PROLOGUE" James, ayon? 'yung babaeng 'yon? " Sabay turo nya dun sa babae na bumibili ng kwek kwek ata yun?
Naandito kasi kami ngayon sa labas ng school naghahanap lang naman ng babaeng ide-date at maipapakilala sa dad ko bago pa ako matuluyang ipakasal.
I know, this is really ridiculous, but i don't want to get married with Gioriana. Wala pang nangyayari pero alam kong hindi ako magiging masaya.
"Ano?! Hibang ka ba? Tignan mo nga itsura nyan!" Nilayasan ko si Andrew. Kung sya, walang taste sa babae, ibahin nya ako!
"Ang arte mo, James! Walang mangyayari sa'yo kung mamimili ka pa"
Inirapan ko si Andrew. Napadpad ulit ang tingin ko don sa babaeng tinuro n'ya kanina. Hmmm, okay naman sana e, kaso ang gaslaw gumalaw!
"Wag na, tara na't pumasok na lang tayo sa loob! Maghanap na lang tayo ng iba!" Sigaw ko. Nababadtrip sa nangyayari sa buhay ko. Bwisit talaga! Alam kong atat na atat 'yung Gioriana na makasal sa'kin. Kung alam ko lang edi sana di'ko na lang sya pinatulan sa una pa lang.
Papasok na sana ako sa loob ng school nang bigla akong hilain ng mga kasama ko pabalik
"Suggestion lang ha, bakit di ka na lang kumuha sa mga chix mo? Oh kung gusto mo sa mga chix ko na lang? Free pa basta ibalik mo" Alok naman nitong si Andrew. May ngisi pa sa labi. Nang aasar ata 'to e
"kapag kumuha ako sa mga babae ko, baka mamaya totohanin ng mga yun at hindi na ako pakawalan alam mo naman diba ? Atsaka ayoko nga kumuha sayo e, halos lahat ata ng babae mo nagalaw mo!" Wala talagang common sense 'tong si Andrew.
" ang sama mo hindi naman lahat!" sabay akbay.
Oo na't di lahat, pero halos lahat.
"Teka nga, teka nga, para sabihin ko sa inyo, iba pinag-uusapan natin, " Napatingin kami kay Jarenz na kanina pa nananahimik sa tabi.
" tss, papalakihin pa ba natin 'to? deal or no deal lang naman e, kung deal, sya na lang. kung no deal, humanda ka nang ikasal" ani Jarenz
Umupo ako sa isang tabi at napag-isip. Mahirap na desisyon talaga 'to. Ang gusto ko lang naman ay i-enjoy muna ang buhay ko pero ano ba 'tong nangyayari!
" ang weak mo naman! Para sa isang tulad mong playboy ,' di na dapat naghahanap. kusang nadating 'yan. Kaya kung ako sa'yo, deal na! ipapakilala lang naman. Pwede naman pagkatapos, iwanan mo na agad."
"Nasasabi mo lang 'yan kasi, hindi naman ikaw yung nasa sitwasyon ko"
"Sus! Ang sabihin mo, mamaya baka,"
Agad akong napatayo "Mamaya ano? Ha! Andrew? Ano?!" Sigaw ko
Tinignan nya ako ng nang-aasar na tingin na naman.
"Baka mamaya ma fall ka "
Di'ko napigilan at napatawa na lang ako habang tinatapik s'ya sa balikat. ma-fall daw? Ako? How funny. isa akong playboy tapos...
"Pfftt! Syempre hindi! Ano bang pinagsasabi mo d'yan! " baka nga wala pang one month e, kami na.
Inakbayan nila ako pareho ...
"So deal na tayo?" Sabay pa nilang sabi
Napabuntong hininga ako at tumango "Deal"
"Okay! Gawin mo na" sabay nilang tapik sa balikat ko.
Kaya ko ba talaga? S'ya lang naman 'yung babae na mukhang hindi totohanin ang lahat ng 'to?
![](https://img.wattpad.com/cover/50749775-288-k506816.jpg)
BINABASA MO ANG
My Pervert Boyfriend
Teen Fiction"DATE ME" paano kung may lalaking bigla na lang nang higit sayo at biglang sabihin yang mga salitang yan? Oo ka ba? o h-hindi? Oo, Dahil gwapo sya , hearthrob , Mayaman, at may kapatid na artista? Hindi, dahil isa syang PERVERT! at walang ibang...