parang puno ng irita at galit.

"Akala ko ba okay na?"

"Okay nga lang. Nasasa iyo na yun kung maniniwala ka" inirapan n'ya ako at nagsimula na s'yang maglakad paalis

Ako. Kami. Naiwang tulala.

Malaki ba ang kasalanan ko?
Alam kong hindi ako guilty pero ano 'tong nararamdaman ko?

Mali ba na mas pinili ko ang lola ko kesa sa walang kwentang bagay?

Lumapit sa'kin sila abby at hinawakan ako sa braso

"Okay lang yan. Pabayaan mo muna si james, magiging okay din 'yun"

Sa sinabi nila napanatag din ang loob ko.

Sana nga makalimutan n'ya yung nangyari at sana kalimutan narin n'ya ako
-----

Lumipas ang tatlong araw at tumahimik ang buhay ko, walang nangggugulo at nangungulit. Nalaman ko rin na kaklase ko si james. Sa una hindi ako makapaniwala, sa dinami dami bakit s'ya pa? At kasama n'ya pa yung mga barkada n'ya. Pero ano ba ang karapatan ko para mag-reklamo? e hindi naman ako ang may ari ng school.

About kay lola naman, nagising na sya sa awa ng diyos, pero sabi ng doctor kailangan na daw n'yang operahan.e saan naman ako kukuha ng pera? Ni hindi nga alam ni ate na nasa ospital si lola. Ayoko ng makadagdag pa ng alahanin.

"Uy tulaley ka na naman" natauhan lang ako ng bigla akong sinundot ni jas sa tagiliran .

My Pervert BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon